Mission 21

126 6 0
                                    

'I think I like you, Ethel.'

Napanaginipan ko kagabi, hinalikan daw ako ni Ziko at sinabing gusto nya ko. Kinilabutan ako dahil dun. Tsk.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Nasaan ako? Parang pamilyar ang disenyo ng kwarto. Nilibot ko ang paningin ko at tama nga ako. Pamilyar kasi nakapunta na ko dito, sa Olivia Hotel. Remember nung inalam ko ang misyon ko?

Bumangon ako at tinignan ang sarili ko. Ang dumi ng damit ko, ang natatandaan ko lang ay katabi ko si Ziko kagabi sa kotse. Hindi ko na alam kung sino ang nagdala sakin dito.

Napatingin ako sa sidetable, may paper bag don at letter? Oo letter.

'Goodmorning! :) Ayan na yung damit mo. -Ziko'

Napangiti ako dahil sa message at dahil na rin sa penmanship nya, maganda yon pang babae. Mas maganda pa sa sulat ko tsk.

Kinuha ko na ang paperbag at naligo na. Pagkatapos ay sumakay ako ng elevator papunta sa Org.

"Ethel!" Bumungad agad sakin si Jeraldine.

"Goodmorning Jeraldine."

"Goodmorning din. Pupunta ako kay Naomi at Rama. Nasa kusina sila." Nginitian nya ko matapos ituro ang kusina.

"Sige thanks. Ingat."

"Thankyou."

Dumiretso na ko sa kusina, narinig kong naguusap sila.

"Kailangan nating maghanda, hindi natin alam kung kailan sila susugod." Narinig kong sabi ni Olga.

"Hindi natin hahayaan na sila ang sumugod. Pag nakalabas sila Naomi at Rama sa ospital, tayo ang susugod." Dad.

"What? Bakit naman?" Olga.

"Kung kikilos tayo ng hiwa-hiwalay, posibleng may mapahamak. Tulad ng ginawa nila, kung paunti unti at paisa-isa ang kilos natin posibleng maubos tayong lahat." Dad.

"Kailan ba ilalabas si Naomi at Rama?" Binuksan ko na ang pinto at tuluyan ng pumasok.

"Gising ka na pala. Goodmorning." Dad.

"Goodmorning din."

"Next week." Sagot ni Olga sa tanong ko.

"Mayroon nalang tayong isang linggo para maghanda kung ganon." Sabi ni Lolo.

Kumpleto ang lahat doon, tahimik lang ang mga kaedad ko.

"Kami na ni Lenard ang magtetrain dito sa tatlo." Suhestyon ni Joy at tinuro sila Apple, Lauranna at Melisa.

"Sige. Oo nga pala Apple gusto kong magpasalamat sayo sa pagtulong kay Naomi. " Dad.

"Walang anuman, Markus."

"Ethel?" Napatingin ako kay Dad ng tawagin nya ko.

"Ano yun?"

"Wala ka bang balak sabihin samin?"

Naguluhan naman ako at napaisip. Ano bang dapat kong sabihin?

"Ha?" Takang tanong ko.

"Binalita sa TV kanina ang nakitang bangkay ng babae. Sa mall kung saan kayo galing kagabi."

Bigla ay naalala ko ang babaeng pinatay ko kagabi.

"Sinusundan nya kami kagabi. May hawak syang baril, sa tingin ko ay kaya nasa V org ang Private Z dahil sakanya."

"Do you know her?" Tanong ni Dad.

"No."

"Kahit pangalan nya?"

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon