Nasa studio ako ngayon, as usual busy.. Kasalukuyan akong nagkakape habang inaarranged ang mga notes na gagamitin para mamaya.. Wala pa kasi akong tulog at five in the morning na hindi pa rin ako tapos sa ginagawa ko..
Naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. "I love you, Hon. Miss me?" saka nya ako hinalikan sa pisngi. Napangiti ako. Humarap ako sa kanya.
"Hindi kita namiss.. Medyo lang." I smiled ang looked at him playfully. Then he started to kiss me fully and I kissed him back. Kung saan-saan na napadpad ang kamay nya but I can't help myself but to moan. He started to unbutton my blouse exposing my body. Hinayaan ko lang sya. I want to know kung gagalangin pa ba nya ako bilang babae o mas mangingibabaw sa kanya ang desire nya na maangkin ako ngayon mismo. Tinulungan ko pa syang maghubad pero bigla nya akong pinigilan.
"S-sorry. We shouldn't do this. Muntik ko ng magawa sayo. Sorry talaga."
Na-amused ako sa sinabi nya. Hindi dahil sa umatras sya, kundi dahil may respeto pa rin sya sakin kahit na gaano pa nya kagustong maangkin ako.
"Thank you for respecting me, Tyrone." then I hugged him tight.
Mas lalong tumaas ang tingin ko sa kanya.
Ngayon, alam ko na kung ano ang mawawala sakin kapag pinakawalan ko si Tyrone.
Nag-ayos muna ako pati sya bago kami umalis ng studio. May surprise daw kasi sya sakin at kahit puyat ako hindi ako makatanggi kasi si Tyrone yun eh. Ayokong maramdaman nya na ireject ko sya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" nakatingin lang ako sa labas habang nagmamaneho sya. Pumasok kami sa isang exclusive subdivision.
Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at pinisil ng bahagya saka sya sumagot. "I want you to meet my parents."
P-parents?! Bigla akong napatingin sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko. "Seriously? Nang ganito kaaga tapos di pa ako handa sa VERY FIRST meeting namin ng mga parents mo?!"
Yeah. Hindi ko pa namemeet ang parents ni Tyrone, even their shadows hindi ko alam kung bakulaw ba o hindi. Pero base naman sa kwento ni Tyrone sakin mababait daw ang parents nya alangan namang sabihin nyang dracula ang mga yun. Basta, hindi pa rin ako convince kasi nga first time ever ko yatang maipakilala ng boyfriend ko sa mga magulang nya kaya parang hindi ako makapakali sa kinauupuan ko ngayon.
"Don't worry, they're nice. Kung sino yung mga mahal ko mahal din nila kaya wag ka nang kabahan."
Tinignan ko yung suot ko. Nebeyen. Hindi man lang ako nakapaghanda. Nagsuklay muna ako at inayos ko ang buhok ko. Hininto na nya ang sasakyan nya sa may tapat ng gate nila. Lumabas na kami ng sasakyan nya at pumasok na kami sa loob. Grabe, kinakabahan talaga ako. Takte naman kasi si Tyrone wala man lang pasabi! Kanina ko pa ini-stretch ang blouse ko. Naka-jeans lang ako hinayupak! with a pair of flat shoes.
"Relax, maganda ka pa din naman kaya okay lang yang suot mo." sabay ngiti nya sakin. Napansin nya siguro ang uneasyness ko mula pa kanina.
"Kung di lang talaga kita mahal iisipin ko nang binobola mo lang ako."
"And I'm glad that you love me." he gave me a peck on my lips.
He placed his hands on my waist at nagdire-diretso kami sa pool area nila. Nadatnan namin doon ang Dad and Mom nya pati na ang ate nya.
"Oh, nandyan na pala kayo." Nagmano ako sa kanila.
"God bless you, hija."
"Hoy Ty! Are you sure girlfriend mo yan? Baka naman ginayuma mo lang kaya pinatulan ka. Hahaha" kaka-ahon lang nya sa pool while wearing her pink bath robe.
![](https://img.wattpad.com/cover/10599550-288-k251600.jpg)