Page 7

145 7 0
                                        

Nasa studio na ako ngayon. 2 weeks after that scene with Terence.

"Lutang kana naman!" Si Ash.

"Sinong hindi magiging lutang kung ang client natin napaka-hambog?" nakasandal lang ako sa swivel chair. Asar na asar talaga ako dun!

"Hambog ka dyan. Parang di naman ah."

"Sige ipagtanggol mo pa." kairita talaga yung lalakeng yun! Aiissshhh!

*flashback*

"Sorry talaga.. Maarte lang talaga yung client namin. But don't worry, after 1 week more pwede mo na uli akong sunduin everytime you want.."

I heard his sigh.

[Okay. Just update me every now and then. Take care, Hon.]

"Yeah, I will."

[I love you.]

Natigilan ako. Matagal bago ako nakasagot.

"S-sige. Bye, Hon." agad ko ng inend yung call. I sighed. Raine naman eh! Bakit ba nagkakaganyan ka! 

After a few minutes nag-ring na naman ang phone ko.

"What Hon? May nakalimutan ka bang sabihin?"

Tahimik lang sa kabilang linya. Tinignan ko ang screen kung sino ang caller.

WHAT THE FUDGE!!!

 "H-hello? Are you still there, Terence?"

[I see, kausap mo pala sya. Anyway, I'll be there in 10 minutes.]

Magsasalita pa sana ako nung narinig ko na ang call ended. Problema nya? Napaka-bipolar nya talaga!

Mga wala pang 10 minutes narinig ko ng may yabag papunta sa pinto ng studio.

Naka-smile pa syang sumalubong sakin while he's handing a two plastic bags of--FOOD?!

I just smiled back at him.

"I think that's too much." sabay tingin ko sa dalawang plastic bags na bitbit nya.

"Actually, this is just a litte too much." Nilapag na nya sa may table ko yung pagkain. Tinanggal ko naman yung mga kalat ko at itinabi sa isang gilid.

"T-tayo lang dalawa ang k-kakain?"

He nodded.

Ang dami-dami nyang binili tapos kami lang ang kakain? Yung totoo? Naka-drugs ba sya?

"Uhmm.. Magtatawag lang ako ng makakasama natin--"

Hinawakan nya ako sa wrist. "Why? Diba pwedeng tayo lang dalawa?"

Pwedeng-pwede! De joke lang. :p

Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nya sakin pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya.

I inhaled and exhaled bago nagsalita. "Hindi pwede dahil unang-una, employee lang ako dito. Second, client ka namin. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang kasama kita ng TAYO LANG DALAWA knowing na may boyfriend ako?"

"O-okay. Okay." Binitawan na nya ako.

Tinawag ko sina Ash at ang ibang co-workers ko para saluhan nila kami ni Terence.

After that lunch, may sinabi ako sa kanya. Actually, tumatawa pa ako nun pero seryoso lang sya.

"Who told you that I was just joking? What I've said is true. I want you to be my wife everyday and be the mother of my children. Is that hard for you to deal with it?"

Turning Pages [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon