------
"Nag-away ba kayong magkapatid?" si Mama. I stood up.
"Ma, mauna na po ako. My work needs me now." hinalikan ko sya sa pisngi.
"Hindi ba makakapaghintay yang trabaho mo? Magbreakfast ka muna."
Umiling ako. "Doon na lang po ako kakain."
Tumango si Mama. Tapos naggoodbye kiss din ako kay Dad. Hindi ko pinansin si Wel.
Kaninang nilagpasan ko sya. I saw her in my peripheral view that her shoulder was shaking. Nakayuko sya at hiyang-hiya sakin.
Oo galit ako. Akala ko pa naman nagkaintindihan na kami tungkol kay Tyrone, yun pala hindi.
*flashback*
"Ate kausapin mo naman ako."
Hindi ako kumibo. Asar lang, nakalimutan ko pang ilock ang pinto. Nakapasok tuloy.
"Ate ginawa ko lang naman yun kasi mahal ka pa ni kuya Terence. Gusto ko lang naman na tulungan sya."
Napamura ako. "At sa tingin mo tama ang ginawa nyong paglilihim sakin ha Welisa? Baka nakakalimutan nyong may boyfriend akong tao! At anong gusto nyong mangyari? Magkabalikan kami ng ganun lang kadali at kalimutan ko na lang basta-basta si Tyrone? D*mn! I'm still pissed off. Lumabas ka muna Welisa! NOW!"
*end of flashback*
Nababaliw na ba sila? Kung talagang may balak yung hinayupak na yun na bawiin ako kay Tyrone edi sana hindi nya ako inaway! Nakakainis sila. At anong sa tingin nila ang gagawin ko? That I'm that fool just to leave alone Tyrone just like that?! Sheeesh! They're so impossible!
***
Nadatnan ko sa studio si Tyrone. "Oh? Wala ka bang appointments today?"
"Wala. And I'll spend my whole day with you, Hon." sabay yakap nya sakin.
"I miss you already." lambing ko sa kanya. Feeling ko nawala lahat ng mga problema ko nung nakita ko sya.
Ngumiti sya. "Sakto pala. Guard mo ako today para hindi mo ako masyadong mamiss." Nag-wink pa sya. Aww. How cute is that? Hehe.
"Sira. Pano na lang nyan ang mga suitors ko? Edi hindi sila makakaporma ngayon?" biro ko.
"Magtiis sila. Minsan lang kita masolo kaya hayaan mo silang mamatay sa inggit." mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagyakap sakin.
Ganyan lang ang mga usual conversation namin sa isa't-isa. Wala lang, kumbaga pang-asar. Hahahaha.
"Raine, may big client tayo ngayon." biglang pasok ni Ash.
Hindi nya siguro napapansin na nirarape ni Tyrone ang batok ko kaya nagtuluy-tuloy lang sya papasok. Aaaahhh.. Kaya pala.. May hawak pala syang papers na kasalukuyang ini-scan ng mata nya.
"Christmas song ang gusto nilang ipagawa dahil may christmas party ang buong kumpanya---"
Napatigil sya nung nakita nya ako kasama si Tyrone.
"Huuuy.. Nakatingin na satin si Ash.." saway ko kay Tyrone..
"Hmm? Ash? Don't mind her, Hon."
"Bakit di nyo sinabing may ginagawa pala kayo? Sayang hindi ko kayo nadalhan ng kama at kumot." pang-aasar ni Ash.
Humiwalay na ako kay Tyrone.
"Anong company daw? Sinabi ba ni boss?" tanong ko kay Ash.
"Hindi eh. Masyado daw confidential ang identity ng client."
