Page 6

180 8 8
                                        

"Anong nakain mong lason at kinakausap mo na ako ngayon?" Xheen

Tinutukoy nya yung kasalanang ginawa nila.

Hindi ako kumibo. Iinumin ko na sana yung isang baso ng---

"Mag wine ka nga! Naiirita na ako dyan sa hawak mong tubig!" saka nya inagaw sakin ang baso na may lamang tubig.

Kumuha sa ng isang bote sa may mini bar.

"Umupo ka dyan." turo nya sakin sa stool. Umupo naman ako kesa sa mag standing ovation ang ganda ko.

Naglagay sya ng wine dun sa wine glass. Napatingin ako sa kanya nung iniabot nya sakin yun.

"Seryoso? Punung-puno talaga Xheen?"

Ngumisi sya. "Eh ganun din naman. O baka gusto mo itong bote na lang ang itungga mo."

Inagaw ko na lang sa kanya yung bote, at yun nga.. Yun yung tinungga ko.

Napaubo ako. Ack! Ang tapang ng lasa!

Tinawanan ako ni Xheen.

Ewan ko ba kung anong sumapi kay Xheen at napaka BAD INFLUENCE na nya ngayon. Hindi naman sana ako iinom, tubig lang dapat eh kaso si Xheen mapilit.

"What happened?" tanong sakin ni Xheen habang ngumunguya sya ng--ano ba yun?

"Pahingi nga!" binigyan naman nya ako. Agad ko namang isinubo sa bibig ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napadiretso ako sa sink sabay duwal.

"Takte ka Xheen! Bakit ang alat?!"

Tawa naman sya ng tawa sakin. "Atat ka kasi. Binabalatan muna kasi ang squash seed at hindi kaagad sinusubo."

Eh? Squash seed pala yun? Malay ko ba. Bumalik uli ako sa kinauupuan ko kanina.

Tinungga ko na lang ulit yung wine.

"Sira talaga yun!" sabay tawa ko. Nakakaramdam na ako ng hilo. Hindi kasi ako sanay sa inuman. Water lover kasi talaga ako.

"Sino?" tanong ni Xheen.

"Sino pa ba? Edi yung Terence na yun! Hayup sya! Halikan ba naman daw ako!" okay, masyado na akong nagiging madaldal. Sa susunod wag ka ng maglalasing Raine.. Haaaaayyy.

Napanganga si Xheen. "He k-kissed you?"

Tumango na lang ako. Saktong umiinom uli ako ng wine nang magtanong ulit sya.

"How long?"

Napabuga ako sa iniinom ko. "Anong how long? Xheen--! Wag mo nga akong pag-isipan ng ganyan! I didn't respond okay?!"

She smirked at me.

Aaaaahhhh! Yang reaction nyang yan!!!!! Aaaaarrrgghhh!

"I knew it! Your PAST is already back so why your PRESENT is in trouble!"

Anong ibig nyang sabihin dun? Ang gulo talaga ngayon ni Xheen. Langyang Priam na yun! Ano kayang pinakain nya sa bestfriend ko? Tss.

Nakatingin lang ako sa kanya na parang naghihintay ng sagot mula sa kanya.

"Oooohhh.. So you're now confused kaya nag-aaya kang uminom?" she looked at me teasingly.

"Nagyaya akong uminom ng TUBIG." pag-lilinaw ko.

Hindi pa rin naaalis ang tingin nya sakin. Talagang hinuhuli nya ang nararamdaman ko.

"Yeah, nagyaya kang uminom ng TUBIG but that can't change the fact that you're now confused because you don't know whose on the two--"

Turning Pages [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon