Ang lapad ng ngiti ko habang papasok ako sa building. Lahat binabati ko mapa-ipis o lamok man sa building. Charot lang. Hahaha.
Nagdire-diretso ako sa recording studio. Agad kong binuksan si mac para matransfer ko sa isang monitor yung kanta.
"Yan na ba yung nahanap mo?" tanong sakin ni Ash.
Tumango ako. Kinuha ko muna ang atensyon ng lahat. Pin-lay ko yung kanta then nakinig sila.
Nandoon pa din pala si Terence. Ganito ba sya ka-atat? Hindi naman nya kailangang bantayan ang pinapagawa nya.
Habang nakikinig sila, may binulong sakin si Ash.
"Si Sir Terence ang kakanta.. At ikaw ang gusto nyang guitarist nya.."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. A-ako? Tapos sya yung kakanta? Kelan pa sya kumanta? This is unbelievable!
Nang matapos na yung kanta, sandaling katahimikan..
"Yung copy?" sabi nung isa sa mga senior na musician.
Kinuha ko sa bag ko yung folder saka isa-isa ko silang binigyan including Terence na halos malusaw na ako dahil ako yung tinitignan nya habang iniaabot ko sa kanya yung papel.
Nagsimula na sila sa pagkapa sa tono. Kinuha ko yung electric guitar at sinukbit ko yung strap sa balikat ko. May isang pigura sa harap ko habang nakayuko ako dahil sinasaksak ko pa yung wire na konektado sa gitarang hawak ko. Napa-angat ang tingin ko.
"What?"
"Dun ka." turo nya sakin sa may back up singers.
I just gave him a bored look. Halata namang pinagtitripan nya lang ako.
"Sabi ko dun ka." ulit pa nya.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Adik ka ba? Composer lang ako dito at hindi guitarist at lalong hindi ako singer, okay?" sabay irap ko. Asar ako eh.
"Don't worry, I'll pay you triple."
TRIPLE? Hindi bonus hindi double? Triple talaga? hihihihi
"Ano? Deal?"
Nginisian ko sya. Bongga ang christmas ko ngayon. Hehehe.
Agad akong pumwesto sa mga back up habang nakasukbit parin sakin yung guitar. Napatigil ako sandali.. Diba recording? Bakit sabay-sabay kami?
Siniko ko ng bahagya ang katabi ko. "Why?" sabay kindat pa nya.
Sarap lang hambalusin ng gitara. "Akala ko ba recording? Anong kalokohan 'to?"
"Sinong nagsabing recording?" painosente nyang tanong.
"Sira ka ba? Recording company 'to kaya malamang magrerecord tayo! Naglolokahan na lang tayo eh!" sabay tanggal ko sa strap ng gitara saka ko nilagay sa isang tabi. Nakatingin na rin lahat ng nasa paligid namin.
"Sinong nagsabing niloloko kita? I've changed up my mind at naisipan kong Live band na lang ang aarkilahin ko sa Boss mo. Now tell me, ano pa bang hindi mo alam? You're working here and yet lagi kang walang alam. Ginagawa mo nga ba talaga ang trabaho mo?"
Nagulat ako sa sinabi nya.
Nag-init ang magbilang sulok ng mga mata ko. Tama naman sya. Ilang beses na parang lutang ako at laging palpak ang mga ginagawa ko.
"And one more thing, kliyente ako dito. Give me some respect dahil nababastusan na ako sa actions na natatanggap ko sayo."
Napayuko ako.
"Sorry.... SIR.." sabay punas ng luhang hindi ko napigilang tumulo. Hindi ko ine-expect na susupalpalin nya ako. Hindi ka kasi nag-iisip ng matino Raine!
