10 years na rin pala ang nakakaraan. And that ten years is a quite hell. Hanggang ngayon bakit parang minumulto pa rin kami ng nakaraan? Though may mga nangyaring maganda pero meron ding masasaklap na karanasan.
"Hindi ka pa rin ba makapagmove-on kaya ka ganyan? Kanina ka pa tahimik simula nung makita mo sya."
Napa-preno ako bigla.
"Raine!" sigaw sakin ni Xheen.
Nilingunan ko sya.
"Sa tingin mo... Nakapagmove-on na nga ba ako?" I asked. Hindi rin naman kasi ako sure sa nararamdaman ko.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw lang ang makakasagot nyan."
Napatango na lang ako at pinaandar na ulit ang sinasakyan namin. Papunta nga pala kami ng hospital para dalawin si Xaris.
Pagkadating namin, agad na kaming dumiretso sa room kung saan sya naka-confine.
Nadatnan pa namin si Dea.
"Is she okay?" Xheen
"Wala pa ring pagbabago. Ni isa samin hindi nya kilala. As in wala talaga syang maalala. Kahit yung aksidente sa Leone Academy malamang hindi na rin nya matandaan."
Natahimik kami sa sinabing yon ni Dea. Leone Academy..... Kamusta na kaya ang school na 'yon?
"S-sorry.. I didn't mean to mention that.." Dea
"No no. It's okay." sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Natahimik na naman kami. Sabay-sabay kaming napatingin sa natutulog na si Xaris. She looks so pale and weak.
Habang tinititigan ko sya.. Nagbabalik ang mga alaalang pilit ko nang gustong kalimutan..
"Hanggang kailan sya magiging ganyan? Bakit ba parang wala syang karapatanng sumaya? Meron naman diba? She deserves it.. She really do.." hindi ko napigilan ang hindi umiyak.
Niyakap ako ni Xheen para patahanin ako. "Sssshh.. Everything's will be fine now.. Mas babantayan na natin sya lalo para protektahan sya.. We will make sure that she'll never feel being alone again.."
Xaris.. Bakit ba kasi nagkakaganyan ka? If I can only bring back him again para sumaya ka ginawa ko na.. Kaso hindi eh. Ten years na syang nawawala at hanggang ngayon wala pa ring Irvine na lumilitaw.. Wala paring Irvine na nagpapakita para mahalin at pasayahin ka.. Wala pa ring Irvine na nandito para yakapin at protektahan ka.. Wala.. Wala talaga..
"Hmmmm.."
Unti-unting nagising si Xaris kaya agad namin syang nilapitan.
"S-sino kayo?"
Nagkatinginan kami.
"Ako Xaris... Hindi mo ba talaga ako matandaan? Si Raine 'to friend.."
"R-raine? Ah oo!"
"Natatandaan mo na ako?"
She nod.
Ang lapad ng ngiti ko. "Really? Naalala mo na ako? Kung ganun, wala ka ng amnesia friend!"
"Amnesia? T-teka.. Anong sinasabi mo?"
"Amnesia.. Yung nawalan ng memorya.. Parang nakalimutan mo yung mga past events pero unti-unti mo ding maaalala kapag gumaling ka na.." sagot ko
Naaalala na nya ako?! Yeeeees!
"Eh si Xheen naaalala mo?"
She nod again dahilan para mas lumawak ang ngiti ko.
"Diba kayo yung laging bumibisita sakin dito? Ewan ko nga eh. Hindi ko naman yata kayo kamag-anak pero dinadalaw nyo pa din ako.. Thanks ha?"
Unti-unting nawala yung ngiti ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/10599550-288-k251600.jpg)