Pinuntahan ko si Tyrone. Nakipagmeet ako sa kanya and he requested me if we can meet in a fine dining restaurant. Natatakot siguro syang bugbugin ko kung sa isang tagong lugar kami magkikita. Tss.
Walang umiimik saming dalawa at ni hindi man lang namin ginagalaw ang pagkain na nasa harapan namin. What for? We're not here just to eat sh*t foods. Instead I want to talk to him about Raine.
"Layuan mo sya." mahinahon kong sabi.
"But I love her."
Tinignan ko sya ng masama. Kung pwede lang na mamatay na sya sa klase ng tingin ko. "You love her huh?" I said sarcastically.
"If you really love her, why you did these shits?!" inihagis ko sa harapan nya ang mga pictures na ipinakita sakin ni Xheen kagabi.
Nagulat sya. Wala syang nasabi at paulit-ulit ko syang nakitang napapalunok.
"Stop seeing her or I'll have you head." i said through gritted teeth.
He looked at me directly in my eyes.
"No. Hindi ako papayag. Hindi ako aatras ng dahil lang sa binantaan mo ako."
I clenched my jaw.
"Then fine! I'll make your life a living hell."
Iniwan ko na sya. Hindi ako nagbibiro, maliit lang ang kumpanya nila at walang sabi-sabing pinull-out ko lahat ng investments namin sa kanila. Well, he asked for it and I'm just giving him what he wants.
Wala akong pakialam kung may nadadamay man. Si Raine ang pinag-uusapan dito, ang mahal ko ang nasasaktan and I can't afford to see her suffering just because of her idiot boyfriend.
***
Hindi ko naman dapat sya itatakas but I think I don't have a choice but to do it. Kung hindi ko gagawin iyon, magkikita sila ni Tyrone. So then, kahit na alam kong magagalit sya ginawa ko pa din. Dinala ko sya sa bahay NAMIN. Matagal ko ng pinagawa ito.. Para samin ang bahay kahit na walang kasiguraduhan na magiging kami sa huli.. Pinanghahawakan ko lang ang kutob ko na mahal pa rin nya ako kahit konti.. Ang konting iyon ang pag-asa ko.. Oo masakit dahil parang umaasa lang ako sa wala.. Pero anong magagawa ko kung mahal ko sya? Kahit ipagtabuyan pa nya ako.. Kahit magalit pa sya.. Iniiwas ko lang naman sya sa taong hindi karapat-dapat sa kanya..
"Bakit mo sinasabi ang mga bagay na yan?"
Blanko ang ekspresyon ng mukha nya. Hindi ko mabasa kung galit ba sya o hindi dahil sinabi ko sa kanya na niloloko lang sya ni Tyrone.
"Dahil ba sa sinabi kong mahal ko sya kaya mo sinasabi ang lahat ng ito para layuan ko na rin sya?"
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung pano ko dedepensahan ang sarili ko.
Tumayo sya. "I think I need to leave.."
Napatingin ako sa kanya. Tututol sana ako ng magsalita ulit sya. "Iuwi mo na ako please.. Ayokong matulog dito sa bahay mo.."
Sasabihin ko sanang nakapangalan sa kanya ang titulo ng bahay pero umatras ang dila ako.. Tumahimik na lang ako at sumunod sa kanya.
Sa buong byahe tahimik lang sya hanggang sa nakarating na kami sa harapan ng bahay nila.
"Raine, nandito na tayo.."
Hindi sya kumikibo.. Napatingin ako sa kanya..
She's sleeping peacefully.. Mga ilang minuto ko pa syang pinagmasdan.. Like I was memorizing every detail of her beautiful face..
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Unti-unti akong lumapit sa kanya. I was about to kiss her nung nagising sya kaya nagkatinginan kami.
She gulped. Napaatras ako.
