~Lorraine's POV~
Hindi sya dumating.. Puro ka kasi asa Raine.. Akala mo nakukuha mo lahat ng gusto mo.. Akala mo mapapasunod mo sya ng ganun kadali.. Akala mo... I sighed.
I shouldn't test him dahil ngayon, ako ang nasasaktan dahil hindi sya kumagat sa mga plano ko.. Sagad na ang katangahan ko pero dinagdagan ko pa. Ano na lang ang sasabihin ko kapag nakaharap ko sya? For sure tatawanan nya ako because I didn't success to get him.. Alam naman nya na naghihintay ako diba? Pero wala. Hindi sya dumating. Am I not right for him? I admit na hindi naman ako yung best but atleast I'll do everything just to be the best for him.. Ilang years ko din syang tinakbuhan at nilayuan.. College pa lang ako noon and everytime na dadaan ako sa entrance ng school nandoon sya, naghihintay.. Laging ganoon ang scenario. Sya na hahabol sakin at ako na nagtatago sa kanya. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na doon ako nag-aaral. Sa pagkaka-alam ko dapat magmi-migrate sila at yun ang pinagtataka ko kung bakit hanggang ngayon nandito pa rin sya.. Oo may kaunti akong pag-asa na kaya sya hindi tumuloy ay dahil sakin.. Pero ngayon, masasabi kong napagod na sya sa kakahabol sakin kaya hinayaan nya na lang ako..
*flashback*
Pinatawag ako ng Dean. Hindi ko alam kung bakit kaya sobra ang kaba ko. Hindi pa ako nakakapasok sa loob dinig na dinig ko na ang usapan nila.
Nasa loob sya.
"Please Ninong.. I promise na walang makaka-alam na iba just give me her schedule. Alam ko naman na iniiwasan nya ako kaya hindi ko sya matyempuhan.."
"But Terence, what you are wishing me to do is against in our School's rules and regulations. Sorry but I can't.. Ngayon, ang magagawa ko na lang ay pag-usapin kayong dalawa kaya pinatawag ko sya."
"Really, Ninong?"
"Yeah pero sana hindi sya nakahalata."
"I'm sure hindi.. Hindi naman nya alam na ninong kita.."
Pero ngayon alam ko na.
Hindi na ako tumuloy. Umuwi na lang ako.
Akala ko titigilan na nya ako pero hindi.. Laging nagriring ang telephone number namin sa bahay pati na ang cellphone ko. Even my emails hindi nya pinalagpas.
Hindi ko sya sinasagot at hinihintay ko na lang syang mapagod hanggang sa wala na nga akong maramdaman na Terence.. Wala ng stalker.. Wala ng nangungulit.. But I admit that I miss him.. Lagi akong tumitingin sa parking lot kung saan ko sya laging nakikita.. Wala na.. Mas lalo akong naguguluhan sa sarili ko dahil kung kelan tumigil na sya dun ko naman sya gustong makita.. Gusto ko syang bumalik.. Gusto kong lagi nya akong kinukulit.. Gusto kong lagi na syang nakabuntot ngayon..
Nakilala ko na noon si Tyrone.. Baka alam na nya na may nanliligaw sakin kaya hindi na sya nagpakita pa.. Sa isang banda, maganda na rin siguro na mawalan kami ng koneksyon sa isa't-isa..
*end of flashback*
But that was before.. Akala ko kaya ko na wala sya.. Everytime na si Tyrone ang kasama ko walang oras o minuto na hindi sya sumagi sa isip ko.. Why? Kasi mahal ko pa sya at mas mahal ko pa ngayon. Pero bakit ang unfair? Kung kelan mahal ko na sya dun naman sya bumitaw.. Not exactly pero yun ang nararamdaman ko.. na sumuko na talaga sya sakin..
I wipe my tears.. Akala ko wala na akong mailuluha, meron pa pala..
"Umiiyak ka?" I heard Ash voice.. Umupo sya sa tabi ko. Hindi ko sya nilingunan.
"H-hindi... Sumisinghot lang.." pagdadahilan ko kahit obvious naman na umiiyak ako.
"Bakit ka sumisinghot?" walang sense na tanong nya. At this point, naaasar ako.
