A/n: At dahil sa naloloka na ako sa POV ni Raine, eto na.. Turn naman ni Terence para malaman nyo ang kaadikang naiisip nya. XD
~Terence's POV~
Nasa may mini bar counter kami ng bahay ko. Yeah may kasama ako.
"So anong balak mo? Wag mong sabihing stalker ka na lang nya palagi?" si Priam.
I just shrugged. Hindi ko talaga alam kung anong dapat kong gawin.
"Nilapitan naman nya kaso reject agad ang inabot nya."
"Di nya ako nireject. Hindi lang sya nakapag-salita." depensa ko kay Priam.
"Dude, suicide na yang ginagawa mo."
Napatingin ako kay Paris. Oo problemado rin sya.
"Talking from experience, Bro?" sabay ngisi ni Priam sa kapatid nya.
Sinamaan lang sya ng tingin ni Paris. "If I were you, idaan mo na lang sa inom. Cheers!"
I just raised my glass of brandy.
Wala si Yuan. As usual, kasama si Yassy. Kaya hindi ko rin masisisi si Paris kung hindi nya kinikibo yung dalawa. Si Van naman, dinalaw nya ang puntod ni Yuri. Girlfriend nya noon.
"Why don't you ask her kung mahal ka pa ba nya or hindi?" tanong sakin ni Priam.
"Sira ka ba kuya? Sasaktan lang ni Terence ang sarili nya kapag sumagot si Lorraine na yung Tyrone na yun ang mahal nya."
"Well atleast, sinubukan nyang magtanong para makasigurado sya."
"Kagaguhan lang yan. Parang sinabi mo na din na patayin ni Terence ang sarili nya."
"I'm just giving him an idea. Wag mong itulad ang kaso mo sa kanya. Iba si Yas at si Lorraine. At mas lalong iba ka at si Terence. Bakit hindi mo na lang kasi sagutin yang manliligaw mo kesa sa nagkakaganyan ka sa taong hindi ka naman gusto?"
Natawa ako ng bahagya. Seriously? Talagang tinotohanan ni Welisa ang sinabi nya? Tss.
"Wag mo ngang isali yung childish na 'yon sa usapan. It creeps me out."
"Masyado kang mean bro. Why not giving her a chance? Wala namang mawawala. Isipin mo pa rin na babae sya at masasaktan sya ng sobra kung irereject mo lang."
"Serves her right. Masyado syang pakialamera. Lahat na lang ng ginagawa ko inaalam nya, daig pa nya si mama kung makapagtanong sakin."
Sumabad na ako. "Baka naman nag-aalala lang sya sayo.."
