-------
"Isinama nyo ba ako para painggitin lang?" nakatingin ako ng masama sa kanilang dalawa habang nagd-drive si Priam at katabi nya si Xheen. Ako kasi yung nasa backseat badtrip.
"Painggitin? Saan?" Painosente pa si Priam. Ang sarap lang nyang batukan.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" nakakainis na sila ha.
"Basta. May reunion lang tayong pupuntahan."
"Reunyonin mo mukha mo Priam! Saan ba talaga?"
"Just wait and shut your mouth, Lorraine Castro."
I sulked. Kahit kelan talaga napaka-formal sakin ni Xheen kapag nagagalit. Mas baliw yata sya sakin. Lels :p
Buong byahe feeling ko panis na yung laway ko. Eh kasi naman! Tuwing magtatanong ako sa kanilang dalawa ang tipid tipid ng mga sagot nila. Ang boring nilang kasama. Wahahaha.
Hininto ni Priam ang kotse sa tapat ng restaurant. Seryoso? Reunion tapos sa isang restaurant? Hmm. Mukhang pinaglolo-loko ako nitong dalawang adik na 'to ah.
"Sigurado ba kayong reunion ang aattend-nan natin? Kasi hindi naman ako tanga para di ko mapansin na dadalawa lang ang customer sa loob." sabi ko pagkababa namin. See-through glasses kasi ang restaurant kaya kitang-kita mo ang mga nasa loob.
"Basta sumama ka na lang." sabay hila sakin ni Xheen.
Pagkapasok namin sa loob parang gusto ko yatang umatras na lang at maglakad pauwi kahit na mapagod ako. Shemay siomai! Anong ginagawa nya dito?
"Tara, upo na tayo dun sa nakareserved para satin." si Priam.
At ako namang si dakilang chaperon sunud-sunuran na lang. May magagawa pa ba ako? NGA-NGA.
Lumapit na sya samin. "May I take your order, Sir, Ma'am?" hindi sya nakatingin sakin. Kina Priam at Xheen lang.
Bastusan lang? Eh ano ako? Hindi rin ba ako Ma'am? Kahit man lang sana 'May I take your order, Chaperon' WALA! Bwiset.
Si Priam na ang namili ng kakainin namin. Tapos umalis na sya. Hinayupak na yun! Hindi man lang ako pinansin. Ang taas ng pride ha?!
"Paki-ayos nga nyang mukha mo. Kanina ka pa nagngingit-ngit dyan." Xheen
"Ang sabihin mo nagtatampo kasi hindi sya pinansin." sabay tingin ng nakakaloko sakin ni Priam.
"Baka gusto nyo pang makita ang mga magiging anak nyo? Kapag di kayo nagtigil dyan mumurderin ko na kayo." asar kong sabi.
Nagtawanan lang sila habang naghahampasan. Waaaaw ang suwiiit! Kahit naghahampasan na ang sweet pa rin nilang tignan. Hampasin ko kaya ng upuan si Terence? Testing lang kung magmumukha ba kaming sweet. Hahaha amoy bitter na ako. Erase na nga lang.
Dumating na yung order namin--este ni Priam. Sya nga pala yung nag-order. Si Terence pa rin ang nagserve samin. Waiter na lang pala sya ngayon. Tsk.
"Here's your order, Sir, Ma'am. Thank you." sabi nya sa dalawa tapos umalis na.
Aba't--! Pinanindigan talaga na dedmahin lang ako? Kapal ng mukha!
At eto pa! Pati yung steak ang kunat-kunat! Langya naman!
"Bwisit! Ba't ba ayaw? Kamukha mo kasi yung nagserve! Makunat!" kinakausap ko yung steak.
"Pano mo mai-slice kung ganyan ang ginagawa mo? Yung kutsilyo ang ipanghiwa mo hindi yung tinidor baliw." Xheen
"Uso kasi ang chinicheck kung baligtad ba o hindi ang tinidor at kutsilyo." Priam
Inirapan ko lang sila. Hmp! Kainis talaga!