Page 16

152 5 3
                                    

Nasa airport na ako. Kasama ko sina Mama at Papa sa paghatid sakin. Maiiwan sila dito kasama ni Wel.. Kung tatanungin nyo kung nasaan si Welisa, ayun nasa kwarto pa nya.. Nagsesenti pa rin dahil ginulo ko daw ang isip nya. Luh! Matagal ng magulo ang isip nun! XD

"Raine, you take care ha?" si Mama.

"Ofcourse, Ma.."

"Anak, anong gusto mong gawin ko sa lalaking yun kapag hindi sya pumunta?" seryoso si Papa.

Umiling lang ako. "Hayaan nyo sya Pa.. Gusto kong mamili sya.. Ayokong sabihan nya ako sa huli na pinikot ko lang sya at hindi ko sya binigyan ng choice.." malungkot na sabi ko.

"Pero ganun din naman yun diba? Parang pinikot mo na din gaya ng ginawa ng Mama mo sakin."

"Dad!" Kinurot ni Mama si Papa.

"Ouch.. Nagbibiro lang ako Mommy.."

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Ang sweet pa rin nila kahit gurang na. XD

Umalis na sila Papa at Mama. Ako naman, ang bagal bagal ng lakad.. Parang ang bigat bigat ng bawat hakbang ko.. Darating ba sya? Hahabulin ba nya ako? Napaluha ako. Ang sakit sakit.. Agad ko ring pinunasan ang luha ko sa pisngi ko. I need to do this. Hinawakan ko ng mahigpit ang maleta ko at ang ilang hand carry ko. Still, nakaupo pa rin ako. Kanina ko pa tinitignan ang wristwatch ko. Mangali-ngali ko pang ibato ang orasan ko dahil sobrang bilis nito sa pag-ikot. Nag count pa ako ng one to ten sa loob-loob ko para patayin ang niyerbiyos na namumuo sakin.

No.... Darating sya.. Nagcheck-in na ako.. Bago ako pumasok, tumingin pa ako sa may entrance.. Wala pa rin sya..

***

"What?! Akala ko ba kasama mo sya?!"

Tinignan ko lang sya ng matamlay. "Wala akong sinabing ganyan. Ang sinabi ko lang, asikasuhin mo ang kasal ko."

Napahilamos si Ash ng mukha. "Paano na nyan? What if hindi sya dumating? Alam mo ba itong pinasok mo ha, Raine?!"

I just gave her a bored look.

Kanina pa sya nagbaback and forth sa opisina ni Mayor. Ang sarap nya lang batuhin ng upuan dahil mas nineniyerbiyos pa yata sya sakin.

Nahihiya naman ako sa Mayor dahil kanina pa kami naghihintay. It's already 6 pm in the evening pero wala paring Terence Ledesma na dumarating. Talagang sinasagad nya ang patience ko..

Dapat kanina pang 1 pm nagstart pero lechugas! Wala pa rin sya... Gusto ko ng maglupasay pero pinigilan ko lang ang sarili ko..

"Hija, darating pa ba sya?" ilang beses ko na yang narinig sa mayor pero sinasagot ko lang sya ng..

"Opo, Mayor.."

Alam kong nagtitimpi na lang ang mayor dahil ilang oras na kaming naghihintay. Somehow sana naisipan nyang pumunta..

"Hindi na yata sya darating.." bulong ni Ash pero narinig ko..

"Baka nasiraan lang ang sinasakyan nyang eroplano." sabi ko naman

"Baliw ka ba? Edi siguradong plane crash yun!"

Napangiwi naman ako dun. Oo nga naman.

"Ah baka natraffic.."

"Na-traffic sa States? Uso ba yun doon?! Ang sabihin mo wala syang balak pumunta!"

Kung gaano ako nagtitimpi kay Terence, ganun din kay Ash. Seriously? Dapat ba nyang idown ang pag-asa ko imbis na pagaanin nya ang loob ko?! Leche!

"Shut up Ash! Darating sya okay?!" desperadang sabi ko.

Tumikhim si Mayor. "Hija, I'll only give you thirty more minutes.."

Hinayupak. Dumating ka please!

Kanina ko pa dinadial ang phone nya pero wala pa ring sumasagot. Out of coverage na. Ugggh!!!!

Naupo na lang ako sa harap ng desk ni Mayor. I cupped my face with my both hands.. Please dumating ka...

Hindi ko alam kung tapos na ba ang thirty minutes.. Basta nagstay lang ako sa ganung posisyon.. Parang sinisilaban ang pwet ko sa bawat pagpatak ng segundo..

Hindi ko na natiis. Tumayo ako. "Dyan lang kayo, may hahanapin lang ako." sabi ko.

Lumabas ako ng munisipyo at naghanap ng kung sinu-sino. Umuwi na kasi ang mga witness na dapat nandoon kanina. Binayaran ko ang juice at fishball vendor na nakita ko sa daan para maging witness sa kasal ko.

Naghanap na rin ako ng magiging GROOM ko. Oo, tototohanin ko ang sinabi ko.

May hinila akong lalaki sa may gotohan. Nung una nagulat pa sya, pero nung sinabi kong ikakasal sya sakin lumiwanag yung mata nya. 'Jackpot Pre!' yan yung nakikita kong nakasulat sa pagmumukha nya. Asaness nuh?

Well, gwapo naman..

"Miss, seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" kanina pa ako naaasar. Magpapaka-choosy pa ba sya sakin? Heck!

Tumahimik na sya. Pumasok na kami sa loob. Nagulat pa si Ash dahil may mga kasama na ako.

"Who are they?"

"They're the witnesses.."

"And this man?" turo nya sa lalaking katabi ko.

"Groom daw nya ako miss." sya na ang sumagot. Napanganga si Ash at naging speechless na.

Napabuntong-hininga si Mayor at napailing din..

"Sigurado kana ba hija?"

Napatingin ako sa kanya.. Yung matagal..

Sigurado na nga ba talaga ako? Magpapakasal nga ba talaga ako sa iba? Kaya ko ba yun?

"O-opo.." sabi ko na lang.

"So.. Let's start this?"

Parang nataranta lahat ng senses ko sa sinabi nya. "P-po? Teka lang."

Napatingin silang lahat sakin. Uggh! Raine naman!

Parang hinihintay nila na magsalita pa ulit ako.

"Please.. One more hour.. Kapag hindi pa rin sya dumating, we'll start this wedding."

Napatingin ako sa katabi ko na ang laki-laki ng ngisi. Tinignan ko sya ng masama dahilan para ayusin nya ang tindig nya.

"Okay." yun na lang ang nasabi ni Mayor.

Napaupo ako. Hindi ko alam kung anong kaba ang nararamdaman ko. Wala na ba talaga syang pakialam sakin? Akala ba nya nagbibiro ako?

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil habang patagal na ng patagal, lalong lumiliit ang pag-asa kong sana dumating sya, na sana na-traffic lang or may inuna lang syang mas importante. Pero habang umaasa ako, parang unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Harap harapan ng nakalantad sakin na hindi sya darating dahil kung uuwi talaga sya, dapat kanina pa.

Ganito ba talaga ako kung mag-assume? Yeah, I assume na uunahin nya ako, na mas importante ako sa kanya kesa sa mga gusto nya.. Sumuko na nga sya diba? He only wants my approval for our damn friendship. He also wants to court me because I'm forcing him to marry me. Pero kung hindi ko sinabi yun, diba hindi naman nya sasabihing liligawan nya ako? Friendship.. Friendship.. Darn! Bakit ba kasi nauso yun?!

"Hija.. Your one hour is done.. Itutuloy pa ba natin?"

Napatingin ako kay Mayor.. Tapos na agad? Hindi ko namalayan..

I stood up. "S-sige po.." My heart wants to die.. I love you Terence.. I wiped my tears..

_Dyeydyi_

Turning Pages [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon