Page 13

134 6 7
                                    

~Terence's POV~

Tahimik lang sa lamay ni Tito Rom. May mga ilang nag-uusap.. Yung iba naman nakiki-usyoso lang..

"Kumain ka muna." alok ko kay Xheen

Umiling lang sya habang nakatingin sya sa di kalayuang casket ng Daddy nya.

Hindi ko na alam kung paano ko sya kukumbinsihin. Siguro marami ang nag-iisip na matapang si Xheen, but deep inside her, she's so weak and too fragile gaya ni Xaris..

Nakausap ko na din si Priam. Damn mukhang na syang ewan ng bisitahin ko sya. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong naging ganoon din ako kay Raine.

*flashback*

Iyak lang sya ng iyak. Alam kong lasing na naman sya which is not so him dahil doctor sya at alam nya ang makakasama sa kanya at hindi..

"Hindi mo ba sya pupuntahan?"

Umiling sya.. Sinisisi nya ang sarili nya sa pagkamatay ni Tito..

"If only I can bring him back.." Umiiyak na sabi nya.

Napadako ang tingin ko sa kamay nyang puno ng sugat. Nang mapansin nyang tinitignan ko iyon, itinago nya ang kamay nya.

"Anong ginawa mo sa kamay mo?"

Hindi sya kumibo.

Nakikita ko sa mukha nya ang pagsisisi.. Ang sakit na nararamdaman nya..

"Nakipag-amok ka din ba?" marami din kasi syang pasa sa mukha at galos na din sa ilang bahagi ng braso nya.

Parang baliw syang tumawa habang patuloy sa pag-agos ang luha nya.

"Ginawa nya akong punching bag. I can't believe na malakas pala syang sumuntok." amused na sabi nya.

Alam kong pinipilit nya ang sarili nyang maging okay, but his eyes betrayed him. Naiintindihan ko rin ang sinabi nya.. Si Xheen ang tinutukoy nyang bumugbog sa kanya..

*end of flashback*

"Dyan ka muna Xheen. Terence, ikaw muna ang bahala dito." si Kuya Ecker habang naglalakad sya papunta sa may exit kung saan may pinipigilan ang mga guards na pumasok.

"Xheen! Please kausapin mo naman ako!"

Kilala ko ang boses na iyon. Si Priam. Parang walang narinig si Xheen. Nakatulala pa din sya.

"Dito ka lang muna okay? Tutulong lang ako sa labas." tumayo ako pero pinigilan nya ako.

"I'll come with you." nagulat ako sa sinabi nya pero agad ko ring iwinaksi iyon dahil baka makatulong sya para pigilan na mag-eskandalo si Priam.

Nang makarating na kami sa may labasan biglang uminahon ng bahagya si Priam at lumuhod sa harapan ni Xheen.

"Please.... Hindi ko kaya Xheen.. I'll do everything bumalik ka lang sa akin..."

Nanlaki ang mga mata ko. "Nakipagbreak ka?" hindi ko napigilan na itanong sa kanya.

Hindi nya ako pinansin. "You will do everything huh?" pang-uuyam nya.

Priam nodded desperately.

"Then give my Daddy back."

Napatigil kaming lahat lalo na si Priam.

"Y-you know I can't do that.."

"Then kalimutan mo na rin ang hinihingi mong balikan kita.." tinalikuran na sya ni Xheen.

Turning Pages [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon