˙ THIRD PERSON POV ˙
Pagka babang pag kababa ni zeke mula sa portal ay nakita niya na agad ang mga nakahandusay na iba't ibang halimaw, Siguradong si keira ang gumawa nito. Napailing nalang si zeke at nagsimula ng maglakad upang hanapin ang elemental gemstones at makipag tuos kay keira.
Sa loob ng Portal na ito ay puro bato at sobrang dilim, Tanging kakaunting ilaw lang ang mayroon, At halata din na puro nga mga halimaw ang nakatira dito dahil sa mga scratch ng kuko sa mga pader, Sobrang gulo din na para bang laging may digmaan na nagaganap sa loob na ito.
Napapansin niya sa mga nadadaanan niyang mga nakahandusay na halimaw ay parang unti unting namumuo at nagsisimula ulit na mabuhay. Agad niyang inilabas ang dalawa niyang pakpak at nagsimulang lumipad palayo doon.
'Wala kong panahon makipag laban sainyo.' Sa isip ni zeke.
Nalaman niya agad na hindi basta basta namamatay ang mga halimaw na nakatira dito. Mapapatumba mo nga sila, Akala mo napatay mo na pero nagkakamali ka, Paglipas ng limang minuto ay agad silang mabubuhay muli.
Huminto sa paglipad si zeke. Ngunit nanatili siyang nakalutang, Seryoso niyang pinagmamasdan ang paligid. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta dahil masyadong maraming pasikot sikot sa loob nito. Hinahanda niya na rin ang sarili niya dahil alam niyang anytime ay may susugod sakanyang mga halimaw.
Nagtingin tingin siya sa paligid ng may narinig siyang ingay. Ungol ng mga Halimaw... Agad niyang inilabas ang kanyang sword at inihandan ang sarili.
Tama nga ng hinala si zeke, Agad na naglabasan ang mga iba't ibang halimaw. Masasamang tingin ang ibinigay ng mga halimaw kay zeke, Ipinakita din ng mga halimaw ang kanilang mga matutulis na ngipin.
Tumakbo na ang mga halimaw papunta kay zeke upang umatake, ang iba ay tumalon sa kinaroroonan ni zeke. Biglang umihip ng malakas na hangin, At sa isang iglap ay wala ng malay at nakahandusay na sa sahig ang mga halimaw na dapat ay aatake kay zeke.
Agad na umilag si zeke ng may naramdaman siyang dagger na paatake sakanya. Agad din siyang napatingin sakanyang likuran, At hindi nga siya nagkakamali. Nasa harapan niya ngayon si Keira na nakalutang din.
"I knew you would come, Prince Zeke." Ani ni Keira habang nakangisi. Nadako ang tingin ni keira sa nag gagandahang pakpak ni zeke. "What a beautiful wings."
Masamang tingin lang ang ibinigay ni zeke kay Keira. Si keira naman ay nakatingin din sakanya at nakangisi.
Muling narinig nila ang mga ungol ng Halimaw na nagsimula ulit na mabuhay.
Unti unting nagiging kulay pula ang buhok ni zeke. Nagkaroon din bigla ng malaking apoy at umatake ito sa ibang mga halimaw, Masama parin ang tingin niya kay keira. Si keira naman ay nakangising parin na nakatingin kay zeke. At may lumabas na kulay itim naman na apoy sa paligid. Agad din na nag atakihan ang mga Halimaw sakanilang dalawa, Kaya natanggal ang kanilang tinginan at kinalaban ang mga Halimaw.
-
"Kaelon!!" Natataranta na tawag ni Elisne kay Kaelon na seryosong nakatingin sa libro. Nagtataka na tumingin si Kaelon kay Elisne. "Ang portal." Kinakabahan na sabi ni Elisne.
Isinara ni kaelon ang hawak niyang libro at Tumayo mula sa pagkakaupo sa damuhan.
"Bigla nalang nawala ang Portal." Narinig niya ang boses ni Cymon.
Napatingin naman si Kaelon kung saan kanina naroroon ang Portal, Tama nga sila. Wala na ang Portal, Tanging mga damo nalang ang naririto.
Nararamdaman parin nila ang alog ng lupa.
BINABASA MO ANG
ACADEMIA 2: The Broken Wing
FantasíaThe Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will pay? Who will she trust? Who is the real enemy to her? Let's join again keira to her journey, oh sc...