ACADEMIA 2: CHAPTER 8

39.4K 1.2K 118
                                    

Sorry for the long wait! Nakapag UD ako ngayon but not sure kung nabawi ko ba dahil short update lang to hehe, I'll try to update again tomorrow! :)

˙ ELISNE POV ˙

Nang makarating kami sa Light Academia, Dumiretso kaagad kami sa Opisina ni Prince Kelvin, Ngunit wala siya kaya ay naupo muna kami at hinintay na makabalik ang head master.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa mga kasama ko. Nakita ko silang nanahimik lang, nakatulala, parang walang balak. Napabuntong hininga nalang ulit ako.

"Nakuha na niya ang Apat na Gemstones. Ano naman kaya ang sunod niyang gagawin?" I whisper.

Agad kaming napalingon nang bumukas ang pintuan at bumungad dito si Prince Kelvin. Tinignan niya kami. "Elemental gemstones?" tanong niya kaagad at umupo sakanyang upuan sa harap namin.

"We're sorry, Prince Kelvin pero nasa kamay ni keira ang lahat ng gemstones." Sagot ni Kaelon.

"hindi ko maintindihan." Napatingin kami kay Prince Kelvin na malalim ang iniisip. "Bakit nila gustong makuha ang Apat na elemental Gemstones ng Light Academia? Kahit anong gawin nila ay hindi nila iyon magagamit. Hindi nila iyong makokontrol dahil pag aari yun ng Light."

"So it means meron ding apat na gemstones ang dark academia?" Tanong ni Kaelon.

"Of course. Pero ito ay kinuha ni Serafina sa kamay ni Lazarus dahil sa hindi paggamit ng tama nito."

"Serafina?" Takang tanong ko.

"The Guardian?" Tanong din ni Hannah.

"Yes"

"Wait What, She showed? when?" Tanong ko.

Serafina is the guardian, we call her Lord Serafina. Sakanya galing ang Mundong Academia. Yes, She build this World, She also made us. Never pa namin siya nakita, As in never. Tanging ang Reyna at hari lang ng Light and Dark Academia ang nakakakilala ng mukha niya. She's powerful, Kaya niya ring tanggalin ka sa mundong ito o di kaya ay tanggalin ang mahika mo. They said she's our Guardian, She will protect us, Pero sa daming digmaan na nangyari hindi siya nagpakita. Madami nang nawala na Wizards hindi parin siya nagpapakita, Hindi niya kami tinulungan kaya simula non ay hindi na kami umasa pa sakanya.

"uh long time ago."

"Hindi ba tayo pwedeng humingi ng tulong sakanya upang maibalik sa dati si keira? Kung paano mahanap ang Prinsesa? Kung paano matalo ang Dark Academia?" I asked.

"No." Sagot ni Prince Kelvin.

"Why not?" Cymon Asked.

Bumuntong hininga si prince kelvin. "Hindi niya magugustuhan kung malaman niya na naglalaban ang dalawang kingdoms na ginawa niya-"

"Wait, So it means hindi niya alam na magkalaban na ang Dark and Light Academia?" Tanong ni Wade.

"No, Because she's asleep...for 427 years. at sa oras na magising na siya hindi niyo ito magugustuhan."

"Why? we want to see her. andami naming gusto itanong bakit ni hindi manlang niya tayo maprotektahan." Saad ko.

"Dahil hindi niya kayang kumampi sa isa! Hindi niya tayo tutulungan kung ang kaaway lang naman natin ay ang mga Black wizards. Hindi lang white wizards ang ginawa niya, siya rin ang gumawa sa mga black wizards. At ang gusto niya ay magkampihan tayo upang talunin ang totoong mga kalaban." Saad ni Prince Kelvin at huminga ng malalim. "At kung ako sainyo, Hindi ko siya gu-gustuhing makita."

Lahat kami ay nakatingin sakanya na naguguluhan, Pati rin si zeke na kanina parang walang pakialam ay ngayon kitang kita sakanya ang kuryosidad.

"What do you mean by 'Totoong mga kalaban'?" Tanong ni Hannah.

"Royals, Hindi ang totoong kalaban dito ay ang Black Wizards. Isa lang tong laro ni Lazarus dahil sakanyang inggit, sa kanyang pagiging makasarili, sakanyang galit. May iba pa tayong kalaban, at ito ay galing sa ibang mundo."

Hindi kami makapagsalita sa sinasabi saamin ni Prince kelvin, Lahat kami ay nakatingin lang sakanya.

"We need to stop the game. we need to stop lazarus, bago magsimula ang totong digmaan. 'The Real War.'" Mariing saad ni Prince Kelvin.

"We need to stop Keira." Rinig kong sabi ni Hannah.

"We'll find ways to stop them, to stop her."

Napangiti kami sa sinabi ni zeke.

"Kamusta pala ang paglalakbay niyo sa kagubatan? Sa Pagpasok sa mundo ng mga nilalang?" Tanong ni Prince Kelvin.

"Prince Kelvin." Pagtawag ni Kaelon kay Prince Kelvin. Agad namang napatingin si HM sakanya.

"Maaari ba na ang isang magic user ay mayroong Apat na kapangyarihan? o higit pa?"

Napatawa naman si Prince Kelvin. "Impossible naman ata yun, Masyado na siyang nabiyayaan ni Lord Serafina. Wala pa akong nakikilala na may ganoon karaming kapangyarihan." Sagot ni Prince Kelvin. Nagkatinginan kaming lahat.

"What if... sabihin naming si keira ay may ganoong kapangyarihan?" Tanong ko.

Napaseryoso ang mukha ni Prince Kelvin. "What?"

ikinuwento namin ang mga nangyari.

"That's impossible. Kailangan natin itong sabihin sa reyna."

Tumango kaming lahat at lumabas sa opisina ni Prince Kelvin, Papunta kami ngayon kung nasaan si Queen Georgette. Huminto kami sa malaking pintuan, Kumatok naman rito si Prince Kelvin.

"Georgette"

"Come in"

Binuksan ni Prince Kelvin ang pintuan at agad naman kaming pumasok lahat. Nakita namin ang reyna na nakaupo sa trono niya at nakaharap sa bintana kung saan kitang kita ang baba ng school mula dito sa Palace. Humarap naman siya saamin at kaunting ngumiti, Agad kaming nag bow upang magbigay galang.

"Royals"

"Queen Georgette, May nalaman kami tungkol kay keira." Sabi ni Kaelon.

Hindi nagsalita ang Reyna, It means ipagpatuloy ang sasabihin namin. "Kaya niyang kontrolin ang Apat na mahika." Saad ni zeke.

"What magics?"

"Black Fire, Earth, Ice and Air/Wind" Zeke.

"Iba pa?"

"Iyan lang ang mga natuklasan namin Queen Georgette." Kaelon.

"Kaya niya bang magpagaling? Heal? and water? Lightning?"

"Hindi pa po namin alam Queen Georgette."

"Hmm. Kung kaya niyang makontrol ang lahat ng mahika, ang tawag jan ay Copying magic. Kaya niyang kopyahin ang mga kapangyarihan niyo. Kaya niya itong kontrolin, ngunit hindi kasing lakas katulad ng inyo." Sabi ni Queen Georgette. "Kailangan kong makausap si Serafina tungkol dito."

"What do yo mean? We will wake her up? Hanapan nalang ng ibang paraan huwag lang gisingin si Serafina, Georgette. She's a nightmare for everyone." Prince Kelvin.

"Not yet."

"but we need to, Kelvin. Darating ang panahon na kailangan natin siyang gisingin.. Lalo na't malalapit na.. Malapit na ang Real War."

Napalingon kami sa Pintuan ng may mga Soldier na nagsipasukan.

"Pasensya na po sa Abala pero may problema po tayo, Ang mga Healing Users ay pinagkukuha ng mga Black Wizards, Naririto rin ang dating White wizard, Keira.."

"What...?" Agad na tumakbo si Hannah, Nagtinginan kaming anim at sumunod kay hannah.

Keira... Ano nanaman ito?

»»»○○○«««

//Sorry for all the Typography and Wrong Grammatical Errors//

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon