˙ THIRD PERSON POV ˙
Ang mga lalaki ay ginagawa ang kanilang makakaya upang masira ang mga Matataas at Matutulis na Yelong nakapalibot sakanila, Sinubukang tumulong nila Elisne at Hannah pero pinigilan sila nang kanilang mga kaibigan na lalaki, Kaya wala na silang nagawa kundi tignan ang mga kaibigan nila na ginagamit ang kanilang mga lakas para mawasak ang mga Yelo.
"Naging malakas ang kapangyarihan niyang Yelo." Sabi ni Cymon.
Tumango naman si Wade. "Si Raquel lang ang may kakayahang gumawa nang ganitong Kataas at matitibay na yelo."
"Ibang iba na siya.." Sabi ni Cymon.
Sila Kaelon at Zeke naman ay tahimik lang na winawasak ang mga Yelo. Si Kaelon ay hindi makapaniwala sa nakita niyang Keira ngayon. Alam nilang may magbabago kay keira dahil nga hawak siya nang Dark King. Pero hindi parin siya makapaniwala. Para kasing may iba.
"Zeke..."
"Alam ko."
Tinawag niya palang ang Pangalan ni Zeke, Pero parang tila alam na ni zeke kung ano ang iniisip ni Kaelon.
"May iba pang ginawa sakanya kaya ay naging ganoon siya." Dagdag ni Zeke.
"Kaya pala. Kaya pala pinalipas muna nila ang Isang taon. Iyon ang nakakapagtaka, Bakit nila pinatulog si Keira nang isang taon." Saad ni Kaelon.
Hindi sumagot si zeke. Pinagpapatuloy niya ang paggamit sakanyang mahika para masira ang Yelo.
"Sa kanyang mga Mata, Parang galit na galit siya saatin. Na para bang may ginawa tayong malaking kasalanan sakanya." Pagpapatuloy ni kaelon sa pagsasalita.
"She's a Black wizard. Lahat nang Black wizards ay galit saatin." Biglang sumabat si wade na nakikinig na pala kay Kaelon.
"Nagalit lang naman sila saatin nang maging Hari na siya." Sagot muli ni Kaelon.
Nagkibit balikat si wade. "Sa pagkakaalam natin may kakayahan siyang magcontrol ng Wizards. At kung buhay pa si Queen Areselle siguradong ginamit nanaman niya ito para gumawa nang mga kung ano anong potion."
Si Queen Areselle ay ang asawa ni King Lazarus. Isa siyang pinakamahusay na Witch. Lahat nang Potion ay kaya niyang gawin, Kung ano man ang nais mo.
"Cymon kung ilipad mo nalang kaya kami!" Sigaw ni Elisne.
"Uh nevermind." Sabing muli ni Elisne, Dahil nakita niyang napahiga na si cymon sa sobrang pagod. Siguradong wala na itong Lakas. Napabuntong hininga si Elisne. "Energy, You want?" Alok niya rito. Tumango naman si Cymon kaya agad na lumapit si Elisne kay Cymon upang bigyan nang Enerhiya.
Sila Zeke ay napaupo na rin dahil sa sobrang pagod. Hindi nila pwedeng ubusin ang kapangyarihan nila dahil kailangan nila ito sa Paghahanap nang Water Gemstone.
"Ako nalang ang maglipad sainyo paalis dito." Napatingin silang lahat kay zeke.
"Pero zeke, Sa Digmaan mo lang kailangan yan ilabas, O di kaya kung may mapapahamak." Sabi ni Hannah kay zeke.
"Wala tayong Choice. Hindi ito matutunaw nalang bigla, Dahil ibang yelo ang ginamit niya, At nasa Mt. Cyro tayo siguradong hindi ito matutunaw." Litanya ni zeke.
Lumuhod si zeke at unti unting pinalabas ang kanyang mga pakpak sa likuran at bumuka. Hindi nila maiwasan na mahumaling sa Puting puti at malaking dalawang pakpak ni zeke. Napakaganda nito.
Ganito rin kaya kaganda ang mga pakpak na itim ni keira? Bulong ni Elisne sakanyang isipan.
"Unahin mo na sila Elisne at Hannah zeke." Sabi ni Kaelon kay zeke. Kaya ay pinahawak ni zeke kay elisne at hannah ang kanyang dalawang kamay at unti unting inilipad.
BINABASA MO ANG
ACADEMIA 2: The Broken Wing
FantasyThe Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will pay? Who will she trust? Who is the real enemy to her? Let's join again keira to her journey, oh sc...