˙ HANNAH POV ˙
Makarating ako sa Academia School ay nakita ko na ang mga nagkakagulong mga White Wizards. Nakita ko si Sheryl, Isang Healing user tumatakbo siya palapit saakin.
"Princess Hannah, Tulungan niyo kami." Hingal na sabi niya saakin.
"Ano ang nangyayari? Nasaan ang mga ibang Healing Users? Si keira?" Sunod sunod na tanong ko rito.
"Pinagkukuha ni Keira ang mga healing users. Naroroon sila malapit sa Gate ng L.A"
Tatakbo na ulit sana ako papunta doon sa Gate ngunit ay bigla akong hinawakan ni Sheryl sa braso.
"Kailangan natin ng tulong sa iba, Ikaw ang gusto niyang makuha, Princess Hannah. Ikaw ang hinahanap niya saamin." Saad saakin ni sheryl.
"Kung ako nga ang hinahanap niya, Kailangan ko siyang harapin." Saad ko naman.
"Pero hindi ka pwedeng mawala. Ikaw nalang ang Pag asa para sa mga masusugatan sa Digmaan."
"No Sheryl. Kailangan ko rin kayo. We will fight. Stay here, okay?" Sabi ko at mabilis na tumakbo palabas ng School.
"Hannah, Wait!" Rinig ko ang boses ni cymon na tinawag ako pero hindi ako lumingon tinuloy ko lang ang pagtakbo ko.
Keira... sinasagad mo na talaga ako.
Pagkarating ko sa may gate ay wala na akong naabutan, Walang mga wizard. Wala si keira. Malinis at tahimik.
"Hannah." Narinig ko ang boses ni Elisne, kaya ay napatingin ako sa likod ko kung nasaan sila.
"Wala sila. Wala na sila." Saad ko.
"Hey Healing Princess"
Lumingon lingon ako sa Paligid, Narinig ko ang boses ni keira.
"Keira! Nasaan ka!? Nasaan ang mga healing users!? Magpakita ka!" Sigaw ko.
"Hannah, Shh. Hahanapin natin sila, okay?" Saad ni Elisne.
Tumingin ako sakanya. "Naririto pa sila. Narinig niyo naman ang boses niya diba?"
"Huh? Hannah wala kaming narinig na boses ni keira." Kunot noo-ng sagot ni Cymon.
"What?"
"Tch.. Kung gusto mo mailigtas ang mga Healing Users, Pumunta ka sa Mt. Cry0. Ikaw lang. Wala kang isasama na iba, at hindi mo rin sasabihin sa iba na nakausap mo ako. Kung hindi mo ito susundin, Papatayin ko ang mga healing users na hawak ko ngayon. Don't say i didn't warn you, Healing Princess."
"Hannah!"
Nabalik ako sa ulirat nang narinig ko ang sigaw ni elisne. Lahat sila ay nakatingin saakin na nagtataka.
"Huwag ka nang mag alala hannah, Maibabalik din natin ang mga Healing users. Kailangan na natin gumawa ng plano." Saad ni elisne. Kaunti akong ngumiti at tumango.
"Kamustahin natin si Raquel. Hindi pa natin siya napupuntahan ng makabalik tayo rito." Sabi muli ni Elisne. Tumango ako at magsisimula na sanang maglakad nang marinig ko muli ang boses ni keira sa isipan ko.
"The clock is Ticking..."
"Hannah? Tara na." Pagtawag saakin ni Elisne.
"Ahm. Mauna na kayo susunod nalang ako." Saad ko.
Napakunot naman ang noo ni cymon. "Bakit? Saan ka pupunta?" Tanong nito.
"H-ha? S-sa ano lang, uhm. Kay Prince Kelvin! Oo tama.. Babalik ako sa opisina ni prince kelvin, may mga kailangan kasi akong itanong."
BINABASA MO ANG
ACADEMIA 2: The Broken Wing
FantasiaThe Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will pay? Who will she trust? Who is the real enemy to her? Let's join again keira to her journey, oh sc...