˙GENEVIEVE POV˙
Nandito na kami sa Academia Village. Well, Hindi kami pinahirapan ni Prince Kelvin dahil ginamitan niya kami ng Portal upang makapunta agad dito. Siya lang ang bungod tangi na kayang gumawa ng Portal kaya siya ang naging HeadMaster ng Academia.
Malinis. Tahimik at walang katao tao dito sa Village. Pero tingin namin ay nasa loob sila ng kanilang mga bahay. Wala na rin ang mga Tinda nila. Napansin din namin na halos wasak na ang mga bahay bahay ang iba ay parang nasunog.
Ang sakit makita na naranasan nila ito. Wala naman silang magawa dahil mahihina lang ang mga ito at ang iba rito ay nakick out sa Light o Dark Academia kaya dito sila napunta. Napansin namin na may mga palihim na sumisilip sakanilang bintana. Tila ba parang natatakot. Black Wizards.
"Huwag po kayong matakot." Panimula ko. "Nandito kami para tulungan kayo." Dagdag ko.
Ilang minuto ngunit walang umimik. Walang lumabas. Walang kumakausap saamin.
"Alam naming nakontrol lang kayo ni Lazarus. Napatawad na namin kayo." Ang sabi ni Elisne.
"Sa mga nagawa naming masama sainyo. Paano niyo kami napatawad?"
"Isa ako sa mga lumubag sa batas at kinalaban kayo."
"Impossibleng napatawad niyo na kami dahil siguradong malaki ang galit niyo saamin."
At marami pa silang sinabi na hindi sila naniniwala na napatawad na namin sila. At panay din ang kanilang paghingi ng pasensya. Nakita namin na nakatingin lang ang ibang narito na nakasilip sa bintana.
"Bakit ang ibang tao ay natatakot din lumabas?" Bulong ko kay Zeke na nasa tabi ko.
"Ang akala nila ay isa ka sa masama at kinakalaban ang Light Academia." Sagot nito. Napahinga naman ako ng malalim. Right. Naiintindihan ko ang mga black wizards ngayon na hindi naniniwala na napatawad na namin sila, Dahil lubos silang nagsisisi at sa tingin nila ay sobrang sama ng kanilang nagawa kaya para sakanila hindi nila deserve na mapatawad.
"Isa rin ako sainyo dati." Panimula ko. "Isa rin ako sa naging alagad at naging puppet ni Lazarus. Sunod sunuran ako sakanya at Binago din niya ang memorya ko, Pinalitan niya rin ito. Iyon ang ginawa niya sainyo diba? Marami rin akong nagawang mali at masama sa Light Academia. Lalo na ang nagawa ko kay Hannah at muntik ko na rin mapatay si Elisne." I bit my lip. Hindi ko parin talaga makalimutan ang lahat. "Pero nang maging maayos na ang lahat. Bumalik na ang lahat ng memorya. Lumaban ako. Lumaban ako para mailigtas ang Academia, Pagkatapos naming magtagumpay ay lumayo ako. Dahil para din saakin ay hindi ko deserve na mapatawad nila dahil sobrang sama nang nagawa ko, Natakot din ako at nagsisisi. Pero narito sila, Hinanap nila ako sinabing hindi pa huli ang lahat para magbago." I smiled happily at tinignan silang lahat na nakikinig saakin.
"Hindi pa rin huli ang lahat sainyo. Pwede pa kayong magbago at pwede niyo pang bawiin ang mga nagawa niyong mali dati. Magsimula muli kayo at tanggapin. Tanggapin nalang na ganito talaga ang takbo ng buhay natin. Kalimutan na ang mga madilim na nakaraan. Maging masaya muli kayo at maging malaya."
Lalo akong napangiti ng nagsimula silang maglabasan sakanilang mga bahay at humingi ng patawad at nagpasalamat saakin/saamin. Ang iba ay umiiyak at niyayakap ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.
"You did it, Princess." Sabi ni zeke at kinindatan ako. Napatawa naman ako doon.
"Nice one, Genevieve!" Bati saakin nila Elisne. Linapitan na nila ang mga ito at tinulungan. May mga dala din kaming mga tauhan mula sa Light Academia dahil gagawin namin ang mga nasirang bahay at ayusin ang Village. Balak namin itong pagandahin at gawing makulay. Sinabi din namin maari silang pumunta sa palasyo tuwing may mga celebration. Ang sabi din namin sa mga Black Wizard ay maari rin silang bumalik sakanilang Palasyo dahil si King Lazarus na muli ang maghahari doon.
BINABASA MO ANG
ACADEMIA 2: The Broken Wing
FantasyThe Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will pay? Who will she trust? Who is the real enemy to her? Let's join again keira to her journey, oh sc...