Author's note: Short update! Lol sorry, Kung ang slow update na nito. Happy new year guys!
˙ KAELON POV ˙
Napatingin kaming lahat kung nasaan kanina nakalagay ang portal ng may naramdaman kaming umaalog. Nakita rin namin na unti unti ulit na bumubukas ulit ito. Parang nagkaroon ng ipo ipo, Sobrang lakas ng Hangin, Napaatras din kame dahil parang sasabog ang Portal. Nagsama sama kami at inilabas ang mga armas, Inihanda rin namin ang aming sarili upang maging handa sa ano mang mangyari.
Napapikit kami dahil sa sobrang lakas ng hangin, Kaya hindi namin makita kung ano na ba ang nangyayari.
Maya maya ay naramdaman ko na mahina na ang hangin. Napadilat din ako ng marinig kong sumigaw si Elisne.
"Zeke!!"
Nakita namin si zeke na nasa harapan namin, Agad namin siyang inalalayan ng makita naming na parang nanghihina siya. Agad siyang binigyan ng Enerhiya ni elisne, at nagpahinga sandali. Marami kaming nakita na mga galos sa katawan niya, Siguro talaga ay grabe ang paglalaban nila sa mundong iyon.
"Ano nangyari zeke?" Tanong ni Hannah.
"Nakuha mo ba ang Elemental Gemstones?" Tanong din ni Cymon.
Umiling si zeke. Napaseryoso naman ang aming mukha. Kung hindi niya nakuha ibig sabihin ay na kay keira na iyon ngayon.
"Hindi lang Air at ice ang kapangyarihan ni keira." Sabi ni zeke.
Nagtaka naman kami sa sinabi ni zeke. Paanong hindi lang? Sa pagkakaalam namin ay hanggang dalawa lang ang pwedeng kapangyarihan ng isang wizard.
"May apoy siyang kapangyarihan. Kulay itim." Zeke.
"Siguro naman ay kagagawan yan ng Dark king." Sabi ni Hannah.
Umiling si zeke. "Noong Ball para sa akala nating si princess genevieve, Nakita kong may lumabas sakanya ang itim na apoy noong naroroon kami sa may garden." Pagpapatuloy ni zeke.
"P-paano? Dati pa ba ay kasabwat na si keira ng dark academia?" Sabi ni Elisne.
"Sa reaction niya ng makita niya ang itim na apoy ay wala siyang kaalam alam. Siguro ay hindi." Sagot ni zeke.
"Mayroon siyang itim na apoy kasi isang siyang Black wizard." Sabat ko.
"Maari nga iyon. Pero kaelon, hanggang dalawang kapangyarihan lang ang pwede. Wala pa kong nakikilala na may higit pa sa dalawa ang kapangyarihan." Sabi ni Hannah.
"Mayroon pa." Napatingin kami kay zeke.
"Meron din siyang earth magic. Kaya niyang kontrolin ang mga halaman at mga puno." Seryosong saad ni zeke at tumingin saakin.
Napabuka ang bibig ko. "Paano mo naman nasabi iyan?"
"Nakuha ko na ang kwintas ng hari ng world of creatures kay keira, Naglalaman iyon ng Earth, Wind and Fire elemental gemstones. Papaalis na sana ako pero nakita ko na naubusan na ng hangin na kapangyarihan si keira kaya ay hindi na siya makalipad, Kaya agad ko siyang hinawakan upang sana isama ng ilabas pupuwede na rin natin siyang ikulong sa light academia. Pero nagulat nalang ako ng may mga halaman na sumugod saakin at iniligtas din si keira kaya agad ko siyang nabitawan. Nakita kong kinokontrol niya ang mga halaman kaya agad siyang nawala dala dala ang Elemental gemstones." Mahabang litanya ni zeke.
"Earth, Fire, Wind and Ice. What the? Apat na Mahika. Possible ba yun? Kailangan itong malaman nila Prince kelvin." Saad ni Elisne.
Napaisip ako, Bakit ganito karami Ang kapagyarihan ni Keira? Dahil ba siya Ang babaeng may pakpak sa propesiya? Napailing ako,si Zeke may pakpak pero dalawa lang Ang kapagyarihan niya. Kagagawan kaya Ito ng dark king? Hindi rin. Dahil Kung may kakayahan silang magdagdag ng kapangyarihan sa isang wizard Dapat ay marami nang kapangyarihan Ang mga alagad niya.
"Mas magandang kayang bumalik na muna tayo sa Academia at ipaalam ang mga Ito?" Tanong ko sakanila.
"Mabuti pa nga. Dahil na Kay Keira na lahat ng Gemstones. Wala na tayong hahanapin, Ang Kailangan natin gawin ay kalabanin na siya." Saad ni Wade.
Nagsimula na kaming lahat na lumakad sa loob ulit ng kagubatan pabalik ng Light Academia.
"Zeke anong itsura ng World of creatures? Balak na sana naming pasukin Ang portal eh." Rinig kong sabi ni Hannah Kay Zeke na nasa likuran ko.
"Hell." Napailing nalang ako sa maikling sagot niya. Kahit Kailan talaga.
"Scary.. Buti nalang Hindi kami Sumunod." Sabat naman ni Elisne.
"Looks like hell but it's not scary. Napakaboring, Ang daling matalo ng Hari nila. Mas nakakatakot pa ata magalit si Genevieve." Sabi ni Zeke, Napatingin naman kaming lahat sakanya. Umiiling siya habang nakangisi.
Naalala niya. Yung mga bata palang kami, at naririto pa si prinsesa genevieve, Napakabata pa ni prinsesa nun, mas matanda pa kami sakanya pero yung isipan niya , yung ugali niya kala mo ay mas matanda pa siya saamin Kung pagalitan niya kami dahil daw Ang papasaway namin at baka may mangyaring masama saamin. Lalo na Kay Zeke, lagi niya sinasaway si Zeke dahil lagi daw itong nagsusungit.
"Siguro nga! Naaalala niyo ba yung masama niyang tingin saatin, yung cute niyang kulay brown na Mata, tapos nakalobo Ang dalawa niyang pisngi at Ang mga kamay niya na nakalagay sakanyang magkabilaan na bewang. She's trying to be scary but in our eyes she looks cute." Kwento ni Hannah. Tumawa naman kami at sumang ayon ng maalala rin namin iyon.
Nakakalungkot lang dahil Hindi namin siya kasamang lumaki. Napakawalanghiya talaga ni Lazarus. Napakabata ni Prinsesa Genevieve para isali niya sa kanyang laro. Napakabata namin noon para isali niya sa ganito.
"Siguro ay napakaganda ni prinsesa genevieve ngayong dalaga na siya. Sana lang ay buhay pa siya. Sana lang talaga. Miss na miss ko na siya at gustong gusto ko siyang makasama, aayusan pa namin siya nila Raquel. Hays" Sabi ni Elisne at ngumuso, Napatingin naman ako sakanya at napangiti ng palihim, My Elisne is so sweet and...Cute
"Don't worry. Sa tingin ko naman ay buhay pa siya." Sabi ko sakanya at ngumiti. Hindi nakaligtas saakin Ang pagmula ng kanyang mga pisngi.
"Yep! Buhay pa siya! Babalik pa siya. Papagalitan pa niya tayo. Huwag tayong mawalan ng pag asa." Saad ni Hannah.
"Hahanapin natin siya kapag tapos na ang Laban natin sa mga Dark Academia. Hahanapin natin siya hanggang sa mahanap natin siya di tayo titigil hangga't wala tayong nakikitang bangkay niya. Okay?" Saad din ni cymon.
"Sigurado naman Kung buhay siya at naaalala niya pa tayo ay babalik siya rito. Babalik siya saatin. Hintayin lang natin." Nagsalita na rin si Wade. Napatingin kami Kay Zeke.
"Yeah. She will come back. I know she will."
Lahat kami ay napangiti. Umaasa kami princess Genevieve.
THIRD PERSON POV
Mamatay matay sa kakatawa Ang lalaki habang nakatingin sa bolang crsytal Kung saan naroroon Ang imahe ng mga prinsesa't prinsipe na nasa gitna ng kagubatan at pinag uusapan na babalik sakanila ng nawawala nilang prinsesa.
Matagal na siyang bumalik Hindi niyo lang napansin. Bulong nito.
Napangiti Ang lalaki nang maramdaman niya Ang presensya na paparating sakanya. Nakatingin lang siya sa pinto at Hinihintay na pumasok Ito.
Bumukas na ang pinto at unti unti niyang natatanaw Ang pigura ng dalagang babae na mayroong puting buhok. Hawak hawak nito sa kamay Ang apat na umiilaw na mga bato.
The four elemental gemstones.
"Sabi na nga ba at Ikaw Ang makakahanap niyan, Anak ko." Sabi ng lalaki.
Ngumisi Ang dalaga at lumuhod sa harap ng lalaki at iniharap sakanya ang apat na gemstones. "As I promise, King Lazarus."
Napangiti ng demonyo Ang lalaki. 'Magtatagumpay na ako!' Sa isip nito."Magaling! Magtatagumpay na tayo. Salamat sayo, Anak ko."
"Yes we will succeed. Just do what you promise, Father. Fix my broken wing."
»»»○○○«««
//Sorry for all the Typography and Wrong Grammatical Errors//
BINABASA MO ANG
ACADEMIA 2: The Broken Wing
FantasyThe Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will pay? Who will she trust? Who is the real enemy to her? Let's join again keira to her journey, oh sc...