˙GENEVIEVE POV˙
Tumigil na kami sa pag iyak. Ngayon ay tahimik lang kami na nakaupo dito sa kama ko. Ang awkward kaya sinimulan ko nang magsalita.
"Bakit umiyak ka?" Tanong ko dito. Nagulat talaga ko nang makita ko siyang may luha sa mga mata niya, kaya sobra ang kuryosidad ko bakit umiyak si zeke. Ano ang dahilan, Bakit umiyak ang isa sa pinakamalakas na lalaki dito sa Academia.
"I don't know.." Mahina niyang sagot. Halata namang nahihiya siya dahil hindi siya makatingin saakin. "Ikaw nga ang dapat kong tanungin eh, Bakit ka umiiyak?" Seryosong tanong niya.
"Sasagutin ko ang tanong mo kapag maayos na sagot ang isinagot mo saakin." Pagmamatigas ko. Gusto ko talagang malaman bakit umiyak siya. Knowing zeke, Hindi siya naglalabas ng emosyon.
"I told you, Hindi ko alam. Naglalakad ako upang sundan si Prince Kelvin sa kulungan ni Lazarus, Pero nagtaka nalang ako nang biglang nanikip ang dibdib ko at naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko na parang gusto kong umiyak. Damn it. Mabuti nalang at walang tao sa Hallway na dinadaanan ko. Bigla kang pumasok sa isipan ko kaya naisip ko na magteleport papunta rito sa dorm niyo." Paliwanag niya.
Napaisip ako, Naramdaman ko din ang paninikip ng dibdib ko. Dahil nasasaktan ako dahil nagalit saakin sila Elisne.Napasinghap ako. Hindi kaya ito na ang sign sa propesiya? Na parang magiging isa nalang kami kaya ang nakasulat doon ay kapag namatay ang isa, mamatay din ang isa.
Nakuha naman agad ni zeke ang naisip ko. Dahil nakita ko siyang seryoso ding nag iisip.
"Hindi ka ba tututol sa kasal?" Tanong ko sakanya. Tinignan naman niya ako ng diretso sa mata.
"Sagutin mo muna ako bakit ka umiyak kanina."
I rolled my eyes. "Nagkasagutan lang kami nila Elisne." Hindi siya kumbisado sa sagot ko pero nakuha naman siguro niya na ayaw kong sabihin ang lahat kung bakit. Ayoko dahil sinabi ko kela elisne na mamatay nalang ako pero ang dating nun parang gusto ko ring patayin si Zeke, at hindi ako sang ayon doon.
"Bakit mo naman naiisip na tututol ako sa kasal." Hindi na siya nakatingin saakin ngayon, Para bang naiilang siya.
"Hindi mo naman kailangang sumang ayon kung hindi mo gusto." Sagot ko.
Nagulat ako nang bigla siyang tumingin saakin, Diretso sa mata ko at seryosong mukha. "Gusto ko."
Hindi naman ako makasagot doon. G-gusto niya? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sagot niya tapos idagdag pa ang nakakalunod niyang tingin. Parang malulunod ako sa sariling tubig na kapangyarihan ko.
"P-pero ayoko namang isipin na ginagamit lang kita upang makuha ang trono." Nakayukong sabi ko. Totoo naman. Kaya nga ako ipapakasal agad ay para maipasa na agad ang korona saakin. Dahil hindi pwedeng maging Reyna kung hindi pa ito kasal.
"Hindi ko iyan iniisip, Genevieve. Ikaw lang ang nag iisip niyan, O baka naman ay... Ikaw ang tutol sa kasal?" Tanong nito. Agad naman napaangat ang ulo ko at tinignan siya.
Umiling ako. "Hindi!" Mabilis na sagot ko. Huli nang marealize ko ang pag asal ko. Bakit ang OA ko naman? Nahiya nanaman ako kaya ay napayuko nalang muli ako. Katahimikan ang bumalot saamin. Sa oras na 'to gusto ko magkaroon ng ability na Mind Reading. Gusto ko malaman ano ang nasa isip niya. Bakit kasi hindi ko prinactice ang skill na yun? Hindi ko alam kung ano ang reaction niya ngayon dahil nakayuko parin ako. Pero kanina ay nakita ko ang pagkabigla niya.
BINABASA MO ANG
ACADEMIA 2: The Broken Wing
FantasyThe Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will pay? Who will she trust? Who is the real enemy to her? Let's join again keira to her journey, oh sc...