˙GENEVIEVE POV˙
Halo halo ang nararamdaman ko habang nakatingin sa lahat na sobrang natataranta sa pagtakbo papunta sa main gate ng Academia. Narinig naming lahat ang sunod sunod na pagsabog, at nakakasigurado kami ang Kambal iyon. Takot at Pag aalala ang ang nanaramdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay may hindi magandang mangyayari, I mean... Yes hindi maganda ang pagsugod ng mga kambal pero sa inaalala ko kase ay baka walang katapusan ito at mapahamak ang lahat. Tama nga ang hinala namin... Susugod sila sa oras na naramdaman nilang palabas na ang baby ko. Ang apat na buwan na lumipas ay naging masaya kami, Lalo na nang manganak si Raquel, Ibang kasayahan ang idinala saamin ng batang iyon. Wala kaming pinoproblema dahil ang akala namin ay wala nang susugod na kambal. Pero mali kami... Dahil ngayon... Mag uumpisa nanaman ang Panibagong Digmaan.
"Genevieve. Listen..." Hinawakan ni Zeke ang kamay ko. Sobrang higpit. Kita ko ang takot sa mga mata niya, At maya maya ay may tumulong luha sa mga iyon. "Ang tanging susundin mo lang ay ang mga sasabihin ko." Hinawakan niya ang pisngi ko. "You will stay here with The Guardian Fairies. Hintayin mo si Fairy Daisy upang siya ang magpaanak sayo. Kahit anong mangyari, Genevieve... Wag na wag kang lalabas at magpapakita sa Kambal. Babalik ako dito, at agad nating gagawin ang plinano natin na pupunta kayo sa mortal. Naiintindihan mo ba ako?" Tumango tango ako sa sinabi ni Zeke, Walang tigil ang pagtulo ng luha ko.
"You will come back... Promise?" Mahigpit ko siyang yinakap. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya saakin.
"Babalik ako... Ihahatid ko kayo sa Portal." Sabi niya.
Bumitaw kami sa pagyakap. Bago siya umalis ay tinignan niya muna ako. "I can't wait to see our baby. I love you." Sabi niya at mabilis na umalis. Napahagulgol nalang ako."They'll be alright, Queen Genevieve." Pag papagaan ng loob saakin ni Lorrella.
Hindi ko alam kung ano na ang ganap sa Labas. Hindi ko naririnig ang ingay dahil ginawa nila itong kwarto na soundproof. Sinadya nila iyon para hindi ako masyadong mag alala. Pero namamawis at nanlalamig ang mga kamay ko, Sobra din ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nerbiyos, at pag aaalala.
Bigla akong napahawak sa tiyan ko nang maramdaman kong sumakit ito. Napatulala ako. "Lalabas na ata siya." Wala sa sarili kong sabi.
"What? Manganganak ka na ba, Princess Genevieve?" Natatarantang tanong ni Lorrella.
"Wala pa si Fairy Daisy. Hahanapin ko siya." Sabi ni Eldon at mabilis na lumipad palabas.
"I need zeke. Call him. Please." Naiiyak na sabi ko sa mga Guardian Fairies. Gusto ko nasa tabi ko siya kapag nanganak ako. Parang hindi ko kaya pag wala siya sa tabi ko.
"Pero-
"Please?" Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam ang gagawin! Kung kelan may paglalaban na nangyayari doon ako manganganak? Bakit ganito?
"Your Majesty." Dumating si Fairy Daisy na kasama si Eldon. Lumapit saakin si Fairy Daisy at napasinghap.
"Nararamdaman kong lalabas na siya." Mabilis siyang kumilos at inayos ang paghiga ko.
"Genevieve." Narinig ko ang boses ng aking ina. Nakita ko siyang palapit saakin na may pag aalala sa mukha.
"Mom." Naiiyak na tawag ko sakanya. Mahigpit naman niya akong hinawakan sa kamay.
BINABASA MO ANG
ACADEMIA 2: The Broken Wing
FantasyThe Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will pay? Who will she trust? Who is the real enemy to her? Let's join again keira to her journey, oh sc...