ACADEMIA 2: CHAPTER 38

28.3K 758 253
                                    

˙ZEKE POV˙ (Ito ang pov ni zeke nang sinabi niya kay Genevieve na tatawagan niya si Maverick upang kunin sila. Refer to Chapter 37.)

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Shit. I'm guilty. Dapat una palang ay sinabi ko na pinayuhan ako ni Lord Serafina na hindi pwedeng makalabas ang marami. Pero hindi ko naman alam na isa lang pala ang pwede. Sa sobrang daming nangyayari ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam. Iniisip ko din ang anak nila Wade. Mag isa lang siya doon and He's still a baby... Damn it. Kailangan ko din umisip ng paraan paano makakaalis dito sila Genevieve. Hindi sila pwedeng makita ng Kambal dahil siguradong mapapahamak sila at hindi ko 'yon hahayaan. Masasayang ang sakripisyo ko. Kailangan kong matalo muna sila bago ako mawala.

Iniwan ko muna sa Isang lugar sila Genevieve at pumunta sa main gate ng Light Academia. Kokontakin ko din si Maverick, at itatanong kung pwede bang kunin nila ang mag ina ko dito.

Nasa himpapawid ako at tinitignan ang nangyayari sa ibaba. Halos lahat nagkakagulo. Sobrang daming alagad ng Kambal, Parang sa tingin ko nga ay pinatakas din nila ang mga Halimaw sa World of Creatures dahil ang mga halimaw na nakikita ko ay parang nakita ko na noong makapasok ako sa mundong iyon. Hindi impossible iyon dahil malakas talaga ang dinadala nilang mahika and it's a dark magic siguradong kaya nilang pakampihin ang mga halimaw.

Ang nakakapagtaka lang ngayon ay bakit huminto ang kambal at bigla nalang sila nawala, Hinayaan nalang nila ang mga alagad nila, At nang mawala sila at doon na nagsimula ang makapal na usok. Kita ko ang makapal na usok ay sinasakop na ang gubat, At malapit na ito sa Light Academia, At sa Dark Academia.

Mabilis akong bumaba at tinulungan ang iba sa pakilipaglaban.

Maya maya ay may malakas na tumatawag saakin kaya napalingon ako doon, Nakita ko si King Kristoffer na tumatakbo palapit saakin, Galing siya sa loob ng gubat at sa likod ay ang palapit ng palapit na usok. Mabilis siyang tumatakbo at may isinisigaw hindi ko naman ito gaano marinig dahil maingay ang lahat dahil sa pakikipaglaban.

Palapit siya ng palapit ay naririnig ko na ang sinasabi nito.

"Zeke! Takbo! Takbo Zeke! Tumakas na kayo sa mundong ito!" Sigaw nito.

Napakunot ang noo ko doon. Nang makalapit siya saakin ay agad niya akong hinila patakbo. Hawak na rin niya si Queen Georgette. Ang ibang white wizards ay nagtatakbuhan narin at nakikita ko din ang ibang mga Black Wizards. Ngunit ang iba ay sinakop na nang makapal na usok na iyon.

"Nakaalis na ba sila Genevieve dito?"

Umiling ako. "Hindi sila pwe—"

Huminto siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Damn it! Zeke! Kailangan mo na silang itakas dito! At sumama ka na din! Ipangako mo saakin na pprotektahan at aalagaan mo ang apo at ang anak ko. Naiintindihan mo ba?"

Tumango ako. "Para saan ang usok?" Seryosong tanong ko.

"It's a Curse. Ginawa ito ng kambal, at ni Morgana. Pinagsama nila ang kanilang mga Mahika at gumawa nang ganyan kalakas at kadelikadong usok."

"Kapag nasakop ka ng usok na yan. Mawawala na ang lahat ng mahika mo. Magiging isa kang normal na tao. Kahit ang pakpak mo ay kaya nitong kunin. At ang mga mahika niyong nawala? Mapupunta iyon sa Kambal. Kaya please. Tumakas na kayo ni Genevieve dito. Dahil sigurado wala na kaming kawala dito at pagdating ng panahon... Pumunta kayo dito at iligtas ang lahat... Sa ngayon ay mawawala na itong Academia saatin. Pero babawiin niyo itong muli. Maliwanag? Hindi namin alam ano mangyayari saamin once na makuha na ang mga mahika namin. Basta ay maghihintay kami sainyo ano mang mangyari." Mahabang saad nito. Napatulala ako sa lahat ng sinabi niya. Wala na ba? Huli na ba? Talo na kami?

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon