˙ ELISNE POV ˙
Ipinaalam namin kela Prince Kelvin at Queen Georgette ang nangyari kay Hannah. Ang ang alam lang ng mga Ibang white wizards ay dinakip ang mga Healing Users, Hindi nila alam na naikulong na ang mga ito sa Pulang Diyamante at di na alam kung makakalabas pa ba. Pinili namin na hindi muna ito sabihin dahil nagtataka kaming mga royals kung bakit na kay Keira ang Red Healers Nekclace na pag aari ni Lord Serafina.
"Hindi ba talaga pwedeng wasakin nalang natin ang Pulang Diyamante? Kukunin namin iyon kay keira at babasagin baka makalabas ang lahat ng mga Healing Users." Saad ni Cymon. Halatang desperado siyang makalabas mula doon si Hannah."Hindi ka ba nakikinig? Sinabi nang pag binasag iyon ay mas lalong walang pag asa na makalabas pa sila, dahil tuluyan na silang mamamatay." Raquel said.
"Si Lord Serafina lang ang maaring makapaglabas sakanila." Saad ni Queen Georgette.
"Paano napunta iyon kay Keira?" Tanong ko.
"Yun din ang tanong sa isip ko. Impossible namang gising na si Lord Serafina diba?" Saad ni Kaelon.
"Yes. Kung sakaling magising naman siya ay agad ko iyon nararamdaman dahil nakakonekta din saakin ang Kapangyarihan niya." Sagot ni Queen Georgette.
"Kung ganon..."
"Possibleng ninakaw nila ito sa Kaharian ni Lord Serafina?" Saad ni Prince Kelvin.
"Kailangan nila maibalik iyon bago pa magising si Lord Serafina. Siguradong matinding parusa ang mangyayari sakanila." Sabi ni Queen Georgette.
"Paano kung si Keira ang nagnakaw nun sa Kaharian ni Lord Serafina? Siya ang makakaranas ng matinding parusa?" Tanong ko.
Nakita ko ang pag irap ni Raquel, at ang pag walang kibo nila Cymon, Kaelon at Zeke.
"Oh come on guys. Alam naman nating kinokontrol siya ni Lazarus." Saad ko sakanila. Hindi parin sila kumibo, Parang hangin lang ako. Parang wala silang naririnig. Tumingin ako sa Reyna at kay Prince Kelvin.
Bumuntong hininga naman si Prince kelvin. "Elisne. Hindi mo na dapat kailangan kampihan si Keira, Ikinulong niya si Hannah sa hindi natin alam kung may pag asa pa bang makalabas siya. Ngayon, Mag iingat kayo dahil halos wala na ang mga Healers ng Light Academia." Litanya ni Prince Kelvin.
"Baka naman may pag asa pang maibalik si Keira.. Umaasa pa tayo diba? Diba sabi niyo hahanap tayo ng paraan para mapahinto natin si keira? Ang mga Black Wizards? Diba? Sinabi niyo yan!" Sabi ko, Halos patulo na rin ang mga Luha ko. Tumingin ako kay zeke na nakatingin lang sa lapag. "Zeke, sabi mo we will find ways diba? Ano na? Hanggang salita ka nalang din ba?"
"Elisne." Napatingin ako kay Kaelon nang marinig ko ang nagbabanta niyang tono, Na para bang pinapatigil niya ako sa mga ano pa mang sasabihin ko. Iniwas ko din agad ang tingin ko kay kaelon at tumingin kay Cymon.
"Sigurado sinabi niya rin sayo na hahanap kayo ng paraan para maibalik si Hannah. Nah. Wag na kayo maniwala, Hanggang salita lang yan." Saad ko sakanya tapos ay tumayo na.
"Elisne!" Sigaw ni Raquel.
Tumingin muli ako sa reyna at kay prince kelvin. Ang reyna ay tahimik lang at si Prince kelvin ay nakatingin lang saamin.
"Prince Kelvin. Paano kaya kung hanapin natin ang mga magulang ni Keira sa mortal world at ang mga kaibigan niya. Sigurado namang may weakness parin iyong si Keira. Malay niyo ay maibalik siya kapag nakita niya ang mga mahal niya sa buhay." Litanya ko.
"Then? Kapag nahanap, Paano natin sila madadala dito? Paano natin ihaharap si Keira sakanila?" Rinig kong tanong ni Raquel. Napatigil naman ako doon, Hindi kasi pwedeng mapunta dito ang wala namang mahika.
BINABASA MO ANG
ACADEMIA 2: The Broken Wing
FantasyThe Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will pay? Who will she trust? Who is the real enemy to her? Let's join again keira to her journey, oh sc...