ACADEMIA 2: CHAPTER 24

48.5K 1.5K 304
                                    

˙ZEKE POV˙

"Nahanap niyo na ba?" Tanong saamin ng Reyna.

"Hindi pa po, Queen. Inikot namin itong buong Palasyo at kahit sa School ay wala rin siya." Sinagot ito ni Kaelon. Kita naman namin ang pag aalala ng Reyna.

"Magandang magpahinga muna kayo, Queen Georgette, Hindi pa po kayo masyadong magaling. Kami na po ang bahalang maghanap sakanya." Sabi ni Cymon.

Tumango tango naman ang Reyna pero bakas parin sakanya ang pag aalala at panghihina. Malakas na kapangyarihan ang umatake sakanya.

Lumabas na kami sa Kwarto ng reyna kung saan siya nagpapahinga.

"Sa tingin niyo bakit bigla siyang nawala?" Tanong ni Cymon.

Nagkibit balikat naman kami, Nang matapos ang Digmaan. Bigla nalang siyang nawala na parang bula. Walang pasabi, Hindi manlang din namin siya nakausap.

"Sa tingin niyo ba may pag asa pang magising sila Raquel at Elisne?" Mahinang tanong ni Wade.

"Don't say that. Of course, They will wake up." Seryosong sagot ni Kaelon.

Tatlong araw na ang lumipas pero hindi parin nagigising sila Raquel at Elisne, Kahit ang ibang White wizards din ay maraming katulad sa sitwasyon nila. Malala ang natamo nila kaya 50/50 ang buhay nila ngayon, Maaring hindi na magising o di kaya ay magising.

Hindi naman ito lilipas ng tatlong araw kung naririto si Hannah, She have the most effective healing magic, Kaya nga siya ang binangsangan na 'Healing Princess'

"Kailan daw balak gising si Lord Serafina? Baka maaring magamot niya sila Elisne o di kaya'y maibalik si Hannah." Sabi ni Cymon.

"Kapag ay siguradong magaling na si Queen Georgette." Sagot ni Kaelon.

"Hindi pa natin sigurado kung naibalik na ba kay Lord Serafina ang Red Healing Necklace, Lalo't na nawawala pa si Keira, Hindi masagot ang mga tanong na nasa isip natin." Seryoso kong sabi.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta naman kami sa Opisina ni Prince Kelvin.

"Nakakapagtaka talaga, Nang mahimatay siya nung digmaan ay naglaho nalang siya." Iling ni Wade.

Tama, Nang masalo ko siya, Ilang minuto lang ang lumipas ay biglang siyang naglaho sa mga bisig ko, Bubuhatin ko palang sana siya upang ipunta sa Healing room ay bigla nalang siyang naglaho, Pero alam kong gising pa siya nun. Siguro ay sinandya niya ito, Pero bakit?

Kumatok kami sa Pintuan ng Opisina ni Prince Kelvin, At pumasok nang bigla nalang ito bumukas. Nakita namin si Prince Kelvin na nakaupo sakanyang swivel chair at may benda sa Ulo at sa bisig nito.

"Maayos na po ba kayo, Prince Kelvin?" Tanong ni Kaelon.

"Maayos ayos na rin. Anong balita sa paghahanap?" Tanong nito.

"Lahat ay inikot namin, at nagtanong na rin pero wala talaga kaming keira na nahanap." Sagot ni Kaelon.

"Kung subukan nating hanapin siya sa Academia Village?" Tanong ni Cymon.

Napatingin kami sakanya. "Pwede." Sagot ni Prince Kelvin.

"Siguradong mas maganda kung hanapin natin siya sa Dark Academia." Sagot ko at lahat naman sila ay napabaling ang tingin saakin.

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon