˙ ELISNE POV ˙
Hingal na hingal kaming napasandal sa trunk ng mga Puno, Pagkatapos naming makalayo sa wolf. Hindi na niya kami nahabol hanggang dito sa gubat dahil hanggang roon lang siya sa Mt. Cryo, Bawal siya pumunta sa walang mga yelo.
Agad akong tumingin kay Hannah. "Okay ka lang?"
Tumango tango si hannah pero hinihingal parin, Halata sakanya ang pagkatakot. Naalala ko nangunguna siya kanina sa Pagtakbo, Muntik na siyang matusok ng mga patubong yelo. Fudge! Kung hindi siya nahila ni cymon siguradong nakatusok at nasa tuktok na siya ng matulis na yelo na iyon at siguradong patay na siya.
"Ack! I'm starting to hate her..." I whisper.
Lahat sila ay napatingin saakin. Narinig nila, Huminga ako ng malalim.
"Elisne." Sabi ni Hannah.
"Nakakainis kasi, Hannah. Ibang iba na siya. P-parang... Parang totoo talaga ang sinasabi nila na papatayin tayo ni Keira."
"Elisne, Hindi siya yun! Kinokontrol siya ni Haring Lazarus!" Sigaw ni Hannah.
Sumandal ako sa Puno at umiling iling. "Ang hirap Hannah. Pwede naman niya iyon labanan hannah. Kasi diba? Wala naman talagang galit saatin si Keira. Wala naman tayong nagawang masama sakanya, Kaya there's no way in hell para sumobra ang pagkontrol sakanya ng Hari. Kaya niya magkontrol ng paggalaw ng katawan ang isang wizard pero sa puso hindi."
"Elisne huminahon ka muna. Hindi natin alam ang nangyari kay keira. Sigurado kasi na may iba pang ginawa sakanya, Kaya siya nagkaganun." Sabi ni Kaelon.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Okay, Tama tama. Ang hari, Siya ang may kasalanan bakit nagkaganun si Keira... Pero...Please Keira, Huwag ka na gumawa ng tuluyan na ikagagalit ko...namin. Baka pati lahat kaming naniniwala pa na maibalik ka ay mawala na rin.
"Okay, Okay... So ano na ang gagawin natin?"
"Nakuha ni Keira ang Water Gemstone. Siguro dapat umpisahan na naten ang paghahanap sa iba pang Gems. Bago pa niya ito mahanap." Saad ni Kaelon.
Bigla kaming napatingin kay Wade na sinuntok na pala bigla ang Trunk ng Puno.
"Huminahon ka wade. Kung babasagin yun ni keira dapat kanina niya pa ginawa sa harap natin."
"Ano naman kaya ang gagawin ni Keira sa mga Elemental Gemstone? Bakit siya nakikipag unahan saatin." Sabi ni Cymon.
"Hindi niya makokontrol o makukuha ang kapangyarihan ng Gemstone, Lalo na hindi naman siya ang nagmamay ari nun. Depende nalang kung isa siyang high rank na water user." Saad ko, Dahil nabasa ko ito sa libro ng L.A.
"Yes. Hindi niya makokontrol iyon, Dahil si wade ang nagmamay ari ng gem. Kung sisirain , babasagin niya iyon dapat kanina niya pa ginawa. Siguradong may iba pa siyang balak na gagawin doon." Sagot ni Kaelon. "Hindi naman siya water user diba?"
Umiling kami.
"Ngayon, Ipagpatuloy na natin ulit ang paghahanap sa iba pang gemstone. Baka ay maunahan nanaman niya tayo, Sigurado inutos sakanya ito ng hari, At gamitin sa kasamaan." Muling saad ni kaelon at umiling.
Nagpatuloy na ulit kami sa Paglalakad. Mahirap na nga at baka maunahan nanaman kami ni keira. Kung mawala saamin ang apat na gemstone siguradong wala nanaman kaming laban sa mga Black Wizards. Ito ang pinakamalakas na kapangyarihan nila Zeke, Kaelon, Wade and Cymon.
"Hindi ba tayo pwedeng bumalik ng LA? Dumidilim na." Sabi ni Hannah sa Paglalakad namin.
"Siguro ay dito nalang tayo muli sa Gubat magpapalipas ng Gabi. Importante na mahanap natin ang Gems." Sagot ni Kaelon.

BINABASA MO ANG
ACADEMIA 2: The Broken Wing
FantasyThe Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will pay? Who will she trust? Who is the real enemy to her? Let's join again keira to her journey, oh sc...