ACADEMIA 2: CHAPTER 30

35.5K 937 95
                                    

˙GENEVIEVE POV˙

"I'm so happy for you." Nakangiting sabi saakin ni mom. Ikinuwento ko kasi sakanya ang nangyari saamin ni Zeke, At sinabi ko na rin na matutuloy na ang kasal.

"Siguraduhin niya lang na hindi ka niya sasaktan." Singit naman ni Dad. Napangiti ako, Dad.

"Masaya talaga ako na buhay ka." Masayang sabi ko. "Nagpapasalamat talaga ko. Dahil nabigyan pa ko ng pagkakataon para makasama kayo." Dagdag ko. Ngumiti naman silang dalawa, Si mom ay parang naiiyak pa.

"Nagpapasalamat din kami dahil nabigyan kami ng pagkakataon na makasama at maalagaan ka. Humihingi din kami ng tawad sayo dahil hindi manlang kami ang nagpalaki sayo." Naiiyak na sabi ni mom.

"Mom... Tapos na. It's okay, Matagal ko na kayong napatawad at alam kong hindi niyo iyon ginusto."

Yinakap ako ni mom at yinakap ko din siya pabalik.

"So kelan ang kasal?" Tanong ni Dad. Napatawa naman kami. Hindi naman halatang excited siya kaysa saakin?

"Pag uusapan natin ito nila Queen Hermione. Basta ay pagkatapos ng kasal, kinabukasan ay agad ka nang kokoronahan bilang Reyna ng Academia." Mom.

"Oh." Tumawa si Dad. "Mauudlot muna ang Honeymoon niyo."

Namula naman ako doon. Tumawa din si Mom. Bakit ganun? Ang hinhin ng tawa niya pero pag saakin? nevermind.

"Sana ay marami kayong maging anak. Para maranasan namin mag alaga ng baby." Sabi ni Mom. Namula naman ako doon. Mabuti nalang wala si zeke dito, Siguradong mang aasar yun tungkol sa Anak.

"Tama! Masabihan ko nga si zeke, Upang pagbutihan." Sabi ni Dad, Pinalo naman siya sa braso ni Mom. Lalo din akong namula doon at pinagtatawanan naman nila ako.




Busy ang lahat sa pagpapaganda ng Palasyo. Halos lahat talaga ay busy. Sineseryoso talaga nila ito. Nakita ko rin ang mga dekorasyon nila at talaga ngang napakaganda ng mga ito. Next week na kasi ang kasal namin ni zeke. Siguro nga ay mabilis, pero ayaw na naming mag aksaya ng panahon, At talagang kailangan ito upang lalong lumakas ang kapangyarihan namin ni Zeke, Pagtapos naman ng kasal ay sunod naman ang Coronation Day, Ito ang araw na magiging ganap na reyna na ako ng Academia.

"Princess Genevieve." Napalingon naman ako sa Tumawag saakin. Maliit at ang cute ng boses.

Napangiti ako kung sino ito. "Lorrella." Oh gosh. I miss this little Fairy. Kulay silver ang hair nito with a Pink highlights tapos ay talaga namang napakaganda ng kanyang suot at ang kanyang maliit na mga pakpak.

She's my Guardian. She's the Four Elemental Fairy. Siya ang may pinakamataas na antas sa lahat ng mga Fairies, She's the ruler of their world. Para ding, Isa siyang Prinsesa. The Fairy Princess. So i'm really honored because she's my Guardian. Siya rin ang nagtuturo saakin kung paano gamitin ang mahika ko noong bata pa ako. Mabait ito at malambing, Yun nga lang. Kapag nag ttraining ay talagang masungit at seryoso ito. Para kasi sakanya hindi biro ang pag gamit ng mahika, Kailangan ginagamit ito sa mabuti.

Bigla siyang lumipad palapit saakin at yinakap ako sa may balikat ko. "I mish youu!" Sabi niya sa maliit na boses. Napangiti naman ako doon.

"I miss you too, Lorrella! And I'm sorry dahil nanghina ka dati noong nawala ako. Tell me, What happened to you?"

"Nothing. Natulog lang naman ako ng ilang taon!" Sabi niya at sumimangot. Ang cute cute talaga nito.

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon