ACADEMIA 2: CHAPTER 36

29.4K 768 55
                                    

˙GENEVIEVE POV˙

"Alam mo ba kung gaano ako nag alala sayo?! Zeke naman. Anong ginawa mo at ngayon ka lang nagpakita saamin? Akala ko kung ano na nangyari sayo! Ang sabi ng Pinsan mo ay noong nakaraang buwan ka pa nakadating dito pero bakit hindi ka—" Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya ang siniil ng halik. Smack lang iyon.

"Shh. Andito na ako oh, at buhay pa ako, at buhay ka pa." Sabi niya nang nakangiti. Napatingin ako sa ngiti niya... May mali. Hinawakan niya ako sa wrist at inalalayan. "Halika. Pupunta tayo kay Lord Serafina."

Napakunot ang noo ko. "Anong gagawin natin doon? Ayoko zeke." Pagpupumiglas ko, Natatakot ako.

"You don't have to be Afraid, My Queen. Basta't sumama ka lang saakin... You trust me right?" He smiled at me. I bit my lip. Ilang buwan, Ilang araw ko nang nakikitang nakangiti si Zeke, Nasasanay na ito sa pagngiti. Pero ngayon parang bawat minuto ang ngiti niya saakin pero ramdam ko na parang may mali sa ngiti niya na iyon.

"Of course, i trust you." sagot ko dito.

"Then come with me?" Sabi niya at inilahad ang kamay... Inabot ko naman iyon.

"Pag tapos natin... Sasabihin mo ba lahat ng ginawa mo nitong limang buwan na lumipas? Alam mo bang miss na miss kita?"

Yinakap ako nito. "I will tell you. And i miss you too, baby." He whispered in my ears.




Nakarating kami sa Cave. Andito lang kami sa Labas, At nakatago ako sa likod ni Zeke. Natatakot talaga ako. Hindi maganda ang unang pagkikita namin ni Lord Serafina, at noong nakita ko siya ay talaga nga namang mahihimatay ka sa takot.

"Genevieve..." Narinig ko ang boses ng babae.

"It's Lord Serafina." Sabi ni Zeke habang nakatingin parin sa cave. Napalunok ako.

"Come closer..." Salita muli nito.

Hinawakan ako ni Zeke at inalalayan ako na lumapit pa. Natatakot ako pero sabi ni zeke ay hindi ko kailangang matakot.

"Lord Serafina..." Mahinang sabi ko. Nasa loob siya ng cave, Hindi siya nagpapakita. "I'm sorry, Lord Serafina for stealing the Red Healers Necklace. I really am."

"I know... Alam ko din ang lahat ng nangyari sa mundong ito, Katulad nalang ng paglalaban niyo ng Black Wizards."

Nanlaki ang mata ko doon. She knows?

"Alam kong ikaw ang prumotekta sa mundo na ito at natigil ang alitan ng dalawang kaharian... kaya papaganahin ko muli ang iyong mga mahika upang protektahan ang lahat sa magiging kalaban ninyo. Sinabi ko na kay Zeke ang gagawin ko. At inaasahan ko kayong lahat." Litanya nito.

Napatulala ako sa sinabi ni Lord Serafina. Maya maya lang ay may liwanag na lumabas mula sa katawan ko at ramdam ko ang malakas na aura nito. Alam ko ito! It's my powers.

Tinignan ko ang mga kamay ko. Unti unti akong ngumiti. Damn! It's my powers! It's my fvcking powers!

Lumingon ako kay zeke na nasa likod ko. "Zeke... My powers are back." Tuwang tuwang sabi ko at tumakbo sakanya para yakapin. Ngumiti naman siya saakin at niyakap din ako.

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon