ACADEMIA 2: CHAPTER 40.1 (Last Chapter)

30.6K 741 296
                                    

˙THIRD PERSON POV˙

"Grizelda, Hindi ka nga pwede lumabas." Napapagod na sa paghahabol si Yvaine kay Grizelda na tumakbo palabas ng Bahay.

"I will wait my mom."

Hindi man halata pero sa loob ni Grizelda ay sobra siyang natatakot sa mangyayari sa Mommy niya. Alam niya ang nangyari sa Academia at kung sino ang mga kalaban nito, Dahil ikinuwento ito ni Genevieve. Natatakot siya na baka hindi na bumalik ang mommy niya.

Pero kahit na ganun ay ramdam parin niya ang gayak kung sakaling makabalik na ang mommy niya kasama ang daddy niya. Pati ang mga kaibigan at Pamilya nito.

"Ako na ang bahala sakanya. Mabuti pa na dalawin mo ang anak natin." Sabi ni Maverick kay Yvaine.

Tinignan ni Yvaine si Maverick. "Don't worry." Saad muli ni Maverick at hinalikan sa noo ang kasintahan.

Umalis naman kaagad si Yvaine upang puntahan sa gubat ang kanilang anak. Mayroong taguan doon kung saan nakatago ang Fire Dragon. Hinahanap din kasi ni Morgana ito, at kailangan nila itong itago upang hindi lumala ang binabalak ni Morgana.

"Mama." Isang batang lalaki ang sumalubong ng yakap kay Yvaine. Ito ay Apat na taong gulang. Itinatago nila ito kasama ang Fire Dragon dahil malaki din ang galit sakanya ni Morgana kaya kapag nalaman nito na mayroon siyang anak ay siguradong kukunin at papatayin niya ito.

Nahihirapan na si Yvaine sa sitwasyon nila. Katulad ni Genevieve. Parehas sila ng problema. Kailangan nilang itago ang kanilang mga anak. Hindi manlang nila ito maalagaan ng maayos. Pero naiiisip niyang mas kawawa si Grizelda. Wala na si Zeke, Hindi manlang nito nakilala ang ama niya. Kaya nga gagawin lahat ni Yvaine para protektahan din si Grizelda dahil naging importante na din ito sakanya at bukod doon, Pambawi manlang ito kay zeke dahil tinulungan sila nito noong naganap ang pag atake ni Morgana sakanila.

Naniniwala pa din naman siya na may katapusan din ang paghihirap nila at mararanasan din nila muli ang kasiyahan at kalayaan nila.

"Mama, How's Grizzy?" Tanong ng kanyang anak. Paminsan minsan kasi ay dinadalaw niya ito at sinasama niya si Grizelda, Hindi palasalita si Grizelda ngunit naglalaro pa din sila.

"She's okay, Blayze. How are you?"

"Rynnis taught me magic!" Masayang sabi nito. Rynnis is the Fire Dragon.

Napakunot ang noo ni Yvaine. "Magic?" She asked. "Do you mean he taught you how to control fire?" Rynnis is a Fire dragon, Kaya siguradong ito lang ang maituturo niya kay Blayze.

"Yes! Yes!" Masiglang sagot ni Blayze. Kumpara kay Grizelda na laging tahimik at hindi interesado, Kabaliktaran ito ni Blayze kaya nga sa tingin ni Yvaine ay naiinis na si Grizelda dito. Binigyan pa ito ni Blayze ng Nickname.

"Blayze. You can't control fire, Okay? Wala ka pa sa edad mo para lumabas ang mahika mo." Sabi ni Yvaine dito, Impossible kasing Apoy ang magiging kapangyarihan nito dahil wala sa dugo nila at lalo na sa dugo nila Maverick ang mayroong apoy na mahika.

"but i can—"

"Aalis na ako, Okay? Huwag na huwag kang lalabas dito. Maliwanag? Dadalawin kita ulit kasama si Papa mo, and the others. Kasama din si Grizelda." Ngumiti si Yvaine.

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon