ACADEMIA 2: CHAPTER 12

38K 1.2K 102
                                    

˙ ELISNE POV ˙

Isinuot ko ang Cloak bago maglakad sa Kagubatan. Mahirap na baka kasi makilala ako ng mga taga Academia Village, lalo na't wala naman akong Fairy dust para di ako makilala.

Ramdam ko ang mga matang nakatingin saakin, kaya ay medyo hinawakan ko ang hood na suot ko at yumuko. Ayokong makilala nila ako, Pagkakaguluhan ako dahil isa ako sa may mataas na antas sa L.A o di kaya ay baka may mga Black Wizard dito at baka iparating kay Lazarus.

Saan ko naman hahanapin ang batang may Ability na telepathy?

"Sorry po" Mahinang saad ko nang bigla akong may nakabangga, Pinilit ko rin na ibahin ang Boses ko.

"Pasensya na rin." Rinig ko saad ng matandang babae. Ramdam ko na bigla niya akong tinitigan kaya ay yumuko ako. "Anong kailangan mo Iha? Pansin ko ikaw lang naiiba dito na nakatalob ng cloak. Kaya pinagtitinginan ka. May pinagtataguan ka ba?" Rinig kong tanong niya.

"W-wala ho. Itinatago ko lang ho ang mukha ko dahil natatakot po ako sa mga b-black wizard na naririto." Pagdadahilan ko. Half true.

"Ah ganun ba, Hindi naman kita masisisi. May maitutulong ba ako sayo?"

"Uhm. Kilala niyo po ba ang batang may pangalan na Amara Noble?"

"Ano naman ang kailangan mo kay Amara?"

"Kailangan ko lang po siya makausap."

"Si Amara nga ba ang gusto mong makausap o may iba pa?"

Napatigil ako. What?

"Apo ko si Amara. Alam ko ang habol mo sakanya ay ang ability, Pero pasensya ka na dahil mahina ang enerhiya niya para magamit iyon."

Sa sinabi niyang iyon ay napaangat ang ulo ko sakanya. Kaya ay nakita niyang mabuti ang mukha ko.

"P-princess Elisne?"

"Matutulungan ko rin po siya. Nakikiusap po ako may kailangan lang talaga akong makausap mula sa malayo." Nagmamakaawang saad ko.

"P-pasensya na po Princess Elisne pero mahina po talaga ang enerhiya ng apo ko."

"I can Provide Energy. That's my Ablity. Please?" I said.

Tinago ko muli ang mukha ko at sinundan sa paglalakad ng Lola ni Amara. Sa ilang minutong pagkukumbinsin sakanya ay napapayag ko rin siya. Ngayon ay patungo kami kung saan sila nakatira.

Nakarating din kamu sa Bahay nila, Maliit lang ito parang kubo lang, Halos lahat naman ng bahay dito sa Academia Village ay ganito ang mga tirahan nila.

"Lola! Naririyan ka na pala." Napatingin ako sa batang nakasilip sa bintana, Napatingin siya saakin. "May kasama ka po pala, Teka po pagbubuksan ko kayo ng pinto." Saad niya at umalis sa pagkakasilip sa bintana. Bigla namang bumukas ang pinto.

"Pasok po kayo Princess Elisne." Sabi ni Lola kaya ay pumasok na ako.

"Eto nga po pala si Amara. Ang apo ko."

Tumingin ako sa batang babae na nakatingalang nakatingin saakin. Maganda siya, Hindi kahabaan ang buhok niya at kulay brown ito.

Ngumiti ako. "Hello Amara."

"Hello din po."

"Amara, Siya si Princess Elisne. Taga Light Academia." Pakilala saakin ni Lola.

Napasinghap si Amara. "P-princess?" Ngumiti siya ng malaki. "Isa ka pong Prinsesa sa Light Academia?" Tuwang tuwang saad niya.

"Yes. I'm a Sun Princess."

"Ano po ang Magic niyo? Ako po may ablity na kung tawagin ay Telepathy. Kaya nito makapag usap kahit sa malayo."

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon