Ang boyfriend kong artista

25 0 0
                                    

Chapter 30

Nakauwi na kami ni James galing sa E.K.

It's already midnight na pero hindi pa rin ako makatulog. Ano ba epekto sakin ng nangyari kanina? Dont tell me kinikilig pa ako? My God! Nadine! Inaway ko pa siya nun, pero ayos naman na kami ngayon.

Bukas na nga pala aalis si Yassi. Matagal tagal ko siyang hindi makakasama. Im gonna miss her!
Sila Donna nalang ang makakasama ko. And for I know may bago na namang projects si James at Ericka for goodness sake! Kailangan ko na talaga masanay!

Im gonna sleep na. Pero bago ako matulog biglang nag ring yung phone ko. Unknown number ang tumatawag.
Di ko sinagot,  I dont talk to strangers. Ni hindi ko nga alam kung sino yang tumatawag. Biglang nagmessage.

Ah?! Nasa hospital si YASSI!?
Gumayak agad ako at nagpunta sa hospital kung nasan si Yassi. Natataranta ako,  di ko alam ang gagawin ko. Nagkanda dapa dapa na ako.

Nagpunta ako sa lugar na natanggap kong text. Pumara na ako ng taxi.

"Kuya pakibilisan po! " Sa kakaapura ko iyon lang ang nasabi ko sa taxi.

"Miss, wala pong lugar na pakibilisan po. " nagulat ako ng sumagot si kuyang taxi, oo nga naman nadine! Juskolord! Pinkita ko nalang yung text kay Kuya at nagsimula na siyang umandar.

Tinatawagan ko yung unknown number na nagtext sa akin, pero wala! Busy, may ibang katawagan. 

"Yassi what happened ba?" bulong ko ng ilang beses sa sarili ko. Ilang minuto lang ag huminto na ang taxi at nagbayad na ako kaagad at bumaba agad agad. Pagkababa ko laking gulat ko ng hindi hospital ang binabaan ko.  Omg! 

"KUYA!!!! TEKA! MALING LUGAR ANG PINAGBABAAN MO SAKIN!!!" sigaw ko habang tumatakbong hinahabol ang taxi kaso wala na, sobrang layo na.

Pinagbabaan ba naman sakin isang cafe restaurant at sarado pa. Jusko! Yassi! Tiningnan ko ulit ang message sakin at natulala nalang ako sa phone ko ng ito nga ang lugar na minessage sakin ng unknown number na iyon.

Madaming pumapasok sa isip ko. Like, baka may balak kumidnap sa akin, baka may balak na pumatay sa akin dito, ang tahimik ba naman,  sarado na din yung cafe at puro ilaw nalang ng poste ang nandito at may mga mangilang ngilang taong naglalakad lang, baka may nang prank sa akin na fan ni James, baka naman!  Hays! Stop thinking things Naddie!!

Naglakad nalang muna ako papunta sa cafe dahil sa gilid non ay mag upuan at lamesa naman. Then pagkaupo ko, my phone vibrated.

Naddie, Im at your home. Where are you? ~

Yassi messaged me, so naghintay na ako kaagad ng dadaan na taxi dito, kaso mukhang walang dumadaan na.
Madaling araw narin kasi. 

Nagulat ako ng may humintong kotse sa harap ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko, napaatras ako ng dahan dagan, ibig ko ng tumakbo kaso kaso, parang kilala ko kung kaninong kotse ito.

Bumaba ang bintana ng kotse at

"Why are you here in the middle of the night?", napanganga lamang ako.

"What if something happens to you?, what if-" di ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya at sumakay na agad ako sa sasakyan. Nakapout lang ako at iniisip ang nangyayari. Ano bang nangyayari ngayon? Ano toh? Is someone trying to prank me? Or hays! Ayoko ng mag isip ng kung ano ano.

"Hey, is someone bothering you?". Napatingin lang ako sa kaniya at nakapout padin at umiling nalang ako at tumingin nalang sa bintana. 

"Nadz." nilingon ko siya.

Nanlaki ang mata ko.

"Wear your seatbelt." nagulat ako ng nakaseatbelt na ako.

"Bakit kailangan may paganun?" napahawak ako sa dalawa kong pisngin, baka makita niyang pang namumula ang dalawa kong pisngi, nakakahiya.

Nagkibit balikat lang siya. Kahit na ba pangalawa na yon, nakakagulat ang ginawa niya at medyo tumagal din ng ilang seconds yon at ang weird di ko naramdamang nakaseatbelt na ako.

Masasanay din siguro ako sa kaniya.

Pinaandar niya na yung sasakyan niya at sa limang minuto ang lumipas nagulat ako ng inilalahad niya ang kamay niya sakin. At ako nagtataka naman?

"Water? Tissue? " naghanap ako pero wala akong makita. Napangisi siya ng saglit at nagsalita.

"Slow." at kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinawakan. Nanlalamig pa naman yung kamay ko buti hindi ako pasmado.

"So cold" iaalis ko sana yung pagkakahawak niya sa kamay ko kaso mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya.

"Body heat." tumingin siya sa akin at ngumiti.

Every moment with him parang hindi totoo, parang nasa isang shooting lang ako, nasa isang fiction na libro o nasa isang movie lang.

Hindi pa din ako makapaniwala na ang boyfriend ko ay isang artista




(Sorry sa sobrang tagal na di update)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Boyfriend kong Artista. (Jadine Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon