CHAPTER ONE

7.7K 153 10
                                    

"Pakiulit nga ang sinabi mo Penelope Marie Andrada? para kasing nabingi ako sa sinabi mo e."

tanong sakin ng kaibigan ko'ng si Sandy habang sinusundot-sundot ng hintuturo nito ang loob ng kanang tainga na para ba'ng nabingi talaga siya sa sinabi ko. kumagat muna ako sa pizza'ng kinakain ko bago sinagot ito habang ngumunguya ako.

"ang sabi ko, gusto ko ng magkaanak. ayoko ng maghintay pa kay MR.RIGHT at nagsasawa na ako sa kakahintay sa kaniya. kaya naman naisipan ko na kung ayaw niyang dumating sa buhay ko e di huwag! basta ako, buo na ang desisyon ko. i wanna have a BABY!"

"ANO?! e paano ka naman magkaka-baby e wala ka ngang boyfriend o asawa? paano yun? aampon ka?"

tanong uli nito sakin na parang naguguluhan ang hitsura sabay inom sa softdrinks nito.

"hindi ako aampon. kasi marami pang tsetse bureche ang gagawin dun. bukod na sa sobrang tagal ng processing e magastos pa. kaya naman ang gusto ko, anak ko talaga. i mean kadugo ko. alam mo na. the normal way. ipagbubuntis ko ang baby ko, gets mo?"

"ha?! ang gulo mo talaga Penny. paano ka nga magkakaanak e wala ka ngang asawa o boyfriend diba? ano yun? parang kabute lang na tutubo nalang ang baby diyan sa tiyan mo? kakaloka ka, alam mo ba yun?"

"alam mo hindi ko na kailangan pang magkaroon ng boyfriend o asawa na sinasabi mo okay. kasi kung hihintayin ko pa yung lalakeng yun e baka expired na itong matris ko e hindi pa siya dumadating. buo na ang desisyon ko at pinag-isipan ko talaga ito ng mabuti. magpapa-artificial insemination ako."

biglang nasamid si Sandy sa iniinom nitong softdrinks at panay ang ubo dahil sa sinabi ko. nang mahimasmasan siya ay parang hindi makapiniwala ang hitsura habang nakatingin ang kaibigan ko sakin.

"Artificial insemination? yun ba yung kukuha ang doktor ng semilya sa isang lalake at ii-inject sa matris ng isang babae? yun ba yun?"

"ay ang galing mo friend! nakuha mo!"

"seryoso ka ba diyan? saan ka naman kukuha ngayon ng matinong lalake na willing na magbigay sayo ng baby? at saka may nahanap kana ba?"

sunod-sunod nitong tanong sakin at ako naman ay kumagat uli sa pizza'ng kinakain ko bago sinagot ang tanong niya.

"oo seryoso na talaga ako sa plano ko'ng ito. gagawin ko ang lahat magka-anak lang talaga ako sandy. hindi na nga ako nagka-boyfriend o nagka-asawa man lang. ang pagkakaroon ng sarili ko'ng anak e ipagkakait ko pa ba naman sa sarili ko diba? yung tungkol naman sa lalake'ng magiging donor ko. e wala pa akong nahahanap. kaya sana tulungan mo ako'ng makahanap ng lalaking willing magka-anak sakin pleeeaaaaseeeee."

"Diyos ko naman Penny! saan naman ako hahalughog sa buong bayan natin ng lalaking sinasabi mo? e alam mo naman ang mga lalaki ngayon sa panahon natin, takot maging ama. yung iba nga diyan pag nakakabuntis iniiwan yung babaeng nadisgrasya. tapos paghahanapin mo pa ako ng lalaking willing na mambuntis sayo? nakakabaliw ka! alam mo sa tingin ko mahihirapan ka diyan. walang hibang na lalake ngayon ang papayag diyan sa gusto mo. i mean ang maging donor mo"

"alam ko naman yun e. pero sa tingin ko papayag ang lalaking yun dahil may kontrata naman akong ipapapirma sa kaniya. i mean, pipirmahan naming kontrata."

"kontrata? tungkol saan?" naguguluhang tanong ni Sandy sakin

"kontrata na babayaran ko siya sa pagiging donor niya sakin at once na nabuntis na'ko. dun lamang siya puwedeng umalis at magkakalimutan kaming dalawa. na wala siyang pananagutan sakin at ang batang dinadala ko ay anak ko lang. akin lang. at hindi sa kaniya. sa tingin ko naman papayag ang lalaking yun na maging donor ko once na masabi ko at malaman niya ang kontratang pipirmahan naming dalawa."

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon