CHAPTER FOUR

3.3K 92 1
                                    

"SI PENNY? as in si Penelope Marie Andrada na BESTFRIEND mo? magpapa-artificial insemination?! W-why?"

gulat na gulat na reaksiyon at tanong ng kaibigan ko'ng si Seth nang sabihin ko sa kaniya ang kahibangang plinaplano ng bestfriend ko'ng si Penny.

"ayaw daw niyang maging single forever. at saka napagod na daw sa kakahintay kay MR.RIGHT. kaya hayun. pagpapa-artificial insemination ang naisip gawin"

sagot ko at ikinuwento dito ang lahat ng dahilan ni Penny kung bakit? pati na rin ang pagpayag ko sa gustong yun ng Bestfriend ko kahit pa against na against ako. pagkatapos kong sabihin lahat ng yun kay Seth. ay saka ko tinungga ang isang bote ng beer na iniinom ko. gusto ko'ng magpaka-lasing. gusto ko munang makalimot pansamantala sa gagawing yun ng bestfriend ko.

nung pumayag ako at sinabi kay Penny na susuportahan ko nalang siya sa plano nitong yun. hindi na tumigil ang utak ko sa kakaisip, kung paano ko ba sasabihin kay Penny na ako nalang ang kunin niyang donor o magiging Daddy ng Baby nito?

Oopps! mas tama ba'ng sabihing, magiging BABY naming dalawa?

"TSK.TSK.TSK.. alam mo kasalanan mo rin yan Strike e. dahil kung nung una palang nagsabi ka o nagtapat kana diyan sa Bestfriend mo na mahal mo siya. e di sana hindi na aabot sa ganyan ang kaibigan mo? ang ma-desperada sa pagkakaroon ng anak."

" Seth, alam mo naman kung anong dahilan diba?. ayokong sabihin kay Penny na mahal ko siya at inlove ako sa kaniya noon pa, kasi nga---"

"oo alam ko na kung ano man yang mga sasabihin mo Strike. yang mga rason mo kung bakit? kaso kung may lakas ka lang sana ng loob na sabihin yun noon pa kay Penny. malay mo, hindi naman pala kagaya ng iniisip mo ang puwedeng mangyari sa inyo?. hindi mo ba naisip na baka may gusto rin pala siya sayo? na mahal ka din niya? at naghihitay lang siya na ikaw ang gumawa ng unang move, para sabihing mahal mo rin siya?"

"matagal ko ng naiisip yan Seth, kaso sa tuwing susubukan kong sabihin yun sa kaniya. kapag kaharap ko na siya, naduduwag ako. natotorpe ako. kung alam mo lang gaano ako naiinis sa sarili ko, dahil di ko masabi yun kay Penny. DAMN ME!"

sagot ko kay Seth, sabay wala sa sariling nasuntok ko ang mesa dahil sa emosyong nadarama. muli ay tinungga ko ang bote ng beer na iniinom ko at sinaid ang natitirang laman nun.

"so anong gagawin mo? hahayaan mo nalang ba siyang magkaanak sa kung sinong lalake diyan? ganun nalang yun? magtitiyaga kana lang ba sa pagiging Bestfriend ni Penny habang buhay? "

"of course not! ano ako bale? hindi ako makakapayag na buntisin nalang ng kung sino-sinong lalake diyan si Penny ano? kahit pa sabihin mong artificial insemination lang naman ang gagawin at walang intimate na mangyayari sa kanilang dalawa ni Penny nung lalakeng magiging donor niya. e hindi pa rin ako papayag.. maghalo na ang balat ng sibuyas sa tinalupan talaga."

naiinis ko ng sabi at parang naguguluhan ang hitsura ni Seth sa sagot kong yun.

"ha?! alam mo Strike ang gulo mo? akala ko ba pumapayag kana sa gusto ni Penny at susuportahan mo nalang siya sa gusto niyang yun, kahit against ka pa? oh e bakit ngayon, ayaw mo ulit? parang ang gulo ata?"

"hindi naman sa ayaw ko. oo pumapayag na'ko sa gustong yun ni Penny kahit pa tutol ako. ang ayaw ko lang talaga ay yung kukuha pa siya ng donor niyang lalake para magkaanak."

"alam mo sira ka talaga. paano magkakaanak si Penny kung hindi siya kukuha ng donor niya? diba nga ayaw niyang umampon?"

sa sinabi at tanong na yun ni Seth. napatitig nalang ako sa kawalan. nag-iisip kung sasabihin ko ba dito ang balak ko? na ako ang magiging donor or magbibigay ng anak sa bestfriend kong si Penny.

"oh, bakit biglang natahimik ka na diyan?"

puna nito nang mapansin ang pananahimik ko.

"wala. may iniisip lang ako." sagot ko.

"ano naman yun?" kunot-noo namang tanong nito.

"naisip ko na.." tinignan ko muna si Seth nang ilang segundo bago ko napag-desisyunang sabihin dito ang balak ko. ngunit magsasalita na sana ako nang biglang nag-react ito.

"Woaaaaahhhh! Strike! huwag mo nga akong tignan ng ganyan okay? kung iniisip mo na ako ang gagawin mo'ng donor ni Penny. im telling you, wala pa akong balak na maging DADDY!"

"SHUT UP SETH! hindi yun ang nasa isip ko okay? at saka diba nga, sabi ko sayo kanina. hindi ako makapapayag na bubuntisin nalang ng kung sino-sinong lalake diyan si Penny at kasama ka na dun."

"sus. kinabahan ako dun ah! akala ko talaga... teka nga, ano ba talaga ang iniisip mo?"

tinungga ko ang isang bote ng beer na in-order ko uli sa barman bago sinagot ang tanong ni Seth.

"iniisip ko na.... ako nalang ang magiging DONOR ni Penny. ako nalang ang magbibigay sa kaniya ng Baby."

Pagkatapos ko'ng sabihin yun kay Seth. biglang natahimik ito ng ilang segundo at nakatitig lang sakin na parang nagtataka, naguguluhan at kung ano-ano pa. hanggang sa bigla nalang itong tumawa. ang tawang nakakaloko habang nakatingin siya sakin.

"Puwede ba seth.. ano ang nakakatawa sa sinabi ko?"

tanong ko dito. ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa kakatawa habang sinasagot ako.

"i-ikaw? i mean.. hindi ko lang talaga lubos maisip na maiisip mo yan?. diba nga ayaw mo pang maging Daddy? kaya naman sobrang nagiingat ka sa lahat ng mga babaeng nagiging girlfriend mo nun pati na rin sa mga babaeng nakaka-one night stand mo. napapraning ka pa nga minsan at natutuliro kapag sinasabi ng isa sa mga babaeng yun na late ang period nila. kasi nga takot kang maka-buntis. tapos ngayon? sasabihin mo sakin na ikaw nalang ang magbibigay ng baby kay PENNY? bakit? ang ibig kong sabihin, bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin sayo at ngayon ay gusto mo ng magka-baby?"

"may sinabi ba ako sayong gusto ko ng maging Daddy? alam mo namang ayoko pa diba? kaso.. Damn it, Seth! alam mo naman na siguro ang rason kung bakit ko ito gagawin?. because i am fucking MADLY, DEEPLY, INLOVE WITH PENNY. mas gugustuhin ko pang maging DADDY ako ng wala sa oras, kaysa ang maisip ko na may anak si Penny sa ibang lalake. naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?."

"alright. alright. i get it! ngayon naman pati ikaw nagiging desperado na din dahil sa ginagawa ng bestfriend mo. alam mo para kayong mga sira. lalo kana. pinapahirapan mo lang ang sarili mo at pinapahirapan mo lang din si Penny. kung inamin mo nalang sana sa kaniya ang nararamdaman mo at malay mo mahal ka rin pala niya. di sana walang problemang ganyan. sana, hindi na siya naghihirap sa paghahanap ng lalakeng donor niya para magkaanak siya. at sana din.. kung GIRLFRIEND mo si Penny, puwede kayong magkaanak ng walang kahirap-hirap. hindi na kayo dadaan pa sa ganyang proseso.. you know what i mean? THE NATURAL WAY.."

marahas nalang akong napa-buntong hininga at parang helpless na napatitig sa kawalan dahil sa mahabang pahayag na yun ni Seth sakin. gusto kong bugbugin ang sarili ko dahil wala akong lakas ng loob na sabihin kay Penny ang tunay na nararamdaman ko para sa kaniya, simula nung mga bata pa kami.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon