CHAPTER SIX

3.1K 97 0
                                    

Agad kong kinompronta si Penny nang makaalis ang lalakeng mukhang adik-adik na kausap nito kanina. nang makita ko ang lalakeng yun na kausap ng bestfriend ko. may iba akong nadarama. pakiramdam ko may kinalaman ang lalakeng yun sa pag-papa-artificial insemination nito.

lalo pang na-confirm na totoo ang hinala ko, nang tanungin ko si Penny tungkol sa lalakeng yun at walang kagatol-gatol na sinagot naman na posible nga daw maging donor nito ang lalakeng mukhang bangag na yun!

"You can't be serious Penny! Im Begging you! huwag na huwag mong kukunin ang lalakeng yun! alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa kung ano man ang gusto mo o ayaw mong gawin sa buhay. at may limit ang pangingilam ko sayo dahil sa bestfriend mo lang ako. But Damn! hindi ko kayang manahimik nalang at hayaan kang kunin ang lalakeng mukhang adik-adik na yun na maging ama ng magiging Baby mo!. at saka sa hitsura nun? mukha siyang hindi mapag-kakatiwalaan!"

mahabang sabi ko dito habang sinusundan siya papasok sa loob ng opisina nito. umupo muna si Penny sa Swivel chair nito bago ako sinagot.

"huwag ka ngang OA Strike! hind naman kami magsasama para sabihin yan. i mean. donor ko lang siya okay? at saka isa pa.. naisip ko lang kasi, paano kung wala ng ibang dumating sakin na willing maging donor ko. sayang naman."

"at nanghinayang kapa talaga sa hitsura ng lalakeng yun Penny?! For Pete's Sake! maawa ka naman sa magiging anak mo kung yun ang kukunin mo'ng magiging ama niya!"

hindi makapaniwalang naisambulat ko dito dahil sa sinabi nitong yun. aba't may balak talaga si Penny na kuning maging DONOR nito ang lalakeng mukhang bagong hit-hit ng marijuana na yun at mukhang sabog! THE HECK!

"AH Strike. nasabi ko na rin yan kay Penny kanina pa. kaso mukhang kumbinsido ang mahal mong bestfriend na kunin yung Robin Padilla na yun. i mean. Robbie Palanca pala."

sabi ni Sandy sakin na nasa likod ko na pala at nakikinig saming dalawa ni Penny. magsasalita sana uli ako nang pumasok naman si Georgina.

"ah pasensiya na sa istorbo pero may papapirmahan lang akong documents sandali kay Penny. girl.. pakipirmahan na lang ito dahil mamya darating na yung mag-dedeliver ng mga gown satin.."

hinging paumanhin ni Georgina pagpasok nito sabay baling kay Penny para papirmahan ang dokumentong sinasabi nito. nang matapos pirmahan ni Penny yun. nilandi pa'ko ng kaibigang bakla ni Penny.

"UY Strike, bakit ang bango-bango mo palagi? kada araw mas lalo kang guma-guwapo. nakakaloka ka! kaya ka hinahabol ng mga babae e. pati na rin ng mga bading na katulad ko! kasi ang YUMMY-YUMMY MO! hhhmm! pakis nga!"

malandi at maarteng sabi nito sakin habang hawak ako sa braso. at nang hahalikan nga ako nito sa pisngi ay agad namang hinila ito ni Sandy at sinaway.

"nakakaloka kang bakla ka! wala ka na talagang natitirang delikadesa sa katawan! wala ka ng ibang ginawa kay Strike kundi landiin kapag nandito siya.. halika na at mrarami pa tayong gagawin! hayaan na nating magtalo ang dalawang yan dahil kay Robin Padilla!"

saway at sabi ni Sandy kay Georgina sabay hinila ito palabas ng opisina ni Penny.

nang mawala na ang dalawa. muli kong kinausap si Penny.

"so ano Penny? nagkakaintindihan ba tayo? huwag na huwag mong kukunin ang lalakeng yun! im telling you!"

"alam mo Strike nakakairita kana! umalis kana nga lang muna. ang kulit-kulit mo!"

sabi nito sakin na mukhang naiinis at nawawalan na ng pasensiya sakin. pagkatapos ay naglakad ito palapit sakin at itinulak-tulak ako palabas ng Office nito.

"Penny, hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sakin na hindi mo kukunin ang lalakeng yun para maging donor mo?"

"kahit pa man sabihin ko sayong hindi. maniniwala ka ba? paano kung sinabi ko ngang hindi na. tapos gagawain ko parin pala? at saka alam mo. iniisip ko lang naman. paano kung wala na talagang ibang darating na lalake na willing maging donor ko? at saka---"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon