CHAPTER TEN

2.7K 75 0
                                    

THREE MONTHS LATER...

SA LOOB NG BANYO sa aking shop ay ibig kong mapaiyak dahil sa nakikita kong lumabas na resulta sa aking ginamit na PREGNANCY TEST! sa tatlong beses akong nag-try na nagpa-artificial insemination. panay NEGATIVE ang resulta! naiinis na ako dahil hindi lang pera ang nauubos sakin kundi pati narin pasensiya.

nung unang beses na nagpa-inseminate ako at Negative lang ang lumabas. sinabi ko sa sarili kong normal lang yun dahil ika nga, first try pa lang naman. tapos nung pangalawang beses ko at negative pa rin. ibig ko ng kabahan at naisip na namana ko talaga ang lahi naming mahirap maka-conceive ng baby. at ito ngang pangatlo ko'ng try at negative pa rin! talaga nga namang sagad na! mauubusan na talaga ako ng pasensiya. pati savings ko mauubos na rin dahil sa kagagatos ko para lang magkaanak.

sa tindi ng FRUSTRATION na nadarama ko. sumigaw ako ng malakas pagkatapos ay napahagulhol ako. makalipas ang ilang segundo agad ko'ng narinig ang nag-aalalang boses nina Georgina at Sandy sa labas ng pintuan ng banyong okupado ko.

"Penny! ano nang nangyayari sayo diyan at nagsisigaw ka? negative na naman ba ang resulta?" nag-aalalang tanong sakin ni Sandy.

"Hey Penny. ano ka ba? huwag ka ngang buwang diyan. it's not the end of the world okay para magkaganyan ka. malay mo naman sa susunod mong try e POSITIVE na. diba nga sabi sayo ng doktor na okay naman ang matris mo. wala kag problema. kahit si Strike ganun din. baka hindi pa talaga meant to be ngayon. kaya huwag kang ma-frustrate nga diyan"

nag-aalalang sabi naman sakin ni Georgina. ngunit kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi pa rin nababawasan ang kalungkutang nadarama ko.

"lahat nalang ba hindi meant to be sa buhay ko ha? not meant to be ang magka-boyfriend ako. not meant to be ang magka-asawa ako. pati ba naman pagkakaroon ko ng baby hindi pa din meant to be?"

umiiyak kong sabi sa mga ito dahil sa awa ko sa aking sarili.

"Penny buksan mo nga itong pinto?" hiling sakin ni Sandy ngunit hindi ko ginawa yun.

"hayaaan niyo nalang muna akong mapag-isa. gusto ko na munang mag-senti."

"susme Penny! magsesenti kana nga lang e sa loob pa ng banyo. umuwe kana lang muna kung gusto mo?" sabi naman ni GEORGINA sakin.

ngunit kahit ano pa ang pakiusap ang ginawa sakin ng mga kaibigan ko. hindi nila ako napilit na lumabas ng banyo. makalipas ang isang oras. dun lang ako lumabas ng banyo at nag-alala namang nakatingin sakin ang mga kaibigan ko.

"so ano okay kana ba?" tanong ni Sandy sakin kapag-kuwan.

"mugtong-mugto ang mga mata mo sister.."

puna naman ni georgie sa namumugto kong mata dahil sa kakaiyak.

"malungkot lang talaga ako kasi pangatlo ko na itong try. wala pa din. nauubusan na ako ng pasensiya. pati savings ko mauubos na din."

sabi ko sa mga ito na parang batang maiiyak uli. sina Georgina at Sandy naman ay nag-aalalang nakatingin lang sabay yumakap sakin upang iparamdam na nakikisimpatya sila sa kalungkutan kong yun.

"Dont worry Penny. naininiwala kami ni Georgie na pasasaan din at magkaka-baby ka rin. kaya huwag ka ng umiyak. smile kana. isipin mo na lamang na everything happens for a reason"

pangaalo sakin ni Sandy at si Georgie naman ay sumang-ayon at tumango-tango sa sinabing yun ni Sandy. ako ay nanatiling tahimik lang at napagdesisyunan kong umuwi nalang muna para magsenti-sentihan dahil sa lungkot na nadarama ko.

§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§

"OH SHIT!"

bulalas ko nang maalala ko'ng ngayon pala ang araw na sinabi ni Penny sakin para malaman ang resulta kong Positive na buntis siya. agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Penny ngunit hindi ito sumagot. sinubukan ko siyang tawagan ulit ngunit hindi pa rin siya sumagot. pangatlong attempt. pang-apat. hangang sa maka-sampo ay hindi pa rin sumasagot si Penny.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon