CHAPTER TWENTY SIX " EPILOGUE"

4.5K 126 23
                                    

"STRIKEEEEEEEEEEEE!"

Agad akong nagising at Napabalikwas ng bangon sa matinding pag-sisigaw na yun ni penny sa aking pangalan.

at kulang nalang talaga madapa ako sa aking pagmamadali upang madaluhan agad siya.

hinanap ko si penny kung nasaan? at yun nga, natagpuan ko siya sa loob ng banyo na nagsisisigaw at duguan ang ibabang bahagi ng bestida nito habang hawak ang nine months na niyang tiyan.

OH YES! finally nakabuo din kami ni penny! pagkatapos kasi ng ilang pagta-try namin na makabuo noon sa pagpapa-artificial insemination nito na palagi namang negative ang resulta. ngayon naman. wala pang dalawang buwan simula ng ikasal kami noon.. agad kaming nakabuo nito ng walang kahirap-hirap!

kung sabagay. paano ba namang hindi kami makakabuo ni penny e halos hindi ko na siya tinantanan talaga hanggang sa kami ay makabuo talaga ng baby. ang pagpunta lang ata sa mga trabaho at pagtulog lamang ang pahinga namin nito at kapag kami ay nagkasama na sa bahay. boom! alam na! hihi.

anyway, nagiging pilyo na naman ako. kaya tama na muna ang isip-isip at kailangan ko na munang asikasuhin ang nagsisisigaw kong asawa na si penny.

"HOY strike! ano pa ba ang ginagawa mo diyan? panunoorin mo nalang ba ako diyan o ano ha? manganganak nako!"

sigaw nito nang hindi pa rin ako makaimik dahil sa aking pagkagulat.

makalipas ang ilang segundo at hindi pa rin ako tumitinag. naiinis ng binato ako ni penny ng suklay na siya namang nakapagpagising sa aking utak na para atang sumakabilang planeta muna kanina!

"oh shit! im so sorry penny! nabigla lang ako! ano ba ito? totoo ba yan manganganak kana ba talaga? hindi kaya false alarm lang uli ito kagaya ng dati ha?"

kabado at sunud-sunod kong tanong kay penny nang makalapit ako sabay binuhat siya upang dalhin sa hospital.

"e sira ka pala strike e! kita mo na ngang dinudugo na ako! tingin mo, false alarm pa rin ito ha?" pasigaw nitong sagot sakin sabay sumigaw uli ng nakakabingi talaga!

"im sorry babe! huwag ka ng magalit okay! natataranta lang din naman ako sayo e!"

wika ko habang buhat ko pa rin siya. at nang makarating kami ni penny sa sala. nagsisisigaw uli ito ng napakalakas kagaya kanina at para na akong mabibingi talaga sa klase ng sigaw nitong yun habang ako ay binubugbog niya. hindi lang yun. minumura pa niya ako dahil sa sakit na nadarama habang nagle-labor siya.

"walang hiya ka strike! ang sakit-sakit! hindi ko alam na ganito pala katindi ang sakit ng mag-labor! putsa talaga! bwesit ka! araaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy!"

sigaw nito habang binubugbog ako. nang malapit na kami ni penny sa main door ng bahay upang lumabas na. saka ko naman naalala na naka-t-shirt at boxer lang pala ako!

sa naalala kong yun. agad naman akong nagpaalam kay penny para mag-suot muna ng aking pantalon at halos hindi na maipinta ang hitsura nito nang iniwan ko siya sandali dahil dun.

"strikeeeeee bilisan mooooooooooo! ang sakit-sakit na! bwesit! bigyan mo ako ng pain reliever! kahit ano na! ang sakit-sakit! putsa talaga strike, nasaan kana ba?!!!!!!!!"

sigaw ni penny sakin habang ako ay nasa kuwarto parin at nagmamadaling isuot ang aking pantalon. nang ako ay matapos. mabilisan ko din isinuot ang aking rubber shoes at hindi na rin ako nag-abalang maglagay pa ng aking medyas dahil sa aking katarantahan talaga.

nang matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin. nang malapit na ako sa main door kung saan naroon si penny. muli ay may naalala ako.

"damn it penny! may nakalimutan uli ako!"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon