CHAPTER FIFTEEN

2.3K 66 0
                                    

KANINA PA hindi sinasagot ni Penny ang tawag ko. gusto ko'ng yayain itong kumain sana sa labas. nakailang tawag na'ko ay hindi pa rin ito sumasagot. kaya naman naisipan ko'ng puntahan nalang ito sa sariling apartment. pagdating ko dun ay wala ito.

kaysa naman maghintay uli ako ng napakatagal kagaya ng dati. tinawagan ko si Sandy upang alamin kung magkasama sila ni Penny. agad naman itong sumagot.

"hello Strike. napatawag ka?"

"hi Sandy! i just wanna know kung nandiyan ba si Penny? mag-kasama ba kayo? nandito kasi ako ngayon sa labas ng apartment niya e. tinatawagan ko siya hindi naman sumasagot."

"Ay strike! hindi ba nasabi sayo ni Penny na may lakad siya ngayong gabi. naku! huwag mo ng asahan pang sasagutin nun ang tawag mo, dahil ayaw nun maiistorbo sa kaniyang pakikipag-date!"

"DATE? kanino? sa client ba ninyo?"

kinakabahang tanong ko dito.

"ano ba yan! hindi man lang ba nabanggit talaga sayo ni penny na may date siya ngayon?"

"HINDI E"

"nakakapagtaka naman kasi mag-bestfriends pa kayo. may dinner date siya ngayon. actually kapatid yun ng isang client namin. nagpunta sila sa shop nung isang araw para kuning planner si Penny. e ayun! yung brother nung client namin mukhang type si Penny. kaninang umaga pinadalan siya ng isang boquet ng bulaklak sa shop at tinawagan siya nung lalake para yayain mag-date. siyempre ang bestfriend mo umu-o agad anu! kahit ako naman hindi tatanngi kapag ako ang niyaya nung lalakeng yun. haaaaayyyy! ang guwapo talaga ng lahing yun ni ADAN. PROMISE!"

pahayag sakin ni Sandy sabay parang kinikilig pang sabi sa bandang huli. kulang nalang sumabog ang dib-dib ko sa sama ng loob sa ginawang yun sakin ni Penny. ni hindi man lang sinabi nito saking makikipag-date siya. alam kong wala akong karapatan na pigilan ito sa pakikipag-date nitong yun pati narin ang sumama ang loob ko at magselos. kaso hindi ko mapigilan. ngayon palang na naiisip ko'ng nakipagdate si Penny sa kung sino ma'ng lalaking yun ay parang kinakain ang puso ko sa sobrang selos.

"Sige Sandy salamat nalang.." tanging sabi ko nalang dito saka nag-paalam.

naghintay ako kay PENNY sa labas ng apartment nito. nang mangalay akong nakatayo sa labas ng kotse ko ay pumasok na'ko sa loob nun at naupo. tinignan ko ang oras sa aking relo. mag-na-nine na ng gabi dun. kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. ayoko namang umalis dahil gusto ko'ng makitang dumating si Penny. nag-aalala kasi akong baka pagdating ni Penny ay kung anong gawin nung lalaking yun sa bestfriend ko. what i mean is, baka halikan nito si Penny.

SHIT! maisip ko pa lang na hinahalikan ng lalakeng yun ang bestfriend ko ay gusto ko ng pilipitin ang leeg nito dahil sa selos na nadarama ko. kung tutusin nga. ngayong magkasama sila ay malaya ang lalakeng yun na halikan si Penny.

ah basta hihintayin ko sila! hindi ako makakapayag na makarami yun sa PENNY KO. DAMN IT! parang sasabog talaga ang puso ko ngayon dahil sa sobrang selos na nadarama ko habang naiisip ko'ng magkasama ang dalawa. nagkukuwentuhan. nag-ngingitian. tawanan at nagsasabihan ng sweet na salita sa isat-isa.

OH FUCK! PUTSA TALAGA! hindi ko maiwasang magselos talaga ng ganito katindi ngayon! gusto ko silang sundan kung saang lupalop man sila ngayon ni Penny nung lalakeng unngoy na kasama nito. kaso di ko alam kung saan sila pupuntahan! DAMN IT!

makalipas ang dalawang oras at wala pa si Penny. MEDYO INAANTOK NA AKO. nakaidlip ako sandali. nang magising ako ay saka ko nakita ang nakahintong sasakyan sa harap ng kotse ko at nakita ko'ng bumaba dun ang isang lalakeng familiar sakin. pinagbuksan nito ng pintuan si Penny. nang makababa si Penny dun ay halos kapusin ako ng hininga dahil sa pagkamangha sa histura niya ngayon.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon