CHAPTER SEVEN

3.5K 83 11
                                    

KANINANG-KANINA ko pa napapansin ang mga titig at ngiti sakin ng mga kaibigan kong, sina Sandy at Georgina nang makaalis si Strike. panay ang ngiti ng mga ito na may kasama pang pangingisay ang mga katawan na ewan. kaya naman hindi ko na natiis tanungin kung ano ang nangyayari sa mga ito?

"UY kayong dalawa. kanina ko pa ata napapansin ang mga ngiti niyo diyan sakin at may pangisay-ngisay pa. anong nangyayari sa inyo?"

"Ano kaba Penny? narinig kaya namin ni Georgie yung pinag-usapan niyo ni Strike kanina. grabe kinikilig kami!"

kinikilig na sabi sakin ni Sandy sabay tili!

"hoy mag-sitigil nga kayong mga bakla kayo! anong nakakakilig dun? e---"

"GAGA ka! hindi ka ba kinikilig kay Strike? ang manhid-manhid mo naman at hindi mo magawang ma-inlove diyan sa bestfriend mong Hari ng Hotness, Yummyness at lalo na sa kaguwapuhan. biruin mo. siya na mismo ang magbibigay ng anak sayo? nakakakilig! naghahanap kapa sa kung saan-saan diyan tapos, yun pala. si Strike na bestfriend mo lang pala ang magbibigay ng lahi niya sayo! OH MY GOD!"

MALANDING sabi naman sakin ni Georgina at nagtitili-tili din ito kasama si Sandy.

"Ano ba naman kayo? para yun lang. kinikilig na kayo? okay.. ito ang sasabihin ko ah. nung sinabi sakin ni Strike yun. nagulat talaga ako. hindi ko inaasahan na gagawin niya yun para sakin. Im happy na willing siyang gawin yun, just to make me happy. at dahil dun masaya ako. natutuwa ako kasi ang magiging Daddy ng anak ko e bestfriend ko. at least kakilala ko lang diba?"

"e kilig? hindi kaba kinikilig kay STRIKE kasi siya ang magiging Daddy ng iyong magiging Baby?" tanong naman sakin ni Sandy.

"kilig? seryoso ba kayo diyan mga bakla? bakit naman ako kikiligin kay Strike? bestfriend ko lang siya ano? at para sakin, para ko na siyang kapatid. mag-sitigil nga kayo sa kilig-kilig na yan."

sabi ko sa mga ito sabay nagsimula na akong gawin ang mga na-pending kong trabaho dahil sa pagdating nina Robbie at Strike kanina. manghang napatingin naman sakin ang dalawa kong kaibigan sabay nagkatinginan pa ang mga ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Grabe ka sister? seryoso ka? BESTFRIEND at parang KAPATID lang ang turing mo kay Strike?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Georgina sakin.

"bakit? ano pa ba ang dapat kung ituring kay Strike bukod dun?"

"ay nakakaloka ka! hindi ka man lang ba nakaramdam ng kahit ano kay Strike? ang ibig kong sabihin.. yun bang naakit ka sa kaniya? yung tipong kapag kasama mo siya at niyayakap ka niya o kinikis sa pisngi. di ka ba nakakaramdam ng kuryente? paro-parong bukid sa tiyan. yun parang kinikilig ka? yung parang gusto mo na siyang halikan sa labi, angkinin at---"

"HEP BAKLA KA! HUWAG mo ng itutuloy pa yang sasabihin mo okay? dahil ni isa diyan sa sinabi mo e walang tumugma sa nararamdaman ko para kay Strike."

pamimigil ko sa sasabihin pa sana ng kaibigan kong si Georgina.

"Ay ano ba yan?! deadma lang ba talaga ang BEAUTY MO sa yummyness and hotness ng bestfriend mong si Strike?"

parang hindi maka-paniwalang sabi ni Georgina sakin. at maging si Sandy ay ganun din.

"e di ba sabi mo nung high school tayo, CRUSH mo si Strike?"

sabi at paalala naman sakin ni Sandy.

"OO! pero matagal na yun ano. saka kinalimutan ko na yung crush-crush kong yun sa kaniya noon at ngayon e wala na. as in wala na. nilipad na ng hangin... as in waley na."

"wala na ba talaga?.. o ayaw mo lang i-entertain yang nararamdaman mo kasi ang isip mo, mag-bestfriend lang kayo ni Strike at wala naman siyang pagtingin sayo kundi Bestfriend lang din?"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon