CHAPTER TWENTY FOUR

2.9K 74 13
                                    

Halos paliparin ko ang aking kotse upang makarating agad sa apartment ni Penny. kanina nang tinawagan niya ako. abot-langit ang aking tuwa dahil sa wakas, pagkatapos ng mahigit isang buwang wala kaming kumunikasyon nito ay mag-uusap na din kaming dalawa at magkikita. ngunit napalitan agad ng pag-aalala ang tuwang nararamdaman ko kanina nang malaman kong may nangyaring masama sa kaniya. at yun ay dahil sa babaeng si Amanda.

DAMN HER! hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad kapag nawala sakin si Penny.

agad akong tumawag ng ambulansiya para daluhan si Penny nang mawala siya sa kabilang linya nung nag-uusap pa kaming dalawa sa cellphone. habang nagda-drive ako ngayon. wala akong ibang nasa isip kundi sana ay okay lang si Penny at hindi malubha ang tinamo niyang tama ng baril. dahil kung hindi. hinding-hindi ko din mapapatawad ang aking sarili kapag nawala siya sakin. ako ang ugat ng galit ni Amanda kay Penny kaya kapag napahamak o nawala ang babaeng mahal na mahal ko dahil sakin,

DAMN THAT WOMAN! magtago na siya dahil hahanapin at hahanapin ko siya saang lupalop man siya magpunta. maniningil at sisingilin ko talaga ang Amanda na yun. magbabayad talaga siya sakin!

napahigpit ang hawak ko sa manibela dahil sa tindi ng galit ko sa babaeng yun.

putsa talaga! kapag nangyari ang naiisip ko ngayon na mawawala sakin si Penny. tuluyan ko ng kakalimutan na babae si Amanda.. alam kong masama ang maghiganti pero baka mapatay ko din talaga siya.

"FUCK! DAMN YOU AMANDA!" pagmumura at galit na galit kong sabi habang nagda-drive at di ko na naiwasang mapaiyak dahil sa tindi ng emosyon na aking nadarama.

nang sa wakas ay makarating ako sa apartment ni Penny nandun na ang ambulansiyang tinawagan ko kanina.

nagmamadaling bumaba ako ng sasakyan at agad kong nakita si Penny na ngayon ay nakahiga na sa hospital stretcher. duguan ito at walang malay. nang makalapit ako kay Penny, buong pag-aalalang tinignan ko siya sabay yumakap ako sa kaniya.

sumakay din ako sa ambulansiya nang matapos mai-sakay si Penny dun at habang nasa loob kami ng sasakyan ay walang patid ang iyak ko habang hawak ko ang kamay niya.

maya-maya ay nakita kong nagmulat ng mga mata si Penny. ngumiti siya sakin nang makita ako. umiiyak naman akong nakatingin lang din sa kaniya.

"Penny... im sorry, hindi---"

"shhhhhh.. wala kang kasalanan Strike..."

anito sakin sa nanghihinang boses habang hinahaplos nito ang pisngi ko. ngumiti uli siya sakin sabay sabing...

"i love you Strike... i love you... hindi lang bilang isang kaibigan kundi higit pa dun..."

mas lalo akong napaiyak sa sinabing yun ni Penny. gusto kong magdiwang sa narinig kong yun dahil atleast ngayon alam ko ng mahal din pala niya 'ko katulad ng pagmamahal ko para sa kaniya.. pero hindi ko magawang mag-saya dahil sa kalagayan niya ngayon. kapag nawala sakin si Penny.. hinding-hindi ko kakayanin talaga ang sakit. lalo pa at ngayon alam kong pareho naming mahal ang isat-isa.

"i love you too Penny... mahal na mahal din kita.. please stay.. be strong... malapit na tayo sa hospital..."

"i love you Strike...." anito uli sakin pagkatapos nun ay muling nawalan ng malay si Penny. nag-aalala naman ako kaya agad kong tinanong ang doktor kung ano ang nangyayari.

kinuhanan nito ng pulso si Penny at sinabing kailangang makarating na agad sa hospital upang dalhin sa operating room. maaring nagkaroon daw si Penny ng internal bleeding dahil sa kaniyang tama ng baril..

sa sobrang pag-aala. nasuntok ko ang upuang kinauupuan ko at wala akong ibang nasa isip kundi sana ay umabot pa si Penny sa hospital at maging maayos na siya.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon