CHAPTER TWENTY

2.4K 59 0
                                    

Ibig ko'ng mamangha sa lawak ng Garden ng bahay nila Red. kay ganda ng mga orchids doon, mga bulaklak at may ibat-ibang klase ng mga halaman. nang makapasok kami ng binata sa loob ng bahay ng mga ito. agad kaming sinalubong ng matandang ginang na ang edad ay nasa setenta pataas. nang makalapit samin ang matanda ay agad ako nitong niyakap at hinalikan sa pisngi.

si Red ay pinakilala kami sa isat-isa ng matanda at napag-alaman kong lola pala ito ng binata. maganda ang lola ni Red kahit may edad na. well.. bakit pa ba ako magtataka? mukhang nasa lahi ata ng mga ito ang pagiging good looking. base nalang sa hitsura nina Red at ng ate nitong si Alexandra.

"Penny hija. masaya ako na nagkakilala din tayo sa wakas. alam mo ba'ng palagi kang ibinibida sakin ni Red at kinukuwento. kaya naman sabi ko sa kaniya na dalhin ka niya dito para naman makita din kita at makilala."

ngumiti nalang ako sa sinabing yun ng matanda at pagkatapos nun ay niyaya na kami nito sa dining room dahil nakahanda na daw ang mesa.

bago kumain. tinanong ko muna kung nasaan ang ate at mga magulang ni Red. nagtataka kasi ako bakit wala sila doon?

"ah hija si alexandra, doon siya magdi-dinner sa bahay ng fiancee niya. ang mga magulang naman ni Red. matagal na silang patay. mga bata pa lamang sila ni Alexandra nung mamatay ang mga magulang nila. nabunggo ang sinasakyang bus ng mga ito at sa kasamaang palad. kasama sila sa mga nasawi."

sa sinabing yun ng matanda ay humingi ako ng paumanhin at sinabi naman nitong naiintindihan naman nito yun. maging si Red ay humingi din ng paumanhin sakin dahil nawala sa isip nitong sabihin sakin ang tungkol sa mga magulang, pati narin ang kaming tatlo lang pala ng lola nito ang mag-di-dinner ngayon.

masarap ang mga naihandang pagkain ng lola at kasambay nila Red. kaya naman ganado ako sa pagkain. si Red naman ay abot hanggang langit ang pag-aasikaso sakin. kaya naman parang nahihiya ako sa lola nito sa ginagawang yun ng binata sakin. nakangiti lang ang lola ni Red samin habang pinapanood kami. sinabi pa nitong masanay na daw ako sa apo niya dahil likas na nito talaga ang ganun. sobrang maasikaso at thoughtful.

nang matapos kami sa pagkain ay nagkayayaan naman kaming magkape sa sala habang nagku-kuwentuhan. maraming kuwentuhang naganap. kagaya nalang ng tungkol sa lolo ni Red at kung anu-ano pa. hanggang sa magpaalam na samin ang matanda at sinabi nitong magpapahinga na daw siya.

muli akong nagpasalamat sa lola ni Red at humalik sa pisngi nito bago tuluyang umakyat ng sariling kuwarto ang matanda. nang kami nalang ni Red ang nasa sala ay niyaya ako nito sa isang kuwarto at may ipapakita daw siya sakin.

nang makarating kami sa kuwartong yun. naglakad ito sa kinaroroonan ng isang malaking organ piano at mukhang antique. umupo ito sa upuang katapat nun saka ako tinawag. umisod ito ng kunti sa kinauupuan at sinenyasan akong umupo din sa tabi nya.

"kanino itong organ piano? sa lola mo ba? at saka mukhang antique siya ha?"

tanong ko dito. ngumiti naman ito bago sumagot.

"sa lolo ko ito. alam mo ba'ng isa sa mga katangian ng lolo ko kung bakit mas lalong nainlove sa kaniya si lola, dahil sa galing niyang tumugtog ng piano at kumanta. hindi naman sa pagmamayabang, pero sabi ng mga nakakakilala sakin. kay lolo ko daw namana ang galing sa pagtugtog ng piano at kumanta"

pahayag nito at ibig kong mamangha dahil hindi lang ito guwapo, responsable, mabait, mapagmahal at masipag na lalake. talented pa! nebeyen! nese kenye ne eng lehet! oh my god nakakainlove!

"talaga marunong ka di'ng tumugtog ng piano?"

manghang tanong ko sa kaniya. ngumiti naman ito sabay nagsimula nga itong tumugtog ng piano habang kumakanta. parang gusto ko lalong mainlove nang marinig ko na ang tinutugtog nito at kinakanta ay ang paborito naming kanta. hanggang sa sinabayan ko na din ito sa pagkanta.

"I've been living with a shadow overhead,

I've been sleeping with a cloud above my bed,

I've been lonely for so long,

Trapped in the past,

I just can't seem to move on!

I've been hiding all my hopes and dreams away,

Just in case I ever need 'em again someday,

I've been setting aside time,

To clear a little space in the corners of my mind..

All I wanna do is find a way back into love.

I can't make it through without a way back into love.

And if I open my heart again,

I guess I'm hoping you'll be there for me in the end!"

pagkatapos naming kumanta. kay laki ng ngiti namin ni Red sa isat-isa. hanggang sa magkatitigan kami nito. hinawakan ni Red ang kanang pisngi ko at niramdam pa ng mga daliri nito ang labi ko habang nakatingin siya dun. hanngang sa lumapit ang mukha nito sa mukha ko at naglapat ang mga labi namin.

banayad lang ang halik ni Red sakin at mabilis lang yun. pagkatapos nun ay kay laki ng ngiti nito sa labi at makikita ang kislap sa mga mata habang tinititigan niya ko. hangang sa sinabi nito saking...

"I LOVE YOU penny.."

nang sabihin sakin ni Red yun ay kay tindi ng kabog sa dib-dib ko. gusto kong sabihin sa kaniya na mahal ko din siya pero bakit ganun? hindi ko yun masabi sa kaniya?

"Penny, i said i love you. mahal mo rin ba ako?"

untag nito nang hindi pa rin ako kumikibo.

"ah red.. hindi ba parang ambilis naman ata? kasi kailan lang nung nagkakilala tayo."

tanging nasabi ko na lang at para ba'ng gusto kong kutusan ang aking sarili dahil bakit nagpapa-hard to get pa'ko? samantalang yun naman ang hinhintay ko noon pa. ang mainlove ako at ang may mainlove din sakin. walang iba kundi si Red yun. ano pa ba ang hahanapin ko sa kaniya?

OMG! bakit ganito ? at saka nung halikan niya ko kanina. hindi kasing tindi yun ng sparks na nadarama ko nung hinalikan ako ni Strike sa panaginip ko. bweseeeeeeeeeettttttttt! ikompara ko ba naman ang DREAMS sa REALITY?

"OH! IM SORRY penny. pasensiya kana nadala lang ako sa mga nararamdaman ko ngayon. but don't worry its okay. naiintindihan kita."

anito sakin sabay gagap sa mga kamay ko at nagpatuloy sa sinasabi.

"maghihintay ako Penny. gusto kong malaman mo na kahit gaano katagal hihintayin kita. and if you want na ganito nalang muna tayo, naiintindihan ko. hindi kita mamadaliin. pasensiya kana. hindi ko napigilang sabihin sayo yun."

ngumiti nalang ako sa sinabi nito at pagkatapos ay niyakap niya 'ko.

at habang yakap ako ni Red ay naguguluhan nalang ako sa aking sarili. pakiramdam ko ngayon. nagi-guilty ako kay Strike dahil sa halik na yun ni Red sakin. bakit ganun? si Red ang kasama ko pero si Strike naman ang nasa isip ko.

hindi kaya inlove na talaga 'ko sa BESTFRIEND ko'ng yun? or mas tamang sabihing mas inlove ako kay Strike kaysa Red? OMG! ano ba ang nangyayari sakin?! naiinlove ata ako sa dalawang lalake! WHHHHHYYYYYYYYYYYYY?!

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon