CHAPTER TWENTY ONE

2.4K 65 1
                                    

MAAGA palang ay nagpunta na'ko sa shop ni Penny. naisip ko kasi na baka maunahan na naman ako ni Red na yayain ang bestfriend ko'ng mag-celebrate at mamasyal.birthday kasi ni Penny bukas. habang papasok sa loob ng shop ng aking bestfriend ay kay laki ng ngiti ko habang hawak ang isang boquet ng sari-saring bulaklak.

sinalubong ako ni Georgina at parang kinikilig pa itong nakatingin sa bulaklak na hawak ko.

"oh strike! ang sweet mo naman! bakit hindi mo man lang sinabi na manliligaw kana pala sakin, para naman nakapag-prepare ako? i can't believe it! narealize mo na ba'ng ako ang mahal mo kaya may flowers ka'ng hawak ngayon para ligawan ako? naku strike! hindi na kailangang ligawan mo pa ako dahil ngayon palang sinasabi ko na sayo. oo! oo! oo! sinsagot na kita! i love you too Strike! i love you! "

ibig ko nalang matawa sa mga sinabing yun ni Georgina. ngumiti nalang ako sa kaniya at sinabing para kay Penny ang dala ko'ng bulaklak. napa-ngiwi naman ito at parang nasasayangang bumalik sa puwesto nito kanina at itinuloy ang ginagawa. si Sandy naman ay sinabihan ang kaibigan na asa-asa pa daw at assuming. natatawa nalang ako sa dalawa at itinuloy ko nalang ang aking paglalakad para puntahan ang kinaroroonan ni Penny.

kumatok muna ko ng marahan sa pintuan ng opisina nito bago tuluyang pumasok.

nakapangulambaba ito habang may kung ano itong isinusulat sa notebook nang makita ko.

"HI!" bati ko sabay bigay sa kaniya ang bulaklak na hawak ko.

napakunot-noo naman si Penny nang abutin nito yun.

"para saan to?"

"advance gift ko para sa birthday mo bukas."

ngumiti ito pagkasabi ko niyon sabay sinamyo ang bulaklak at nagpasalamat sakin. tumayo si Penny at kumuha ng flower vase sa loob ng tokador. pumunta ito sa banyo para lagyan yun ng tubig. nang matapos lagyan ng tubig ang flower vase at habang nilalagay ang bulaklak na bigay ko sa vase na yun ay tinanong ko ito.

"so... saan ang lakad natin bukas? saan mo gusto'ng mamasyal?"

napasulyap ito sa tanong ko'ng yun at parang napa-isip pa bago ako sinagot.

"ah Strike, pasensiya kana ha pero bukas si Red ang kasama ko. nasabi pala sa kaniya nina Sandy at Georgina ang tungkol sa birthday ko. kaya hayun nung isang linggo pa siya nag-prenotate sakin na mag-picnic daw kami at mamasyal sa birthday ko."

ibig ko'ng sumimangot ng sobra dahil sa dismaya. akala ko mauunahan ko si Red ngayon. hindi pala! naunahan na naman ako nitong yayain si Penny.

"ah Penny. bakit hindi mo nalang sabihin kay Red na sasama nalang kami nina Sandy at Georgina sa pupuntahan niyo bukas? don't you think its gonna be more fun kung mas marami tayo e mas masaya?!"

umaasa akong pumayag si penny sa sinabi kong yun. wala akong pakiilam kung ano man ang iisipin ng RED na yun sakin. masama na kung masama ako, pero gusto ko kasama ako ni Penny sa araw ng birthday niya at hindi lang ang lalakeng yun.

maya-maya ay parang napa-isip si Penny at bigla namang may tumawag sa cellphone nito. agad nitong sinagot yun at siyempre si Red na naman ang tumatawag. narinig ko'ng tinatanong ng lalake ang tungkol sa picnic ng mga ito bukas, hanggang sa tinanong ni penny kung puwede kaming sumama.

laking pasasalamat ko at pumayag naman ang Red na yun. dapat lang! alangan namang siya pa ang mas masusunod kay Penny. hindi naman niya Girlfriend ang bestfriend ko para mag-demand siya!

nang matapos ang usapan ng mga ito. sinabi sakin ni Penny na puwede daw kaming sumama. napangiti naman ako sa sinabi nitong yun.

kinaumagahan araw ng picnic. abot langit ang selos ko nang sumakay ang bestfriend ko sa kotse ni Red at sakin naman ay sina SANDY AT Georgina.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon