CHAPTER SEVENTEEN

2.6K 75 1
                                    

HINDI pa rin mawala-wala sa isip ko ang panaginip ko kagabi. ang senaryo ay nagtatalo daw si RED AT STRIKE dahil sakin. pinag-aagawan ako ng dalawang lalake. magkasama daw kami ni RED habang naglalakad sa tabing dagat. masayang-masaya habang magkahawak kamay. boyfriend ko na daw dun si RED at nang sabihan niya ako ng i love you.. buong pagmamahal ko din siyang sinagot ng I love you.. at nang hahalikan na'ko ni RED bigla namang dumating si Strike at hindi natuloy yun. galit na galit daw si Strike samin lalo na kay RED.

Nagbasagan ng mukha ang dalawa. sumigaw ako ng sumigaw. sinubukan kong pumagitna sa dalawa para awatin. tumigil naman ang mga ito. si RED ay galit na galit ang tingin nito kay STRIKE. maging ang bestfriend ko ay ganun din. tinanong ako ni RED kun sino ang mahal ko? kung siya ba o ang matalik kong kaibigan? ang sagot ko ay si RED.

Nakita ko ang matinding lungkot sa mga mata ni Strike dahil sa sagot kong yun. masama ang loob nitong lumayo samin at tumakbo ito ng tumakbo. bigla ay nakaramdam ako ng lungkot. hindi ko kayang mawala si Strike sakin. humingi ako ng sorry kay RED at sinabi ko sa kaniyang si Strike pala ang mahal ko.

hinabol ko ang bestfriend ko. kahit pagod na'ko. hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa maabutan ko. hiniling ko sa kaniya na huwag siyang umalis. huwag niya kong iwan. sinabi ko sa kaniya na mahal ko siya. paulit-ulit yun hanggang sa huwag na siyang magalit sakin. at hiniling ko'ng halikan niya 'ko.

makailang beses ko pang hiniling yun sa kaniya bago niya ako hinalikan. at nang halikan nga 'ko ni Strike, pakiramdam ko totoong-totoo! hindi ko lubos maisip na kahit panaginip lang yun ay para ba'ng totoong-totoo talaga! ramdam na ramdam ko ang malambot na labi ni Strike. hindi ako makapaniwalang siya ang first kiss ko!

aaminin ko kahit panaginip lang yun. kay sarap ng pakiramdam ko nung halikan ako ng bestfriend ko. hanggang sa magising na'ko at makitang wala na si Strike sa tabi ko. parang bigla ay nanghinayang ako dahil panaginip lang yun.

bakit ganito ang nararamdaman ko? gusto ko si RED pero gusto ko na din ata uli si STRIKE. mukha pa atang maiinlove ako sa dalawang lalake ngayon. well.. kay RED may future kami sakali. pero kay Strike? wala. dahil hindi naman ako nakikita nun ng higit pa sa isang kaibigan. ang tanging role ko lang sa buhay nito sa pagkakalaam ko ay BESTFRIEND lang niya. at hanggang dun lang yun.. haissssstt... hanggang dun nalang ba yun talga?

PESTE! nang lumabas ako kanina at nakita ko si STRIKE habang nagtitimpla ng kape at nakatalikod sakin. hindi ko maiwasang titigan ang pangangatawan nito. gosh! he is so DAMN SEXY! hindi talaga kataka-taka kung bakit napakaraming babae ang nahumaling sa kaniya. maraming babae ang isinuko agad ang sarili dito dahil sa taglay nitong GODDESS NG KAGUWAPUHAN AT KASEKSIHAN. sa totoo lang napaka-guwapo ng bestfriend ko. kaya mali yung sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na deadma lang ako sa matalik kong kaibigan. ang totoo niyan pinipilit kong iniignora ang nadarama ko dahil ang isip ko ay hanggang bestfriends lang kami ni Strike.

ang kaguwapuhan ng kaibigan ko ay ang tipong hindi pagsasawaan ng kahit sinong babae. siya yung tipong. basta may kanin ka. makita mo lang siya. ulam na!

OMG! mukhang maiinlove ata talaga ako ngayon sa dalawang lalake! ang hirap naman!

Habang nag-aalmusal kami ni Strike ay kay bilis ng tibok ng puso ko. habang kumakain kami. pasimple akong sumusulyap sa kaniya at di ko maiwasang mapatingin sa labi nito. biruin mo nga naman. nahalikan ko na ang labing yun sa panaginip ko. ano kaya ang pakiramdam sa REAL LIFE?!

ipinilig ko nalang ang aking ulo sa mga isipin kong yun hanggang sa magtanong ito sa nangyari samin ni RED kagabi. pati ba naman kung nahalikan na'ko ni RED. ngali-ngaling sabihin ko dito na siya ang kahalikan ko sa panaginip ko at siya ang first kiss ko. well.. sa panaginip nga lang.

pagkatapos naming mag-almusal ay nagyaya itong mamasyal daw kami sa tagaytay. at dahil sa wala namang trabaho at linggo naman. pumayag na'ko.

naghanda ako sa pag-alis naming yun ni Strike. CRAZY pero parang gusto kong magpaganda hindi dahil kay RED kundi dahil kay STRIKE! OMG! nang dahil sa panaginip kong yun nagkaka-crush uli ako sa aking bestfriend.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon