CHAPTER EIGHTEEN

2.3K 79 0
                                    

Kasalukuyang nasa coffee shop ako at hinihintay si Strike kasama ng mga kabarkada nito para manood ng sine. umiinom ako ng kape nang biglang may lumapit saking sopistakadang babae. maganda ito at sexy.. mukhang modelo..

"HI! you must be Penny. right?" bati at tanong sakin ng magandang babae

"Y-yes? magkakilala ba tayo?"

nakatingala at alanganin kong tanong habang nakatayo ito sa harap ko. ngumiti ito sakin sabay umupo sa silyang katapat ng aking mesa.

"ako? hindi mo ako kilala.. but you? kilala kita. by the way.. im Amanda! your bestfriend's girlfriend.."

AMANDA? GIRLFRIEND? Aba! wala ata akong matandaan na may sinabi sakin si Strike tungkol sa babaeng ito? kailan pa naging girlfriend ito ng bestfriend ko? wait! let me think? ahhhhh... naalala ko na. siya yung babaeng naka-one night stand ng bestfriend ko mga ilang buwan na ang nakakaraan!

"ikaw? girlfriend ng bestfriend kong si Strike? im sorry pero h-hindi ko alam.. anyway.. nice meeting you."

kunway sabi ko nalang dito pero ang totoo. manaka-naka kong sabihing assuming siya. naka-one night stand lang niya ang bestfriend ko. girlfriend na agad? wow ha!

"hindi ko ini-expect na hindi man lang ako naikuwento sayo ng bestfriend mo. Penny alam mo gusto ko'ng maging honest sayo.. puwede ba'ng magtanong ng medyo personal?"

"a-ano yun? tungkol saan?" at ano naman kaya ang itatanong nito sakin?

"may gusto ka'ba kay Strike?" biglang tanong nito at ako naman ay nagulat.

"ha?"

"bingi kaba? o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang? ang tanong ko? may gusto ka ba kay Strike? dahil kung oo.. ito ang sasabihin ko sayo.. lumayo ka sa kaniya or else--"

"or else ano?"

"hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.."

sa sinabi nitong yun ay doon na talaga nawala ang pasesnsiya ko. ang kapal ng mukha ng babaeng itong takutin pa'ko. sino ba siya ha?

"alam mo sa pagkakaalam ko. ang bestfriend ko wala siyang isnisekreto sakin. lahat sinasabi niya pati ang pangalan ng mga nagiging girlfriend niya. hindi lang yun. alam ko din ang status ng bestfriend ko ngayon. single siya okay. wala siyang girlfriend na Amanda! kaya huwag kang masyadong assuming!"

pagkatapos ng sinabi kong yun ay agad ko itong iniwan ng walang sabi-sabi. nagulat nalang ako nang biglang hilain nito ang buhok ko patalikod at sinabunutan ako.

"you bitch! what is mine is only mine! sakin lang si Strike at huwag na huwag mo siyang aagawin sakin dahil papatayin kita at kung kinakailangang sabuyan ko pa ng asido yang mukha mo para mas lalo kang maging swangit gagawin ko. huwag mo lang maagaw sakin si Strike!"

nangigigil nitong sabi habang sinasabunutan ako. ginawa ko ang lahat ng magagawa ko. lahat ng lakas ko ibinigay ko na para lang makalayo dito. ngunit sadyang mas malakas ang babae sakin. nagkanda-lagas lagas na ata ang buhok ko at nananakit na ang anit ko sa kakasabunot sakin ng babae ay wala pa rin akong magawa! ang hirap talagang maging maliit!

makalipas ang ilang segundo ng pananabunot sakin ng babae nang biglang may mga umawat samin. may mga lalakeng tumulong sakin. at nakita ko nalang na mga kabarkada pala ni Strike ang mga yun. hawak ni Seth si Amanda. at ako naman ay hawak ni Ivan. nakapagitna naman samin sina Zayn at Brent.. ang mga girlfriend naman ng mga ito ay nasa paligid lang habang nanunuod sa eksena naming yun ng babaeng ex ni Strike.. este ex na naka-one night stand niya!

"ang kapal ng mukha mong sabihing girlfriend ka ng bestfriend ko. maganda ka nga! pero assuming naman! hindi na ako magtataka kung bakit hindi ka naging Girlfriend ng bestfriend ko. dahil kung gaano ka man kaganda e ganun din sa saksakan ng pangit ang ugali mo!"

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon