CHAPTER TWO

4.4K 122 6
                                    

"SERYOSO KA PENNY?! itong hitsura ko'ng ito? as in itong mukhang to? gusto ng maging DADDY?"

tanong ko sa aking Bestfriend na si Penny habang itinuturo ko ang sariling mukha. paano ba naman? nang makita kasi niyang may bahid ng lipstick ang pink polo shirt ko na naiwan nung babaeng si Amanda. nahulaan ni Penny na nakipag-one night stand uli ako. agad ako nitong sinermunan at sinabihang sa kakaganun ko e baka tuluyan na akong maka-buntis at maging ama ng wala sa oras.

"Pinaaalalahanan lang kita strike kasi nga kaibigan kita at ang kaibigan hindi dapat hinahayaan o kinukunsinti ang kaibigan na alam niyang puwedeng mapahamak sa ginagawa niya. gets mo? kagaya nalang ng ginagawa mo? alam ko namang ayaw mo sa mga seryosong commitments at lalo na ang maging ama agad. kaya nga palagi kong pinapaalala sayo na kung hindi ka mag-iingat diyan sa ginagawa mo'ng yan?. ikaw din. baka magsisi ka sa bandang huli. alam mo naman ang pagsisisi laging nasa bandang huli. hindi sa una, kundi sa huli. nakukuha mo ba ang sinasabi ko ha STANLEY RICK BENITEZ?"

mahabang paliwanag at panenermon ni Penny sakin sabay banggit pa nito sa bandang huli ng complete name ko. sumubo muna ako ng pagkaing in-order ko, bago ko sinagot ang panenermon ng bestfriend ko.

"alam mo Penny. maraming salamat talaga sa concern mo sakin. sobrang naa-appreciate ko ang ginagawa mo. but don't worry. one hundred one percent sure na nag-iingat ako at ito ha. itaga mo sa bato pati na rin dito sa mesang kinakainan natin. never akong makakabuntis sa age kong ito ngayon. maybe kapag nag-fourty na ako e puwede pa. pero ngayon? NO! as in big NO, NO and NO!"

sa sinabi kong bandang huli ay biglang nasamid si Penny sa iniinom nitong orange Juice at nang mahimasmasan ito, parang hindi siya makatingin sakin na hindi ko mawari. kaya naman hindi ko napigilang magtanong kung bakit?

"May problema kaba Penny?"

"ha? ako? may problema? wala ano! ano ka ba?"

sagot ng Bestfriend ko sabay inom uli sa orange juice nito at iginala ang panigin sa Food court na kinakainan namin.

"kilalala kita Penny. matagal na tayong mag-kaibigan okay? mga kinder pa lang, magkaibigan na tayo. kaya naman hindi mahirap sakin ang magets kung may Problema ka o may inililihim ka sakin. magsabi ka nga sa kin ng totoo? ano na naman ang problema mo? o mas tamang sabihing, ano ang sekreto na yan na tinatago mo sakin?"

"sekreto? wala akong sekreto Strike na itinatago sayo okay? ano ka ba? kung anu-ano ang iniisip mo?"

kaila pa rin nito habang umiiling. ngunit halata ko naman sa mga mata nitong nagsisinungaling si Penny.

"Talaga lang ha? sige Penny. itago mo ng itago sakin yang itinatago mo. pasasaan din at malalaman ko din yan."

sabi ko dito na hindi maitatago ang pagtatampo sa boses ko. paano ba naman? matagal na kaming mag-bestfriend nito e ngayon lang ito nagtago ng sekreto sakin. lahat ng sekreto namin sa isat-isa ni Penny ay alam namin. kaya naman di ko maiwasang magtampo at masaktan sa ginagawang paglilihim na yun ni Penny sakin.

"huwag mong sabihing nagtatampo ka sakin ng lagay na yan Strike?"

tanong nito nang makitang naktitig lang ako sa kaniya na seryosong-seryoso ang hitsura.

"Natural na maiinis at magtatampo ako Penny. paano ba naman? sa tinagal-tagal na naging magkaibigan tayo. lahat ng sekretong meron tayo e alam nating pareho. ngayon pa kaya? masyado bang napaka-private ng sekreto mo'ng yan at hindi mo magawang ipagkatiwala na sabihin sakin? very intimate ba yan? huwag mo'ng sabihing nakipag-loving-loving kana sa isang call boy? o di kaya naman---"

"HEP! STOP! diyan ka na lang muna strike!"

Utos ni Penny at sinenyasan pa ako ng palad nito na tumigil sa sasabihin ko pa sana.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon