CHAPTER TWELVE

2.7K 64 0
                                    

Mag-iisang linggo na ang lumipas nung magsenti-sentihan ako dahil sa naging resulta ng pag-bubuntis ko kuno. hindi pa rin naman ako nawawlan ng pag-asa. kaya muli ay nagpa-schedule uli ako sa aking doktora para sa pagpapa-artificial insemination ko.

umaasa ako na sana thist time POSITIVE na. nahihiya na din ako kay Strike dahil kahit ito ay napeperwisyo na din dahil sakin. haaisstt. masuwerte na lamang ako dahil may bestfriend akong mabait, maintindihin at sweet kahit pa babaero.

And speaking of his being so babaero. hindi ko pa din malimutan ang ginawa nito sakin nung isang linggo. halos lumuwa ang puso ko sa tindi ng kabog nun dahil sa sinabi niya sakin tungkol sa maging kami nalang daw nito after six months. mabuti nalang hindi ko naipahalata dito ang nangyayari sakin.

ABA! kung alam lang ni Strike na para nako'ng maloloka sa mga pinagsasabi niyang yun sakin. lalo pa ng titigan niya 'ko nang malagkit habang sinasabi nito yun. kahit alam ko'ng biro lang yun. napraning pa din ang puso ko. ewan ko ba? bakit ganun? kahit alam kong biro lang yun ni Strike e parang iba ang epekto nun sakin.

nang makita ko siyang nagtatangal ng kaniyang polo. kunway wala akong pakiilam pero diyos ko day! maloloka ako sa ABS at muscle ni Strike. ang tipo ng katawan nito ay pinaghihirapan ng ibang lalake diyan para lang makamtan ang ganung klase ng katawan! naloka talaga ako dun! lalo na ng tanggalin nito ang pantalon at boxer na lang ang natitira.

hindi ko naiwasang napasulyap ng ilang segundo sa ibabang bahagi ni Strike. bigla ay nakaramdam ako ng pag-iinit at para akong kakapusin ng hangin dahil dun. nang tatangalin na ni Strike ang boxer nito ay naalarma talaga ako. di ko kayang tignan at baka ako ay maloka na! OMG! di ko alam na kayang totohanan ni strike ang sinabi nitong maghuhubad siya sa harap ko. gustong makita nito sakin kung totoo ba talagang hindi ko pagnanasaan ang katawan niya. kung alam lang talaga ni Strike kung ano ang ginagawa niya sakin nung time na yun. kay daming senaryo ang pumapasok sa utak ko. kahit pa man virgin ako e hindi naman ako ganun kainosente sa ganung bagay ano!

sa totoo lang ilang beses ko ng nakikita si Strike na topless ito. pero ewan ko ba? nung time na parang nagla-live show ito sa harap ko e naloka talaga ako. iba ang dating nun sakin. para atang magkaka-crush na naman ako kay Strike dahil sa ginawa nitong biro at pagla-live show niya! grrrrrrrrrr! ipinilig ko nalang ang ulo ko sa mga naisip at baka maloka na'ko ng tuluyan.

bakit ba ginugulo ng bestfriend kong yun ang utak ko? saka isa pa e. biro lang naman yun. walang seryosohan. marahil ini-entertain lang ako nito o binibiro para mawala ang isip ko sa pagsenti-sentihan ko nung oras na yun. imposible namang magka-gusto sakin si Strike e halos puro model o di kaya naman mukhang model ang mga nagiging Girlfriend niya! matangkad, sexy, sopistakada manamit. pati na rin sa pananalita. hindi lang yun! sobrang ganda pa! e ako? maliit, sexy din naman kahit pano. simple lang sa lahat ng bagay. at higit sa lahat... pang-karaniwan lang ang kagandahan!

kaya naku! imposibleng magkagusto sakin si Strike! sobrang labo! niloloko lang ako ng lalakeng yun. sure ako! as in sure na sure ako dun! ah ano ba ito? sabi ko, tama na ang kakaisip kay Strike pero bakit naiisip ko pa rin siya?! ah ipinilig ko nalang uli ang ulo ko sa mga naisip at at itinuloy ko ang mga tinatrabaho ko.

hanngang sa kumatok sa pintuan si Sandy at pumasok sa private office ko. sinabi niyang may bagong client na dumating at gusto daw akong kausapin. at base sa hitsura ni Sandy ay parang may kislap ang mga mata nito at parang kinikilig pa.

"bakit ganyan ang hitsura mo?"

nagtataka kong tanong dahil sa kaweirduhang ikinikilos nito.

"GIIRRRRRRRRL! ang guwapo niya! ang guwapo ng kasama nung kliyente nating naghahanap sayo! makalaglag panty talaga! sige na puntahan mo na sila at baka mainip ang guwapong lahing yun ni ADAN!"

kinikilig na pahayag sakin ni sandy at parang hihimatayin na ito sa nadarama. napapailing nalang ako dito. pano ba naman? pinagnana-saan ang lalakeng ikakasal na. lumabas na'ko ng private office ko at pinuntahan ang mga kliyenteng NAGHAHANAP sakin. at nang makita ko ang mga ito. halos malaglag talga ang panty ko dahil sa sobrang kaguwapuhan ng lalakeng sinasabi sakin ni Sandy. OMG! ang suwerte naman ng babeng pakakasalan nito. at ang babaeng yun ay ang katabi siguro nito ngayon? tuloy, hindi ko maiwasang maingit sa babaeng yun.

paglapit ko sa mga ito ay agad ko silang binati at ako ay nagpakilala.

" Hi Ms. Penny. my name's Alexandra Domingez"

pagpapakilala din nito sakin sabay nagkamay kami nito.

"and this is my Brother.. Riley Evan Domingez. but you can call him RED for short!"

magiliw na pagpapakilala naman sakin sa BROTHER pala nito. akala ko FIANCEE! bakit parang biglang nagdiwang ang puso ko sa nalaman ko. as if naman may sense para magdiwang ako? baka nga kasal na din ang mokong na ito e.

nang makipag-kamay sakin ang lalake ay para akong hihimatayin na ewan. parang may kuryente akong naramdaman at di ko maiwasang kiligin nang maramdaman ko ang malambot pero firm na palad nito. GOSH! mukhang maiinlove pa ata ako sa lalakeng ito? lalo pa kung makatingin sakin ay parang inaalam kung sino ako? tuloy.. di ko maiwasang mailang sa klase ng pagtitig nito sakin.

nag-usap kami ng mga ito tungkol sa wedding ng ate nito at nagkasunduan kami na ako ang planner sa naturang kasal ng kapatid ng lalake. pagkatapos naming magkasundo sa mga detalyeng gagawin para sa wedding ay nagpaalam na din ang mga ito at umalis na. lihim ko pang pinapanuod ang mga ito habang sumasaky sa kotse. at sa di sinasadya ay muling nag-tama ang mga mata namin ng lalakeng nagngangalang RED. ngumiti ito sakin. ngumiti din ako sa kaniya. nagkawayan pa kaming dalawa bago ito tuluyang sumakay sa kotse at pinaandar yun para umalis.

haiiiiiisssssssst! bakit ganito ang pakiramdam ko? ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko?

OMG! IM INLOVE!

"agad-agad inlove na! kakakilala pa lang inlove ka na? kaloka ka! baka nga may asawa na yun e!"

pangongontra ng utak ko habang pinapanuod ang papalayong sasakyan ng lalakeng nakakapagpabilis ng tibok ngayon ng puso ko.

Makalipas ang dalawang araw ay hindi pa rin nawawala sa utak ko ang lalakeng nagngangalang RED. pag naiisip ko siya para akong timang na napapangiti nalang mag-isa. mabuti nalang hindi napapansin ng mga kaibigan ko ang nangyayari saking yun.

ganito ba talaga ang pakiramdam ng naiinlove? para kang timang na ewan. para ang high! para kang nababaliw! haaaaay ano ba yan? ako na naman ang inlove.. pero ang lalakeng kinaiinlaban ko ay hindi naman inlove sakin. kaloka! palagi nalang ba'ng ganito? hindi ba puwedeng... ang lalake naman ang maiinlove sakin! nebeyen!

katatapos ko lang makipag-meeting sa isang client ko sa isang coffee shop at kasalukuyan akong naglalakad na papunta sa kinapa-parking-an ng kotse ko nang makita ko ang lalakeng nagpapagulo ng utak ko at crush ko ngayon.

OH MY GULAY! SI RED!

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon