CHAPTER TWENTY FIVE

3.2K 79 1
                                    

"HUSBAND, YOU MAY NOW KISS THE BRIDE!"

pagkatapos na pagkatapos ng sinabing yun ng pari kay strike. agad ako nitong hinapit sa aking baywang sabay mariin niya akong hinalikan sa aking labi. tumagal yun ng ilang segundo at nang matapos nga yun. makikita sa mga mata ngayon ni strike ang kislap at napaka-gandang ngiti sa labi nito habang nakatingin sakin.

" i love you so much penny. not my bestfriend any more but my wifey!"

sabi nito sakin ng buong pagmamahal sabay hinalikan uli ako sa aking labi. tumagal yun ng hindi lang segundo kundi minuto. dahilan para magreklamo ang mga taong dumalo sa kasal namin ng bestfriend ko! ah este, hindi na pala kami bestfriend ni strike ngayon kundi hubby and wifey na kami!

OMG! grabe hindi ako makapaniwala! kasal na ako ngayon! ang akala ko kahit sa panaginip hindi mangyayari sakin ang ganito..well.. nagkamali ako.. akala ko lang yun.. at hindi lang yun. mismong sa bestfriend ko pa ako ikinasal at hindi ko lubos akalain na sa tinagal-tagal na panahon na naghintay ako kay mr. right at na-depress pang magka-anak e si strike lang pala ang aking hinahanap at hinihintay.

ibang klase din ang bestfriend kong ito ano? ah este asawa ko na. ano ba yan nalilito ako! nasaan na ba ako? ah oo! ang sabi ko, ibang klase din ang asawa kong ito dahil pinahirapan pa niya ako bago siya umamin sakin ng pagsintang purorot niya kuno. anyway, im happy! kahit pa man pinaghintay at pinahirapan ako ng mokong na ito e wala na yun sakin ngayon at pareho na naming ibinaon sa limot yun ng hubby strike ko.

ito ang araw na magsisimula kami ng panibagong yugto sa buhay namin. panibagong moment naming magkasama hindi bilang mag-bestfriend kundi mag-asawa na!

eeeeeeeeeeggghhhhhhhhh! ano ba ito? kinikilig aketch talaga!

anyway, nawala ako sa aking iniisip ngayon dahil sa mga bisita naming panay parin ang sigawan samin ng mabuhay ang bagong kasal, congratulations at kung ano-anu pa habang naghahalikan pa rin kami ni strike..

seriously? nakalipas na ata ang isang minuto pero hindi pa din kami tapos sa paghahalikan naming yun ng asawa ko. kaya naman ang iba din naming bisita ay nagsisisigaw ng...

"gutom na kami! tama na yan please!"

"naku naman! ituloy niyo nalang yan mamaya sa honeymoon ninyo!"

narinig kong sigaw naman ni Dra. Lorenzaga!

oh yes! in-invite din namin si doktora. ang doktora na nagsagawa ng pagpapa-artificial insemination ko noon...

tuwang-tuwa ito saming dalawa ni strike nang malamang magpapakasal na kami ng bestfriend ko. ang sabi niya. masayang-masaya daw siya saming dalawa ni strike at ngayon nga'y puwede na daw akong magka-anak ng walang kahirap-hirap.

hindi na daw kailangang dumaan pa kami ng asawa ko sa ganung proseso dahil puwede na daw naming gawin yun ni strike "the natural way" para kami ay magkaanak.

nahihiya nalang ako kay doktora nang sabihin niya yun saming dalawa ni strike. samantalang ang aking bestfriend ay este asawa pala! parang wala lang ang sinabing yun ni doktora at sinabing hindi na daw kailangang ipaalala samin yun ni dra. lorenzaga dahil tiyak daw na araw-araw daw naming gagawin yun hanggang sa magka-baby kami!

diyos ko po! nahihiya ako! pero anong magagawa ko e si doktora lorenzaga ay obgyne at normal lang sa kaniya ang ganung usapan. si strike naman ay siyempre pilyo at babaero noon.. kaya naman parang wala lang din dito ang sinabi kahit pa man magkulay kamatis na ata ang aking hitsura dahil sa akward na usapan ng dalawa.

anyway.. mabalik tayo sa kasalukuyan.. habang nagsisigawan ang mga tao samin at ang iba naman ay nagpapalakpakan pa rin dahil sa live show namin ng aking hubby bestfriend.

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon