CHAPTER NINE

3.1K 78 0
                                    

Succesful ang ginawang procedure sa pagpapa-artificial insemination ko. di ko akalain na ganun lang pala kabilis yun na isasaksak sa matris ko. may kaunting cramping at sakit akong nadarama sa ginawang yun sakin but ayos lang. nagawa ko pa rin naman and WORTH IT talaga!. sa ngayon ay maghihintay ako ng isang buwan para malaman kung success o nabuo ang BABY ko.. or mas tama ba'ng sabihing anak namin ni Strike? kasi siya ang sperm donor ko. kaya naman kahit bali-baliktadin ko pa ang mundo. hindi ko pa rin maikakaila na si Strike ang DADDY ng magiging BABY ko.

habang nakahiga ako sa hospital bed. sinulyupan ko si Strike na ngayon ay may kung anong pinagkaka-abalahang ginagawa sa cellphone nito. napangiti ako ng lihim habang nakatingin sa kaniya. nasa isang kuwarto kami nito ng hospital pa rin at naghihintay kami ni Strike ng GO signal ng doktora na puwede kaming umuwe na. pagkatapos kasi ng ginawang proseso sakin. sinabi ng doktor na mas magandang nakahiga nalang daw muna ako ng at least fourty five minutes. mas maganda daw ang ganun. mas may chance na ma-buo ang baby ko. este, namin pala ng Bestfriend ko.

AH! ANG WEIRD TALAGA NG LIFE! mag-bestfriend lang kami ni Strike pero kung sakali ay magkaka-anak kaming dalawa. muli ay sinulyapan ko ANG BESTFRIEND KO na busy pa din sa pagpipindot sa cellphone nito at matiyagang naghihintay sakin. napangiti uli ako ng lihim dito. pakiramdam ko ang suwerte-suwerte ko. kasi may bestfriend akong katulad niya. kahit pa man babaero ang bestfriend kong ito. e may tinatago pa rin naman siyang kabutihan sa puso.

haaaayyyyy...masuwerte ang babaeng makakabihag sa puso ng BESTFRIEND KO kung sakali lang talaga.

bakit ba ganito ang pakiramdam ko? parang may kunting kirot akong nadarama sa puso ko dahil sa isiping yun? na may babaeng puwedeng makabihag sa puso ni Strike balang araw. OMG! ipinilig ko nalang ang ulo ko sa aking mga naiisip at sakto namang bumukas ang pintuan ng kuwartong inu-ukopa namin pansamantala ng kaibigan ko. iniluwa nun ang doktora na nag-sagawa ng pagpapa-artificial insemination ko.

"Hi Ms. Andrada! kamusta ang pakiramdam mo?"

masiglang bati at tanong nito.

"okay naman po doktora. happy!"

magiliw kong sagot habang nakangiti ng ubod tamis dito.

"oh thant's good! basta ang bilin lang namin sayo okay. iwas sa stress. at saka yung vitamins na inireseta namin sayo. iinumin mo yun palagi. malaki ang maitutulong nun para mas maging succesful ang ginawa nating pagpapa-arificial insemination mo. oh siya puwede ka ng tumayo diyan. at makaalis na din kayo ng kaibigan mo"

pang-iinporma at habilin sakin ng doktora bago ito nagpa-alam at umalis na sa kuwartong yun. agad akong tumayo nang mawala na ang doktora at niyaya naman si Strike umalis sa hospital na yun.

Sa hallway ng hospital. ako ay parang eng-eng lang na dahan-dahan, maingat at magka-dikit pa ang aking mga hita habang naglalakad dahil sa takot kong baka mag-swim palabas galing sa aking matris ang Baby to be ko.

napansin naman ni Strike ang ginagawa kong yun at parang nawe-weirduhang napatingin sakin.

"Anong ginagawa mo?" nagtataka ang hitsurang tanong nito.

"Dahan-dahan akong naglalakad kasi baka mag-swim palabas ng matris ko si baby. baka mahulog."

sa sagot kong yun. biglang natawa si Strike sakin sabay napapailing.

"alam mo Penny para kang sira. sinabi na nga sayo ng doktora kanina diba? na puwede mo pa ring gawin ang mga bagay na ginagawa mo dati. kagaya nalang ng paglalakad ng normal. alam mo para kang eng-eng diyan sa ginagawa mo."

" e sa natatakot ako e. malay mo naman. saka wala namang masama kung magpapaka-sigurado lang ako. aba akala mo ha? malaking pera din kaya ang nagagastos ko para sa pagpapa-artificial insemination ko'ng ito."

Hey Bestfriend, I Wanna Have Your Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon