Zach's PoV
Malapit na ako sa pinto papalabas ng kwarto ni Aph nang biglang nag beep ang phone ko. hinawakan ko na ang knob ng pinto at nilabas ko phone ko.
in-open ko ang message ng kambal..
From Sapatos1:
Boss, Von Voltaire's Heart is in the brochure of the next auction this 9:00 pm sharp. Shall we go?
Napahinto ako sa paglabas ng pinto.
Von Voltaire's Heart...
Nireplyan ko siya.
To Sapatos1:
Papuntahin mo sina Ethan, Jacob, and Jin. We'll demolish that whole auction after we got the Heart.
At isinend ko na iyon. Dali dali akong umalis sa kwarto ni Aph para mag handa. Dumeretso ako sa opisina ko nang bigla akong napahinto sa pamilyar na boses.
"He's heart is too fragile and can be easily fooled." Sinong kinakausap niya? Nanatili akong nasa labas ng opisina ko. At dahil nga kilala ako bilang Ace ng gang ko, Magaling ako mag tago ng presensya.
"Don't worry, I'll settle it as soon as possible my dear.... All you gotta do is to take care of our baby, okay?" Anong pinag sasasabi nito? baby? My dear? May iba si Dad? Agad akomg napalingon nang may naramdaman akong presensya. si Freya pala.
"I need to go now. Bye." Paniguradong naramdaman rin ni Dad ang presensya ni Freya kaya pinatay nito ang cellphone niya.
"Come in." Rinig kong sabi ni dad. Tumingin ako kay Freya at nag signal na wag mag salita. Agad ko namang in-open yung door at tumawa.
"Kakatok palang sana ako, naramdaman mo na agad presensya ko. Hahaha.!" Sige Zach, acting ka lang. Naglakad ako papunta sa couch ng opisina ko at ipinatong ang dalawang braso sa magkabilaang sandalan ng couch.
"Akala ko dalawa ang naramdaman kong presensya? Bakit--"
"Ah, kasama ko si Freya." Pumasok naman si Freya at tumabi sakin. Inakbayan ko sya at isinandal ang ulo sa balikat ko. Tinitigan kami ng mabuti ni dad at biglang nagtanong.
"Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong niya habang hindi sinisira ang eye contact.
"Wala lang. Gusto lang namin sabihin na nakabalik na kami galing sa cake shop." Nakangiti kong sabi sakaniya. Mas kumunot ang noo niya.
"Ano nga." Sabi nito sakin. Tumayo ako at lumapit sa desk ko kung saan siya nakaupo.
"Gusto ko lang tanungin kung sino kausap mo kanina?" deretso kong tanong. Napahinto siya dun at kita ko ang kaunting paglunok niya.
"Narinig ko lang naman yung I need to go now. Bye. Na sinabi mo. Wag ka mag alala, hindi ko narinig lahat. Saka.." inilapit ko ang mukha ko sa mukha ni dad.
"May dapat ka bang sabihin sakin dad?" Tanong ko sakaniya. Agad siyang tumawa ng malakas kaya inilayo ko mukha ko bago ko pa maamoy ang hininga niya.
"You're ridiculous son, I don't have anything to say to you." Natatawa niyang sabi na halata namang peke. I just smiled.
"Well, the reason I went here is to get my black suit and black hat." Nakangiti kong sabi kay dad at agad nang kinuha ang aking mga kailangan. Lumakad na ako papalabas at naramdaman kong sumunod si Freya sakin.
Nang maalala ko, may tinatago sakin si dad. Kaya naman bigla akong kinabahan nang maalala ko si Aph. Lalo na at nasa iisang bahay lang sila pag umalis ako.
BINABASA MO ANG
Her Revival (BOOK 2 Of TML)
Science FictionRevenge is on. He's hunting you.. Beware. He's not an ordinary mafia boss, But also.. A husband, And a father. There'll be a huge secret that'll be told. everyone will be puzzled on why she's back. Freya's back. And she's with Zach. And they'll b...