12. See you soon

394 7 5
                                    

Author's Note:

Sorry guys kung napag hintay ko kayo. Busy lang talaga sa studies.. hehe. Sorry. Pero I'll try to manage my time for my readers too. :)

.

Zach's PoV

Hindi parin ako makapaniwala sa kinwento ni Nathan. Oo alam kong totoo yun pero.. sino ba ang nag traydor sa akin?? Sino?

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Gabi na at katabi ko si Freya na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakatingin lang ako sakaniya ng matagal habang nakangiti. I miss you Freya.. miss na miss na kita...

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko sabay may naramdaman akong luha na tumulo sa may pisngi ko.

"Zach?" Tawag ni Freya sakin.

"Hmm?" Tanong ko habang nakapikit ako.

"Narinig kong aalis kayo??" Tanong niya. Napalunok ako.

"O-oo eh.." sabi ko.

"Bawal ba ako sumama?" Tanong niya pa.

"Pwede. Kaso.. kailangan ka dito ni Aph.." sabi ko.

"How about bringing Aphrodite along?" Tanong niya. Napamulat ako sa sinabi niya.

"What? It's too dangerous!" Sabi ko.

"Uhmm.. okay then." Sabi niya sa'kin.

"Goodnight, Zach." Sabi pa niya.

"Goodnight, Freya.." hinalikan ko siya sa noo.

.

.

.

.

Pagkagising ko, wala na si Freya sa tabi ko. Unti unti akong umupo. Ugh. Sakit ng ulo ko.

*knock knock knock

"Come in.." Pagkasabi ko niyan, biglang pumasok si Aph.

"DADDY!!!!! WHY ARE YOU LEAVING ME?!?!?!" Agad akong napatakip sa tenga ko.

"Aph, not that loud!" Sabi ko.

"Hmmmm... b-but... " sabi niya. Nakikita kong malapit nanaman siyang umiyak. Haist. She really is a crybaby.

"Come here." Sabi ko sabay tap sa may lap ko. Agad naman siyang sumunod at pumunta sa may hita ko.

"Why..??" Sabi niya habang naluluha luha na.

I patted her head.

"Baby.. kids are not allowed there." Sabi ko.

"But.. how long will you stay there?" Nakasimangot na tanong ni Aph.

"Uhm.. Maybe a month..?"

"A MONTH?!" Gulat na tanong ni Aph. Nakakagulat ba yun???

"Uh no." Sabi ko.

"Then how long?" Tanong niya.

"Maybe 4 weeks." Nakangiti kong sabi.

"You know that I won't be fooled by that, daddy. 4 weeks is equivalent to 1 month." Sabi niya habang nakatupi ang kamay niya sa may dibdib niya.

"Fine, I give up." Sabi ko sabay taas sa dalawang kamay ko na para bang nag-susurrender?

"See? Women always win over boys!" Nakangiti niyang sabi.

"Hahaha but you're not a woman. You're still a Girl." Sabi ko sakaniya.

"I am not! I'm old enough." Sabi niya. Ngumiti na lamang ako.

Her Revival (BOOK 2 Of TML)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon