21. Jeiz

112 3 0
                                    


Amber's PoV

Dahan dahan akong lumabas ng closet ni Marck.

"Marck, alis na rin ak---"

"Oh, Amber!!" Nagulat nalang ako nang marinig ko ulit boses ni Zach.

Holy sht......... ZACH!!! Nakangisi sya habang nakatingin sa'kin. Napalunok nalang ako. Nakita ko si Takashi. Nakatayo, nakatingin lang rin sa'kin.

"Why didn't you tell me??!" Tanong ko kay Takashi. Napatawa nalang siya.

"I was curious. Hindi ko alam kung bakit mo tinataguan si Zach kaya gusto ko lang malaman ngayon." Natatawa tawang sabi ni Takashi.

"So.. Is Marck your boyfriend?" Tanong ni Zach.

"Ex." Sabi ko.

"Aah.. Nakakagulat ha. Di ko alam na ikaw yung nakatagong babae. Kaya pala amoy babae eh." Sht. I hate you Zach!!

maya maya bago pa ako nakasalita ay biglang tumunog yung cellphone ni Zach. Napatingin nalang kami ni Takashi sa isa't isa.

"Hello?......SHT!!!!....Wait for me there!!..Where are you??!....Stay where you are!!" Hindi namin alam kung bakit nag papanic si Zach ngayon. Basta ang alam nalang namin ay kailangan namin siyang sundan. Dali daling lumabas si Zach sa apartment ni Takashi. at agad naman kaming sumunod.

Nasa parking lot na nang bigla nalang akong saraduhan ni Zach, siguro dahil na rin sa pag mamadali niya kaya niya nagawa yun. Wala akong magawa kundi pumunta at sumakay nalang sa kotse ni Takashi.

Nasa loob ng kotse, walang umiimik sa aming dalawa ni Takashi. Walang maririnig kundi ang tunog ng sasakyan at ang aircon sa loob. Napaisip ako kung ano ang problema ni Zach. Okay naman ang lahat.. baka may nangyare sa mga Vipers..?

Kanina pa namin sinusundan itong sasakyan ni Zach at nakita naming lumiko siya kaya lumiko rin kami. PAg liko namin ay nakita namin na ipinasok ni Zach yung sasakyan niya sa isang garahe at nag park nalang kami sa labas. Nag mamadaling pumasok si Zach sa loob ng bahay at agad naman itong pinag buksan ng mga naroon. Hindi ko maalalang kilala ko sila pero halata sa mukha ni Takashi na kilala niya rin ito. sumunod nalang kami sa loob at walang alinlangang pinapasok rin kami nung babae.

Sa loob nakita ko si Zach, nakaluhod, yakap yakap si Aphrodite. Kita ko kung paano siya manginig sa takot at pag aalala.

"Daddy, I'm okay.." Aph said.

"Byron.. Tell me everything." sabi ni Zach. napatingin nalang ako kay Takashi habang nag kukwento siya.

Zach's PoV

Nang malaman ko ang buong kuwento kay Byron, hindi ko alam ang gagawin ko. Naisip ko.. bakit gagawin yun ni Freya? My creation is perfect. Lahat ay tested. Pero bakit? Or.. Unless.. someone hacked her program. Agad akong napatingin kay Amber. Agad namang umiwas ng tingin si Amber. Hindi ko alam kung tama itong hinala ko pero kailangan ko muna siyang obserbahan. Ayoko kaagad manghusga.

"Marck, call Aaron." Sabi ko. "Tell everyone to go here."

"Zach.." tawag sa'kin ni Amber.

"Amber. Not now. Take Aph with you." Sabi ko. Nakita ko nalang na tumango siya sabay alis papuntang kwarto.

Probably si dad yung may hawak kay Freya ngayon. Pero hindi naman ganun ganun lang kaagad makokontrol si Freya eh. Sina Marck, Nathan, Ethan at Aaron lang ang nakakaalam kung paano tuluyang makontrol si Freya eh.

"Boss." sabi ni Marck. Napatingin ako sakaniya.

"Lahat sila cannot be reach. Baka may nangyare na sa loob ng bahay mo." Sabi naman ni Byron.

"Even Zian?" Tanong ko. Tumango si Marck.

"Now he's showing his true colors." Inis kong sabi sakanila.

*knock knock knock*

Lahat kami napatingin sa pinto. Lumapit naman si Marck pero sinenyasan kong ako nalang ang mag bubukas. Pag lapit ko sa pinto ay agad ko itong hinawakan sa knob niya. Nang buksan ko ay nakita ko si Jeiz.

"J---"

"Shh. Act normal, may mga taong nakasunod sa'kin." Sabi niya. Hindi ako tumingin sa likod niya dahil mahahalata.

"Pasok ka?" Tanong ko. Ngumiti siya at tumango sabay pasok sa loob.

"Pack your things. Marami sila." Sabi ni Jeiz. Sinenyasan ko sina Marck na kunin si Aph at dumaan sa back door. At agad namang gumalaw sina Byron.

"Who are they?" Tanong ko.

"I don't know pero they looked familiar." Sabi niya.

Maya maya pa ay agad akong nakarinig ng katok sa pinto. Bago ko pa ito mabuksan ay agad akong hinila ni Jeiz palabas ng back door.

"You need to come with me." Sabi ni Jeiz. Hindi na ako nag salita at agad na sumunod nalang sakaniya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero may tiwala ako sakaniya. Sumakay kami sa sasakyan niya at agad na tumakas. Nakita ko sa may front door mula sa sasakyan, si Ethan. KAsama niya ang mga alagad ng dad ko. How could he? Hindi ko na siya pinansin dahil isang tao ang naka agaw ng atensyon ko. Si Freya. Tinutukan niya kami ng baril. agad sumakto sa may balikat ko. Nabasag yung glass sa likod.

"FCK!!" Napamura si Jeiz. Hindi ko naramdaman yung sakit dahil masyado akong maraming iniisip.

Nang makaalis na kami sa bahay nina Byron, agad kong hinubad yung pantaas ko sabay takip sa sugat ko.

Isinandal ko yung ulo ko sa may upuan at tumingala. Ramdam ko yung pawis na namumuo sa may leeg ko.

Hindi parin ako makapaniwalang nandito si Jeiz.

"Aph..." Bulong ko sabay pikit.

Hindi ko alam kung bakit nagka ganito buhay ko. Huminga ako ng malalim.

"Zach.." tawag sa'kin ni Jeiz.

"Mm?" Nanghihina kong tanong.

"It's been a long time."

"Saan ka ba nag punta?" Tanong ko sakaniya.

"Investigating." Sabi niya habang naka tingin sa kalsada.

"Tungkol saan??"

"Von Voltaires." Sabi niya. Napamulat ako ng mata.

"Von Voltaires??" Tanong ko.

"Yeah. I found one." Nagulat ako sa sinabi niya.

"And we're going to meet her." Sabi niya sa'kin.

Wala akong masabi sa sinabi niya. Von Voltaire? Baka may alam siya..

"Are you sure it's safe?" Tanong ko sakaniya.

"Yep." Nakangiti niyang sabi.

"By the way Zach, mind explaining Freya?" Tanong niya.

"She's.. a creation of mine. Not the real person."

"You're good at memorizing her."

"Yeah.."

"Zach.. you're obsessed." Bulong ni Jeiz.

Obsessed huh..

"As much as I hate the term.. but yeah. I am." Sabi ko sakaniya.

Fuck..

I miss Freya...

.

.

.

.

.

*****

Her Revival (BOOK 2 Of TML)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon