****
Zach's PoV
Nandito ako ngayon kila Byron at yakap yakap ko si Aphrodite. Hindi ko na inisip si Amber dahil mas importante si Aphrodite ngayon. Saka kaya naman na ni Amber mag isa. Matanda naman yun. Umiiyak lang si Aphrodite habang kanina pang walang kibo. Pinapanood lang kami ni Byron at Dana.
Nang makatulog si Aph, kinausap ko si Byron. Mahina lang ang boses namin dahil nasa kamay ko lang si Aph. Bitbit ko.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"Tumawag lang si Dana, pagkatapos nang tignan ko si Aphrodite, hawak hawak na ni Freya sa leeg yang anak mo. Buti nalang at nakatyempo ako at umalis kasama si Aphrodite. Hindi ko alam pero bakit ang lakas lakas ni Freya? Hindi ba't patay na si Freya?" Tanong niya. Hindi ako sumagot.
Nabasag ang katahimikan nang may kumatok sa pinto nina Byron. Agad kong binunot ang baril ko at tinutok sa pinto. Dahan dahan namang binuksan ni Byron yung pinto habang may hawak siyang baril.
"It's Marck." Rinig naming sabi. Nang mabukas na ng tuluyan, nakita nga namin na siya si Marck.
"Pasok ka." Sabi ni Byron. At pumasok si Marck, tumabi sa'kin. Sinarado na ni Byron yung pinto saka nag salita si Marck.
"Zach, lahat ng gang mates mo ay napunta na sa side ng mga Sin." Sabi ni Marck.
"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko.
"Nang mag punta kasi ako dun sa bahay niyo, lahat sila inatake ako. Sa tingin ko kinokontrol sila." Sabi niya sa'kin.
Sht. Hindi pwede to. Hindi ko pa nahahanap si Zian, tapos dumadagdag yung mga problema ko.
"So sinasabi mong masama talaga si dad?" Tanong ko. Tumango naman si Byron.
"Zach, hindi mo pa sinasagot tanong ko." Sabi ni Byron. Napatingin kaming lahat sakaniya.
"Sino yung Freya na nasa bahay mo? Namatay ba talaga siya?" Tanong niya.
Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba sila. Dahil mismong gang mates ko, napunta na sa dad ko. Baka spy sila.
"Zach, makapagtitiwalaan mo kami, okay? Just trust me." Sabi ni Byron. Hindi ko alam..
"Zach, Trust him. At kapag sinabi niya ito sa iba, ako mismo ang pupugot sakaniya." Sabi ni Marck.
"Uy, grabe ka naman! Mukha ba akong hindi kati-katiwala???" Tanong ni Byron. Tumango kaming dalawa ni Marck
"Bad kayo!" Sabi ni Byron. Tumawa nalang kami.
"Fine. Sasabihin ko ang lahat lahat." Sabi ko sakaniya.
"Hindi si Freya ang nasa bahay. Oo, namatay si Freya." Sabi ko.
"Eh.. paano..?" Tanong niya.
"Nung namatay si Freya, nung pinapakawalan ko yung abo ni Freya, prototype palang yung robot na ginagawa ko. Oo, Robot si Freya ngayon. Nakuha ko yung Jade Green Eyes ng robot ko sa pamamagitan ng pagkuha nun sa auction. Kinuha kasi nila Zyra at Zian yung mata ni Freya. And I think binenta nila sa Auction. Kailan ko ginawa? Nung times na tumatambay ako sa loob ng lab ko." sabi ko. There. I said it.
"So.. all this time nag mamahal ka ng isang robot?" Tanong ni Byron.
Napalunok ako at tumango.
"You're obsessed." Sabi ni Byron.
"Yes, I am." Sabi ko.
"Ang sweet, pero ang creepy din." Sabi niya pa.
Creepy ba yun? Eh nag mamahal lang naman ako.
BINABASA MO ANG
Her Revival (BOOK 2 Of TML)
Science FictionRevenge is on. He's hunting you.. Beware. He's not an ordinary mafia boss, But also.. A husband, And a father. There'll be a huge secret that'll be told. everyone will be puzzled on why she's back. Freya's back. And she's with Zach. And they'll b...